Chapter 26

28 1 12
                                    

Hindi ako makatulog nang maayos sa gabing iyon. Kahit anong lipat ko ng posisyon ay walang epekto. I tried closing my eyes but every time I do that, bumabalik lang lalo sa isipan ko ang nangyari kanina.

Huminga ako nang malalim at muling tumitig sa kisame. I tried to count sheeps again to divert my mind to something else pero kahit anong gawin ko ay bumabalik lang uli sa lalaking 'yon! Napapikit ako sa inis. Kahit na ramdam ang pagod sa araw na ito ay hindi pa rin magawang makisama nitong utak ko.

Ilang segundo pa akong nasa ganoong posisyon bago uli ako huminga nang malalim at umupo. Hinagilap ko ang aking phone sa bedside table at binuksan 'yon. Bahagya pa akong napapikit nang tumama sa mukha ko ang liwanag.

Napanguso ako nang makita ang oras. It's already eleven in the evening. Ganitong oras ay dapat natutulog na 'ko! Kung may trabaho siguro ako bukas ay paniguradong papasok ako sa opisina nang bangag at puyat.

I went to see if there are any new messages in my telegram pero walang bago roon. Gusto ko sanang gambalahin si Kianne but for sure that witch is already asleep. Ayoko naman na magmessage sa group chat para magtanong kung sino pa ang gising. Aware naman ako na nagpapahinga na rin ang mga kaibigan ko dahil sa pagod sa trabaho.

Sa huli ay nagpasya akong tumayo at bumaba para magtimpla ng gatas. Maybe that will help me sleep. Malaki naman ang bahay pero dahan-dahan pa rin ako sa paglalakad patungo sa dining area. Hindi ko na rin inabalang gisingin si Manang para lang sa pagtimpla ng gatas. I can do it myself. Isa pa, alam kong pagod din siya.

I opened the lights when I reach the dining area. Agad akong dumiretso sa electric kettle at nagpainit ng tubig. Nakatitig lang ako r'on habang hinihintay na matapos. Ilang minuto lang din siguro ang lumipas nang kumulo ang tubig at nakapagtimpla rin ako.

Sa halip na bumalik sa kuwarto ay dumiretso ako sa breakfast table. Ipinatong ko roon ang baso ng gatas bago ito kuhanan ng litrato para sa IG story. I posted it without any caption. Matagal-tagal na rin noong huli akong nagpost sa instagram. It felt weird though.

Nang matapos ay itinabi ko muna iyon at uminom ng gatas. Kahit papaano ay kumalma ang sistema ko sa init nito. I sighed. Sandali akong tumunganga pagkatapos. The house felt so quiet. Hindi naman na bago 'to pero hindi ko maiwasang pansinin. Malungkot na ito noon noong nawala si papa pero hindi ko akalain na mas may ilulungkot pa 'to nang... I sighed and shut my eyes, hindi magawang ituloy ang sasabihin.

Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko pero ayaw makisama ng utak ko. Kung kailangan naman hindi ko kailanganang magpuyat saka naman ganito! Nakakainis.

Nabitin sa ere ang pag-inom ko nang makita ang pag-ilaw ng cellphone ko. Kinuha ko 'yon kasabay nang pag-inom sa gatas.

My eyes slowly widen when I read the notification. Hindi ko rin napigilan ang mabulunan at mapaubo sa iniinom. Dali-dali kong binitawan ang cellphone at kumuha ng tissue sa malapit para punusan ang sarili sa natapong gatas.

"Shit..." bulong ko nang makitang halos natapon iyon sa pajamas ko.

I sighed and looked at my phone again. Hindi ko alam kung nag-iilusyon na naman ba ako o tama talaga 'yung nabasa ko. Ilang segundo muna siguro akong nakatitig doon bago uli 'yon kunin at kumpirmahin kung tama ba ang nakita ko.

Pero halos maibato ko lang din ang phone ko nang mabasa at makumpirma nga 'yon. Shit 'yan. Bakit nakikita ko username ni Kaizer sa notif ko?

Binuksan ko ang phone ko para mas mabasa iyon ng maayos. My brows arched when I realized he messaged me!

[kaizerhosteen] Kaizer: Can't sleep?

I can't help but scoffed. Mukhang nakita niya ang story ko at doon nagreply. Really? Parang hindi ko siya kasama kanina, huh? At talagang ang malakas ang loob niya na imessage ako kung kailan siya ang dahilan bakit hindi ako makatulog ngayon!

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now