Chapter 27

26 1 7
                                    

He stared at me for another moment. Napakurap-kurap ako nang matanto ang sinabi ko. Anxious with his gaze, I looked away. Pasimple uli akong tumikhim.

"I mean, sino bang hindi mag-aalala? Even the workers here are worried." agap ko. Gusto kong sapakin ang sarili dahil sa sinabi. Yes, I am worried. Hindi naman ako mapapapunta rito kung hindi. Pero hindi na dapat niya narinig 'yon! I mentally sighed. Nakakainis talaga minsan itong bibig ko.

I saw how he tried to stifle a smile. Bahagya akong nabahala. Now maybe he thinks I really care. Damn it. Gusto ko nang maglaho rito.

He nodded after. Napatingin uli ako sa kanya at hindi nakatakas sa akin ang munting ngisi sa mga labi niya.

"Fine, I'll go home..."

At sa wakas ay naisip niya rin!

"But I'm too dizzy to drive though."

Hindi agad nagproseso sa akin ang dinugtong niya. My brow arched a bit. Halata na sa mukha niya ang panghihina pero kahit papaano ay nagagawa niya pang tumayo nang maayos.

"Teka... ipapahatid kita kay manong-"

"Ay ma'am, wala po si Edgar ngayon. Isinama ni ser." bahagya akong nagulat nang marinig ang boses ni manang na ngayon ay nasa tabi ko na. Bumaling ako sa kanya, nagtataka kung kailan pa siya nakalapit rito.

"I'm fine po. Kaya ko pa naman po sigurong magdrive." Kaizer gave her a weak smile.

Kunot-noo kong ibinalik ang tingin sa kanya.

"Ay naku ser, hindi ho 'yan pwede. Baka mapaano po kayo sa daan." si manang ulit. Magsasalita na sana ako at isusuggest na pagpahingahin muna siya rito hanggang sa maging maayos ang pakiramdaman niya nang unahan uli ako ni manang.

"Ma'am Cesca, hindi niyo po ba pwedeng ihatid si ser sa kanila?"

My eyes widen a bit at manang's suggestion. Napatingin tuloy uli ako sa kanya at bahagya pang itinuro ang sarili para makasigurado kung tama ba ang narinig ko.

"Ho?"

"Eh ma'am kawawa naman si ser at baka kung mapano pa po habang nagdadrive."

My initial plan is just to convince him to go home. Wala sa plano ko na ihatid din siya sa kanila! Gusto kong tumanggi. Pero nang masulyapan ko si Kaizer ay mukha ngang hindi na niya kakayanin pa na magdrive. He noticed my gaze kaya agad akong napaiwas ng tingin. I mentally groaned. Ano ba 'tong pinasok ko?

"It's really fine, Manang. Mauuna na po ako."

"Ser teka-"

"Okay okay. Sige na. Ihahatid na kita."

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. At his state, hindi na niya kakayanin magdrive. Napansin ko agad ang pagkahilo niya nang subukan niyang humakbang kanina. Isa pa, mukhang hindi kakayanin ng konsensya ko kung sakali man na may mangyaring hindi maganda sa kanya.

Ramdam ko ang titig ni Kaizer sa akin pagkatapos kong sabihin 'yon. Hindi ako makatingin sa kanya kaya bumaling ako kay manang na parang nagpipigil pa ng ngiti pagkatapos marinig ang desisyon ko.

"Ako na pong bahala sa kanya. Pakihatid na lang po ang sasakyan ko sa bahay. We'll use his car po para hindi na hassle na ipahatid sa kanila. And pakisabi na lang din po kay Archer na... hinatid ko na siya." habilin ko.

Ngumiti si manang bago tumango. I gave her a small smile before turning to Kaizer na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"Tara na..." aya ko sa kanya at nagpatiuna na sa paglalakad. Pasimple uli akong huminga nang malalim habang naglalakad patungo sa gate. Ramdam ko naman ang presensya niya na nasa likod ko.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now