Chapter 25

38 1 7
                                    

Note: Didn't proofread this hngg.

I stared at him for a long time. Hindi makapaniwala sa naririning mula sa kanya. Ano bang gusto niyang mangyari, huh? Nakatitig lang din siya sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. I took a step closer without breaking an eye contact.

"Please leave me alone," I made sure I emphasized those words before walking past behind him. Agad akong dumiretso sa isang sales lady at agad na ipinaayos ang mga napili kong damit. Hindi na ako naglakas-loob na lingunin siya. Bahala siya r'on!

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Napansin 'kong wala na sa boutique ang kapatid niya. Did she left? Without him? Hindi niya ba naalala na naiwan niya rito ang kuya niya?

Habang naghihintay sa mga damit ay napansin ko agad sa gilid ng mga mata ko ang paglapit ni Kaizer. He casually went near me. Masama ang tingin na bumaling ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin, nakataas ang kilay.

"Where is your sister?" I asked, trying to sound irritated.

"She already left." he answered nonchantly.

"Oh bakit hindi ka sumama?" wala na akong pakielam kung mahalata niyang naiinis ako. Bakit ba kasi siya napadpad sa shop na 'to? Ang laki-laki ng mall tapos magkikita kami rito?! Kung alam ko lang na magiging ganito ang kapalaran ko, hindi na sana ako nag-aksaya ng oras sa pamimilit kay Manang kanina.

He playfully smirked, "Tingin mo?'

Bahagya akong natigilan sa naging sagot niya. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan siya dahil bigla akong naubusan ng sasabihin. A memory of him and me, inside a classroom during our college days, suddenly filled my mind. Napansin ko ang lalong paglawak ng ngisi niya nang mapansin ang reaksyon ko, like he already expected it. Nakapakurap-kurap ako nang mapagtanong sinasadya niya 'yon.

"Nagtatanong ako nang maayos." I fired back.

He arched a brow again, he's obviously enjoying this, "What's with the attitude?"

I sighed in annoyance, "Alam mo, kung ayaw mong sagutin, then don't." tinalikuran ko siya at sakto naman na kaharap ko ay tapos ng ilagay sa loob ng paper bag ang mga pinamili ko.

"Isn't it obvious? Sasamahan nga kita." he's beside me now.

Hindi ko siya pinansin. Inabot ko ang card ko sa babaeng nasa counter para bayaran ang mga damit ko. After receiving my card, akmang kukunin ko na ang mga paper bag pero inunahan ako ni Kaizer. Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Anong ginagawa mo? Akin na 'yan." sinubukan kong kunin ang tatlong paper bag na hawak niya pero inilayo niya 'yon sa akin. Malapit na talagang maubos ang pasensya ko.

"Ako na."

"No. Ako na. Akin ang mga 'yan kaya ako ang magdadala." giit ko.

Pero hindi niya ako pinansin! Instead, he turned his back at nauna pang lumabas sa boutique. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. That's when I realized na may iilang customers na pala ang nakatingin sa gawi namin. Bigla akong nahiya. I immediately carried myself out there. Hinanap agad ng mata ko si Kaizer and I almost scoffed when I saw him talking to a woman with a short hair. I saw how Kaizer smiled to the lady. Hindi ako makapaniwala. Ilang segundo lang noong lumabas siya tapos ngayon may kausap na nga?

Sa halip na lumapit ay nanatili akong nakatayo r'on, waiting for them to finish. Pupwede naman akong basta lumapit at kunin ang mga paper bag ko pero kung gagawin ko 'yon, I'll create a scene.

Nakatingin pa rin ako sa gawi nila nang biglang bumaling sa akin si Kaizer. He saw me raised my brow bago ibinalik ang tingin sa kausap. Ilang segundo lang ay ngumiti ang babaeng kausap niya bago ito naglakad palayo. Kumunot ang noo ko. They're done? Sinundan ko ng tingin ang babaeng umalis. Bakit hindi na lang siya sumama roon? He seems to enjoy her company.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now