"Tapos ka na?"
Nag-angat ako ng tingin nang makita ang class president na nasa harap ko. Ngumuso ako at umiling. He laughed and gestured me to continue.
"Wait mo ko. Patapos na," sabi ko at binilisan ang pagsulat sa yellow paper ko. Kairita naman kasi si Sir! Kung kailan ten minutes na lang, nagpa-activity pa! Hanep.
"Ikaw na lang ang hindi tapos."
"Wait kasi! H'wag mo akong ipressure, doon ka muna," sabi ko habang nagsusulat ng mabilis. Mabilisan na rin ang pagpindot ko sa calculator. Nakikita ko rin sa peripheral vision ko na nagsisitayuan na ang mga kaklase ko para magbreak.
After 'kong maging mala-flash sa pagsusulat ay ipinasa ko na ang paper ko. Napailing saakin si Justice habang tinitignan ang sulat ko na halos hindi ko na rin mabasa kanina dahil sa pagmamadali.
"Parang hindi readable?" natatawang tanong niya habang nakatingin sa paper ko. Inirapan ko siya.
"Wow ha. Ganda ng sulat mo." ganti ko naman.
Napatingin ako sa wrist watch ko at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang late na ako sa susunod kong klase. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at ipinasok sa bag.
"Saan next class?" tanong niya ng mapansin na nagmamadali akong umalis.
"Secret. Alis na ko. Bye!" paalam ko at tumakbo palabas ng case room. Dali-dali akong tumakbo papuntang elevator. Habang nasa loob ay inayos ko ang buhok ko at tinignan ang mukha ko sa reflection ng elevator. I peace signed nang makitang maayos ang itsura ko.
Nang makarating sa first floor ay tumakbo ulit ako papunta sa building ng mga Archi at Engineering. Doon ang sunod kong klase. Binilisan ko pa ang takbo ko nang makitang limang minuto na akong late! Ang arte pa naman ng prof ko sa subject na 'yon pagdating sa attendance!
Gumamit na ako ng hagdan dahil nasa second floor lang 'yon. Nang makarating ako sa tapat ng room ko ay huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto at dahan-dahang pumasok.
Sabay-sabay naman na tumingin sa direksyon ko ang mga kaklase ko sa klase na 'yon pati na rin ang prof ko na may hawak na index card at nagchcheck na ng attendance.
"Good morning, Sir," bati ko at tinaasan ako ng kilay bago niya ibinalik ang tingin sa index card na kasalukuyan niyang hawak.
"Gutas, Kylie Francesca," tawag niya at nagtaas naman ako ng kamay.
"Present, Sir!" sabi ko. Sakto.
Matapos niyang tawagin ang pangalan ko ay dumiretso na ako sa upuan ko. Napangiti ako nang makita ko ulit ang crush ko na nakaupo lang sa tabi ng pwesto ko. Inilapag ko ang mga gamit ko sa mesa at umupo sa tabi niya. He gave me a quick glanced. Napangiti naman ako.
"Hello, kumain ka na?" bati ko sa kanya. As usual, hindi na naman niya ako pinansin. Snobber talaga 'tong crush ko. Nako, kung 'di lang guwapo.
"May sandwhich ako rito, gusto mo?" alok ko sa kanya. Lunch break na rin kasi at after ng subject na 'to pa lang ang vacant namin.
"No thanks." tanggi niya. Ngumuso naman ako. Hindi naman na bago 'to pero masakit pa rin talaga sa heart na matanggihan ni crush.
"Cuellar, Kaizer Hosteen," tawag ng prof namin at nagtaas naman ng kamay si crushie sabay sabing present.
"Ako, hindi mo aalukin?" lumingon ako kay Jom na nakapwesto sa likod ko at tinaasan siya ng kilay.
"Crush ba kita?" sarkastikong tanong ko. Inirapan naman niya ako.
"Favoritism," rinig kong sabi niya.
"Ms. Gutas. Can you recall our last discussion?" napabaling naman ako sa prof ko na mukhang tinamaan na naman ng menstruation nang tawagin ako. Lagi talaga akong target nito kapag nakikita akong nakikipagdaldalan.
YOU ARE READING
Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)
Storie d'amoreFrancesca likes Kaizer. But her affection towards him will lead them to face some challenging situations.