Chapter 12

55 2 14
                                    

"H-huh?..."

Para akong kinapos nang hininga sa naging tanong niya. Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Anong ibig niyang sabihin r'on? Is he indirectly saying na may crush na nga siya sa akin? Pero joke lang 'yung tanong! Hindi ako assumera pero hindi naman ako gan'on katanga para hindi makuha ang pahiwatig niya. Susmaryosep, Lord! Ang alam ko kakain lang kami?!

Walang nagsalita sa amin. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa. Gusto kong magsalita pero umurong yata ang dila ko at pinagpapawisan na ako kahit malakas ang aircon.

Napansin niya 'yon at unti-unting nawawala ang ngisi sa labi. He blinked many times as if he realized what he just said. Napaubo siya sa sariling laway at nag-iwas ng tingin. I saw him cleared his throat after. Nakatitig pa rin ako sa kanya at pinoproseso ang nangyari.

"W-what I mean..." he swallowed hard, "...if you like me, don't restrain yourself," he looked at me again. Namumungay uli ang mga mata niya.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano bang dapat sabihin sa mga ganitong sitwasyon? Pero kung titignan, wala naman talaga siyang sinabi. Ibinalik lang naman niya sa akin 'yung tanong ko. Pero bakit naman kasi kailangan niya pang ibalik?

Pwede naman niyang sabihing hindi!

"Kylie..." bumalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawag niya. I blinked twice then laughed nervously. Wala talaga akong maisip sabihin!

"Ikaw naman!" pabiro ko siyang hinampas sa braso. Mukhang bahagya siyang nagulat sa ginawa ko at napatingin pa siya sa kanang braso niya na hinampas ko.

"Joke lang 'yung tanong! Sineryoso mo naman!" hindi siya nagsalita at mariin lang na nakatitig sa akin. Inayos ko ang aking bag sa balikat. "Alam mo, gutom lang 'yan. Kumain na tayo. Tara na," saka ako naunang naglakad palabas ng room namin.

Hindi ko na siya nililingon pero alam kong nakasunod na siya. Mas lalo lang kasing dumodoble ang kabog sa dibdib ko kapag nakikita ang ekspresyon ng mukha niya. Lalo na 'yung mata niya! Habang naglalakad kami patungong canteen, tahimik akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Ang intense naman n'on! Bakit kasi ganoon ang choice of words niya? Iba tuloy yung na-aassume ko kahit hindi naman dapat.

Hindi naman niya ako gusto, hindi ba? It can't be. Halata naman noon kahit hindi niya sabihin. Pero kahit naman kasi hindi ako umaasa na magkakagusto siya sa akin, at kahit ginagawa ko 'to para mas maging kumportable kami sa isa't isa, parang hindi naman yata tama na makiusap siya na 'wag kong alisin ang feelings ko para sa kanya!

Ang selfish naman n'on. Paano kung ibang tao ang nasa pwesto ko? E'di ang sakit n'on? Lalo na hindi naman siya magugustuhan pero ayaw niyang mawala 'yung feelings nung babae?

Maybe I should talk to Kaizer about that. Pero 'wag muna ngayon dahil medyo kabado pa ko!

"Tingin mo?"

Ugh, tangina 'yan.

"Mianca, may itatanong ako."

"Hmm?"

She was holding a small mirror as she put some lip tint on her lips. Nandito kami ngayon sa mga nagkalat na benches and tables sa green field ng campus. Nakaupo si Mianca sa tapat ko at kanina pa nag-aayos. Katulad namin, maraming estudyante ang bakante ang oras at dito tumatambay. Bukod kasi sa hindi mainit dahil may bubong naman bawat table, ay presko rin dahil sa mga matataas at makapal na puno.

Magkasama kami ni Mianca ngayon. Nagkataon kasing wala siyang prof at break ko naman sa oras na 'to. Mabuti na lang at nagmessage siya sa gc dahil kung hindi, solo flight na naman ako. Si Kianne kasi may klase pa. Tapos, ang klase ko kina Jom ay mamaya pa.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now