Chapter 14

58 3 9
                                    

"Hindi 'yan kailangan."

"Tatlo na lang."

"Hindi pwede."

"Pero..."

"Kylie."

Nakangusong ibinalik ko ang anim na bar ng dairy milk sa lalagyanan nito. Para akong bata na binawalan ng nanay dahil kumukuha ako ng mga pagkain na wala sa listahan.

Nasa supermarket kami ngayon ni Kaizer. Hawak niya ang push cart habang ako naman ay nasa gilid lang niya at sinusundan siya. Wala naman talaga sa itinenary namin ngayong araw ang pumunta rito. Pero magmula nang malaman niya last last week na hindi ako nakakapaggrocery on time, lagi na siyang pumupunta sa unit ko every weekend para icheck ang ref ko.

"Huwag mo ng damihan 'yung gulay. Hindi ko naman nakakain," reklamo ko nang makitang sunod-sunod ang pagkuha niya ng iba't ibang klase ng gulay at basta na lang nilalagay sa cart.

Hindi niya ako pinansin. Napakamot na lang ako sa ulo at hinayaan na lang din siya. Kahit ano namang pilit ang gawin ko, hindi ko naman siya mababawal.

Muntik pa kaming mag-away habang nagbabayad kami sa counter. Ang Kaizer na 'to, ang hilig-hilig bayaran 'yung mga grocery ko! Napag-usapan naman namin na hindi niya 'yon babayaran basta raw papayagan niya akong maggrocery kasama siya. Pero minsan, inuuto niya ko! May isang beses na inutusan niya ako at may pinakuha sa meat section, pero pagbalik ko, bayad na 'yung mga pinamili ko!

"Just this once," pilit pa niya.

"Hindi nga pwede," giit ko.

"Bakit ba ayaw mo? Boyfriend mo naman ako." nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Kahit na. May pera naman ako!"

"Ma'am, Sir, baka naman magbreak kayo. Chill lang po."

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya kay ate cashier na nasa harap namin. Humingi ako ng pasensya at mabuti na lang, mabait siya. Bumaling ako kay Kaizer at pinanlakihan siya ng mata para manahimik na. Wala na siyang nagawa nang iabot ko ang bayad para sa grocery ko.

"Next time, let me," masungit na sabi niya at siya na ang nagbitbit nung box na naglalaman ng mga pinamili namin. Nauna na siyang naglakad palabas ng mall.

Nagpasalamat ako kay ate cashier bago ko siya sinundan.

"Tampo ka niyan?" I asked, raising a brow. Sinabayan ko siya sa paglalakad papunta sa exit ng mall.

Hindi niya ako sinagot. Mukhang tinotoyo na naman yata ang bebi ko.

"Uy Kai..." tawag ko sa kanya at bahagyang hinila ang sleeves ng black shirt niya. I saw him sighed and turned to me. I gave him a cute smile.

His face softened, "You really know your power over me, huh?"

Mas lalong lumawak ang ngiti ko, "Ang tawag d'on, marupok."

Tumawa ako nang sinamaan niya ako ng tingin. Inirapan niya ako at nauna uli sa paglalakad. Natatawang sinundan ko siya.

"Ito naman! Joke lang!" habol ko sa kanya.

Inilagay muna namin sa trunk ng sasakyan ni Kaizer ang mga grocery ko bago kami bumalik ulit sa loob ng mall. Sabado ngayon at medyo marami ang tao. Dapat ay bukas kami aalis pero dahil pareho kaming may tatapusin na requirements, napagdesisyunan na naming lumabas ngayon.

Kaizer casually held my hand and intertwined our fingers. Bumaling ako sa kanya, "NBS muna tayo. May bibilhin ako."

He nodded and we went straight to the escalator, magkahawak kamay pa rin. Mas angat ako ng isang baitang sa kanya kaya magkapantay ang mga mukha namin. I smiled at him again. Sobrang fresh niyang tignan sa paningin ko ngayon. Plain black v-neck shirt, blue jeans and a white rubber shoes. Tapos may black smart watch sa left hand niya na nagpamukhang mayaman siya. His black hair was a bit messy at natatakpan ng buhok nito ang noo niya.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now