Chapter 19:BurnFlame

1.2K 32 6
                                    

Flame's PoV

"Ilagay mo lahat ng nakikita mong chocolate dito"saad ko at tinuro ang mga nakahilerang chocolates.

Agad namang sumunod si Tustadong Kumag,nilagay lahat ng chocolate.As in lahat,walang tinira.

Naka limang cart kami dahil sa dami ng mga tsokolate.Pumunta kami sa counter.

"L-Lahat po yan?"nakangangang saad nung cashier.Namula pa ito nung gumawi ang tingin nya sa kasama ko.

-__-

"Malamang lahat yan,ilalagay ba namin yan sa cart kung hindi lahat.Nasaan utak natin teh?Bobo mo naman"Alam kong harsh yung sinabi ko pero anong magagawa ko?Bibig ko yung nagsabi hindi ako.

(._.)7

Mukha namang syang na offend sa sinabi ko pero hindi na sya sumagot at inumpisahan ng trabaho nya.

"Sa box nyo ilagay"masungit kong saad.

"Napaka demanding nyo naman"saad nung mataray na cashier sa kabilang counter.

"Hoy,wag mong sabihan ng ganyan ang customer"saway nung cashier na na offend ko kanina.Nagsisi tuloy ako na sya ang na offend ko at hindi ang babaeng mukhang tuko sa kalapit na counter.

"Problema mo?Gusto mong ipatawag ko pa ang manager nyo?"kinalabit pa ako ni Tustadong Kumag pero hindi ako nagpatinag.

"Ipatawag mo"nakangisi nyang saad.

"Naku ma'am,pasensya na po.Malakas po kasi ang loob nyan dahil karelasyon sya nung manager"sambit nung nagbabalot ng mga binili namin.

"Pakitawag ang manager"I smirk.Karelasyon pala ah,tignan natin.

"Yabang mo ah,hoy customer ka lang dito"singhal ng mukhang tuko na ito.Naka ani tuloy kami ng mga audience.

"Grabe naman,ganyan ba ang empleyadong tinatanggap dito?"

"Naku eh karelasyon nga daw nung manager"

"Dapat hindi sya dito nagtrabaho kung ganyang ang ugali nya"

Bulungan sa tabi tabi.Nang dumating ang manager ay nagsumbong agad ang tuko.

"Sir,yan pong customer na yan ang demanding"inis na bumaling sakin ang manager pero nung mamukhaan nya ako ay bigla syang namutla.

"M-Ma'am,pagpasensyahan nyo na po ang inakto ng empleyadong ito"magalang nyang saad.Napangisi ako.

"WHAT?!BAKIT KA NAGSOSORRY SA BABAENG YAN?"galit na sigaw nung babaeng tuko.

"Okay lang yon"kita ko ang pagbalik ng dati nyang kulay."Sisante na kayo pareho"napatulala ang manager sa sinabi ko pati yung tuko ay napanganga.

"By the way,I'm Flame Dragneel.The one of the owner of this mall"nakipag kamay pa ako sa nakangangang tuko matapos nun ay kinuha ko ang alcohol na nakalagay sa counter at nilagyan ang kamay ko.

"Come on"nginitian ko ang na offend ko kanina at yung nagbalot ng mga pinamili namin na kapwa nakanganga din.

Limang lalaki ang sumama samin para itulak ang limang cart kung saan nakalagay ang mga box na tsokolate.Dumeretso kami sa kotse ni Tustadong Kumag at bunuksan ang trunk nito,nung hindi na magkasya ay inilagay nalang ang iba sa upuan sa likod.

Childish Empress Where stories live. Discover now