Chapter 27:Upcoming Sports Fest

835 30 2
                                    


Feir on the multimedia.

--

Allysha's PoV

"Sid! Focus!" Napabalik ako sa ulirat nung sumigaw si Red, sya ang captain namin remember? Kung hindi nyo maalala, mag backread kayo hmp!

Nang mai-release ko ang arrow ay tumama ito sa gitna. "Bullseye!" Tuwang tuwang sigaw ni Yna.

"Mukhang ikaw na nga ang magpapanalo sa atin! Well, wala pa namang talo ang school natin pag dating sa archery pero ngayon balita ko may magaling na salta sa Deltram Academy. Kaya siguradong tatagilid ang laban kapag hindi ka sumali!" Saad ni Liza.

"Ah, si Mark Blise yun. Anak ng isang abogado at magaling sya sa lahat ng sports pero ang specialty nya ay archery." Sambit naman ni Hale.

Magaling sa lahat ng sports? Hmm, mukhang machachalenge ako dito.

Exciting!

"Hindi pa ba matatapos practice natin? Nagugutom na ako." Ngumuso ako.

"Gutom ka na naman!" Hinatak ni Red ang nguso ko.

"Ouch!" Tinanggal ko ang kamay nya at naiiyak syang tinignan.

"A-Ang sama mo talaga Red!" Iyak ko. Huhuhu humaba na yung nguso ko waaah! Hindi na ako cute.

T^T

"Hahaha ang cute mo talaga." Kinurot pa ni Yna ang pisngi ko.

"Aray huhuhu, ayoko na sa inyo!" Tumakbo ako palabas. Pakiramdam ko gusto nilang mamaga ang buong mukha ko huhu.

Napaupo ako nung bigla akong tumama sa isang matigas na bagay. "Uwaaah! Ang sakit!" Iyak ko habang hinihimas ang pwetan ko.

Ano bang kasalanan ko sa mundo? Gusto ko lang namang kumain, bakit nasasaktan ako ng ganito?! Bakit?!!!

"Allysha..." Napatingala ako.

"Eh? Kaoru, ikaw pala yan hehe." Inabot nya ang kamay nya at tinulungan akong tumayo.

"Are you alright?" Unti unting humaba ang nguso ko.

"Hindi," teary eyed ko syang tinignan.

"May masakit ba? I'm sorry," taranta nyang sambit.

Bakit parang kinikilig ako na natataranta sya?

"W-Wala, nagugutom na kase ako." Nakahinga naman sya ng maluwag.

"Tara, sa cafeteria din ang punta ko." Aya nya at hinila ako papuntang cafeteria.

Waaah hulog ka talaga ng langit Kaoru!

TT^TT

Nang makarating kami ay nakita namin sila Kai. "Boss! Sid!" Sigaw ni Black at kumaway kaway.

"Siraulo," pokerface na sambit ni Kaoru.

Hehe siraulo daw si Black? Pati kaya sila Burn at Mint hehe.

Joke lang! Hoy, huwag nyo akong isusumbong huhu.

Pumunta kami sa kanila. "Ano yan? Hawak kamay oh hahahaha." Puna ni Burn sa kamay namin.

Childish Empress Where stories live. Discover now