Chapter 31

23 1 11
                                    

"Nasaan si Cesca?"

Mas lalo akong namaluktot sa kama nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang paghahanap sa akin ni Mianca. Napapikit ako nang mariin, walang balak harapin ang kahit na sino ngayon. Kung pwede lang talaga magpalamon sa kama, kanina ko pa ginawa.

"Oh bakit? Anong nangyari riyan?" I heard her asked Faith.

"Lasing kagabi. Ayan, kagigising lang."

Lalong humigpit ang yakap ko sa unan na kasama sa ilalim ng kumot nang maalala ang pag-inom ko kagabi. I heard Faith laughed. Ramdam ko naman ang paglubog ng kama sa likod ko dahil sa paglapit ni Mianca.

"Inom pa more," rinig kong asar niya.

"Shut up!" I muffled through the covers.

Maya-maya ay agresibo nitong hinila ang kumot palayo sa akin. Inis akong bumangon at bumaling sa kanya para agresibo uli itong hilain. She was amused with my reaction. Bumalik ako sa pwesto ko at hindi sila pinansin doon. Mas gugustuhin ko na lang uli na matulog o kaya ay maglaho kaysa ang lumabas sa kuwartong ito.

"Anong nangyari, huh?" rinig ko pang tanong niya. Marahan uli ang pagtawa ni Faith. I groaned. Muli akong napapikit ng mariin nang muling maalala ang kwento niya kanina. Parang sirang plaka na umuulit ang mga salitang 'yon sa utak ko at ayaw umalis.

"Bigla kang nawala kagabi. Saan ka naman nagpunta?"

"Sabi nung naghatid sa kanya, nakita raw siya sa may seaside. Kumakausap ng bato." nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon. I covered my ears para hindi marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"What? Sinong naghatid?"

Walang akong narinig na nagsalita pagkatapos. My brows furrowed. I have this gut feeling na nag-uusap sila sa tingin. Inis ko uling inalis ang nakatakip na kumot sa akin at hindi nga ako nagkamali sa naisip. They both turned to me. Nakaawang ang bibig ni Mianca samantalang naiiling na natatawa naman si Faith.

I groaned again and went back to my position. I hate it here. Gusto ko ng umuwi.

"Hoy! Kaya pala naman pala! Ikaw bruha ka. Kunwari ayaw!"

"Bridal style pa nga." Minsan talaga hindi ako natutuwa na natutong maging madaldal at mapang-asar si Faith. I sighed frustratingly.

"What happened before that? Omayghad. May nangyari? Come on tell us. Anong ginawa niyong dalawa, huh?"

Wala na akong lakas pa na magsalita at magreklamo. Hindi pa nagsisimula ang araw ko pero pagod na pagod na 'ko. May hangover pa ako tapos hindi pa maganda ang bungad sa akin kanina.

"Hindi ko alam..." wala ng ganang saad ko.

Wala akong maalala. Pagkagising ko kanina ay alam kong masakit lang ang ulo ko. But when Faith told me who escorted me to our room last night, parang naalisan ako ng kaluluwa.

Blurry images of Kaizer suddenly filled my memory. Literal akong napanganga kanina nang bahagyang maalala 'yon. We were near the seaside tapos nag-uusap. Hindi man ganoon kaklaro ang mukha niya ay alam kong siya 'yon. Hindi ko alam paano siya napaunta roon pero sa dami naman kasi ng tao, bakit siya pa 'yung nakakita sa akin? What makes the situation worst, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan namin!

Gustong-gusto ko ng maglaho kanina. Hindi ko man maalala ang pinag-usapan namin pero alam kong may nasabi akong paniguradong hindi ko na gugustuhing maalala o malaman!

Hindi ko na talaga alam paano pa siya haharapin mamaya. Mas lalo lang akong naging determinado na malayuan siya.

"Gaga ka. Feel ko may nagawa kang hindi maganda." I rolled my eyes at Mianca when she laughed. Faith sat on the sofa while she shook her head. Sa halip na i-comfort ako, mas masaya pa silang makita akong ganito.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now