Chapter 13

52 3 19
                                    

"I'll court you."

Wala na akong ibang narinig kung hindi ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ramdam ko ring pinagpapawisan ako sa kaba at parang anytime ay mapapaupo ako dahil sa panlalambot ng tuhod. Nakatitig lang ako sa kanya, bahagyang nanlalaki ang mga mata. Did he... did he just...

Madilim at mariin ang titig niya sa akin. I saw him swallowed hard after saying those words. Ganunpaman, I can see confidence in his eyes. It's like he's determine on something. Napakurap- kurap ako.

"Court... me?" I slowly asked, still processing what he just said.

He nodded steadily, his eyes not leaving mine, "Yes..."

"You like... me?" I asked softly.

He nodded again, "Yes, I like... you."

Hindi uli ako nakapagsalita. Mas lalo pang dumoble ang kabog ng dibdib ko dahil inulit niya pa! Nananaginip ba 'ko? Is he really confessing? Ano 'to? Bakit? Anong nangyayari?

"Nakainom ka... ba?"

His eyes narrowed at my question. Kahit na madilim ay hindi nakatakas sa akin ang pagdaan ng kaunting iritasyon sa mukha niya. He scoffed and put both his hands on his waist. Bahagya niya pang iniyuko ang mukha niya bago uli tumingala sa akin at bigyan ako ng isang mariing titig.

"You think I'm drunk confessing?" seryosong tanong niya.

I winced, "Uh... baka lang naman..." wala na talaga akong maisip sabihin. Kung doon pa lang sa tanong niya kahapon ay natameme agad ako, ito pa kayang umamin siya!?

Isa pa, noong huli ko siyang nakitang uminom, kung ano-anong pinagsasasabi niya!

Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso anumang oras. Hindi na rin ako makahinga nang maayos. Hindi ko talaga inaasahan 'to. Kanina lang, hirap na hirap akong intindihin ang mga kilos at sinasabi niya tapos heto, binigyan na niya ako ng mas direktong sagot.

Saglit niya akong tinitigan, "No, I'm not drunk. Hindi ako uminom para mabantayan ka."

My eyes widened a bit.

"Huh?"

He cleared his throat and looked away, a bit embarrased on what he just said. Naalala kong sinabi niya kanina na hindi siya pupunta. At ngayon, 'wag mong sabihing pumunta siya rito para lang bantayan ako?

"I'm just guarding you up just in case..." tumingin uli siya sa'kin. "...and I was right. Mabuti na lang nandoon ako dahil kung hindi..." he sighed, hindi matuloy tuloy ang sasabihin.

"Kaya ko naman ang sarili ko..." I said softly.

His eyes narrowed again, "Even so. And I don't like any guy touching you like that. Hindi nga kita mahawakan tapos gagawin nila?"

Kung kailan medyo kumakalma na ako saka uli siya magsasalita ng gan'on!

Hindi uli ako nakasagot. Nakalutang na naman ako sa ere dahil sa sinabi niya. Ano bang dapat kong sabihin? Hindi naman ito yung unang pagkakataon na may umamin sa akin. Noon tinatawanan ko lang at hinahayaan na lang sila pero mukhang hindi 'yon applicable sa sitwasyon ngayon. Baka kapag ginawa ko 'yon, magwalk-out 'to!

Mukhang napansin niya uli ang pananahimik ko. He shifted his weight and put his hands inside his pockets.

"Sorry for that. I didn't mean to make you uncomfortable."

Agad naman akong umiling, "Hindi. Ano kasi... Nagpoprocess pa..."

His brow arched up. I saw how he tried to stifle a smile, as if he found something amusing, "What? Hindi ka naniniwala?"

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now