Chapter 20

42 2 1
                                    

"Miss Francesca..."

Hindi ko pinansin ang pagtawag ng babaeng sekretarya ni Mama saakin nang makapasok ako sa loob ng kuwarto kung saan dinala si Mama. My eyes were immediately glued to my Mom lying on the bed, unconcious and looking sick. Para akong kinapos ng hininga sa nakikita.

"Miss..." tawag pa uli ni Emira sa akin bago ito lumapit.

"Anong..." hindi ko matuloy ang itatanong. My heart is aching in so much pain right now. Hinihingal rin ako dahil sa pagtakbong ginawa ko kanina para makarating agad dito.

"...nangyari..." I managed to continue. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pagyuko ng sekretarya ni Mama. Naiiyak na bumaling ako sa kanya. Bago pa ito makasagot ay bumukas uli ang pinto at iniluwa ang mga kaibigan ko. Natigilan din sila nang makita ang kalagayan ni Mama.

"Answer me..." mahinang utos ko sa kanya, hindi na inalala ang paggalang. Balak pa akong lapitan nina Kianne pero napatigil din sila nang makita ang ekspresyon ng aking mukha.

"I'm sorry po Miss..." iyon lang sinabi niya. Tuluyan ko siyang hinarap.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ilang segundo uli siyang hindi nakasagot. Lahat kami ay nag-aabang sa susunod niyang sasabihin. I want to shake her off to tell me immediately what the heck is happening pero dala ng pagod at panghihina ay hindi ko na magawa.

"Hindi ko naman po dapat kayo t-tawagan dahil 'yon po 'yung habilin ni Ma'am..."

Nanatiling akong nakatitig sa kanya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. I am too tired to even give her a reaction.

"Pero, hindi ko na rin po kayang hindi sabihin sainyo ang kalagayan niya..." pagpapatuloy niya.

"Just go straight to the point please," halos magmakaawa na ang boses ko.

Nakita kong napalunok siya bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Matagal na pong may sakit si Ma'am, Miss..."

Natigilan ako at bahagyang napaawang ang bibig dahil sa narinig. Parang nablanko ang utak ko sa narinig. Tears welled my eyes. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa mga mata niya para makumpirma kung nagsasabi ba siya ng totoo, pero ang tanging nakikita ko lang ay lungkot at awa para sa akin.

"Hypertrophic cardiomyopathy raw po sabi ng doktor..." she paused a bit and bit her lower lip, "Hindi lang niya gustong ipaalam sa'yo dahil ayaw niya pong malaman niyo at mag-alala kayo..."

"You're lying..."

No. Malabo ang sinasabi niya. My Mom can't be sick. Ang ayos-ayos lang niya noong huli kaming nagkita! She is healthy even before! At kung may sakit man siya, malalaman ko agad 'yon!

"Miss..."

"Cesca," lumapit si Kianne sa akin para pakalmahin ako. Dahil sa ginawa niya, mas lalong nagbadya ang mga luha ko.

"Hindi 'yan totoo. Pwede ba, stop lying! Walang sakit si Mama. She looks so damn healthy! Paanong magkakasakit siya?!" hindi ko na napigilan ang mapataas ang boses. I saw how my friends panicked on my sudden rage, pero wala akong pakielam. My mind was already clouded by my emotions to even care.

Lumapit si Faith sa sekretarya ni Mama at sinabihan na iwan muna kami. She didn't hesitate to follow. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maisarado ang pinto. Napahilamos ako sa aking mukha at hindi ko na napigilan ang mapaupo sa sobrang panghihina.

Tangina, anong klase 'to?

Unti-unti ako napaiyak na hindi ko na inalala  kahit nandito ang mga kasama ko. I cried in so much frustration. Lahat ng nararamdaman ko ay ibinuhos ko sa pag-iyak. My heart is aching in so much pain right now. Masakit. Masyadong masakit. This is too much for me to handle. Bakit ganito? Tangina naman. Gano'n ba kalaki ang naging kasalanan ko para iparanas sa akin 'to? Una si Kaizer tapos ngayon, si Mama.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now