Chapter 24

42 2 13
                                    

Note: Daming typooooo dhdhdh

"Hija, gamot mo."

Pinanood ko si Manang na pumasok sa loob ng kuwarto ko na may dalang gamot at isang baso ng tubig na nakapatong sa tray. Bahagya akong napangiwi. Ikalawang inom ko na ito ngayong araw. Ayoko na.

"Manang, okay na ko..." pangatlong beses ko na rin yatang nasabi 'to, nagbabasakali na sana ay makumbinsi siya na hindi na ako dalhan ng gamot. I'm already fine!

Nakaupo ako ngayon sa ibabaw ng kama ko at kanina pa nanonood para lang mawala ang inip at inis kay Archer. That brute! Nakakainis! He's the reason bakit hindi ako makaalis ngayon sa bahay at ayaw akong sundin ng sarili kong mga tauhan.

"Babalik ako mamaya, inumin mo 'yan." she ignored my statement. Nginitian ako ni Manang bago siya tumalikod at lumabas ng kuwarto. Pinanood ko ang pag-alis niya hanggang sa misarado niya ang pinto. Huminga ako nang malalim at muling napatingin sa side table kung saan nakapatong ang tray na may gamot. Napangiwi uli ako.

Nang magising ako kahapon mula sa pagkahimatay ay agad akong sinalubong ng kalmadong sermon mula kay Archer. Mukhang napauwi siya nang maaga pagkatapos malaman ang nangyari sa'kin. The brute was mad but calm. Ganoon siya kapag naiinis o kaya kapag galit. Hindi siya nagsasalita. He'll just stare at you at doon niya ipapadama sa'yo kung anong nagawa mong kasalanan!

"I'm sorry... hindi ko naman sinasadya..." hinging paumanhin ko. Sinubukan kong mag-angat ng tingin just to see him staring. I lowered my gaze again at pinaglaruan ang mga daliri na nakapatong sa kumot na gamit.

Nasa hospital kami ngayon. I was sitting on a bed inside a private room, habang si Archer naman ay nakaupo sa isang gilid at kanina pa nakahalukipkip na nakatitig sa akin.

Hindi siya nagsalita ng ilang minuto. I get it. He got worried. Hindi ko siya masisisi sa aspetong 'yon. It's partly my fault since hinayaan 'kong mapagod ang sarili ko. But I want him to know na hindi ko sinadya 'yon at marami lang talagang trabahao sa opisina na kailangan kong tapusin.

Napalabi ako sa naiisip na rason. Really, Cesca? Sigurado ka riyan?

"You made Kohen worried." ramdam ko ang kaunting lamig sa boses niya. I bit my lower lip. Na-imagine ko ang pag-iyak ni Kohen habang nakatingin sa walang malay kong katawan. I sighed. I should call him later.

"Same with me."

Napatingin uli ako sa kanya at napansing naka-office attire pa rin siya. He's probably working when someone called and told him about my situation, "I'm sorry..."

He sighed and looked away, "You'll stay here for three more days," saad niya na ikinalaki agad ng mga mata ko.

"Three days?!" bulalas ko.

Tumayo siya at nakahalukipkip na lumapit sa akin. He raised a brow as he saw my reaction, "May problema ka r'on?"

"Archer naman..." agad kong reklamo. Ngayon pa lang gusto ko ng umuwi! Tapos three days pa?! Over fatigue lang naman 'to pero kung makapagconfine naman, parang may malalang sakit ako!

"You need to have a complete rest. Pupunta si Manang Teresita rito mamaya para bantayan ka." bahagya niyang niluwagan ang necktie na suot. I slightly groaned.

Iba talaga ang dating niya kapag galit. Wala 'yung playful side. I'd rather face that kaysa 'yung ganito na kalmado pero galit naman. Para siyang tatay ko!

"Ayoko rito please. Sa bahay na lang..."

And that's how I convinced him to let me stay at my house. Muntik pa ngang sa bahay niya ako mapapadpad! Mabuti na lang at nakumbinsi ko siya na rito na lang sa bahay ko. Kahit naman na gusto 'kong makasama si Kohen, baka hindi ko rin siya mapagtuonan ng pansin kung magpapahinga lang ako.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now