Chapter 30: Sports Fest (Day 1)

706 31 2
                                    


Allysha's PoV

Pagtapak na pagtapak namin sa entrance ng school ay bumulaga sa amin ang maraming food stall. Kyaaaah! Pagkain!

*0*

Wala pang outsiders na pinapapasok dahil 9 a.m pa magbubukas ang school for them.

Pinigilan ko ang sarili na tumakbo papunta sa stalls at bumili dahil pinagmamadali ako ni Red para sa opening na gagawin namin. It's almost 8:30 in the morning, 30 minutes before the opening.

Wala akong nagawa kundi ang pahabain nalang ang nguso. Hmp! Mamaya, lilibutin ko lahat ng stall!

"Stop pouting, you look like a duck." Sita sa akin ni Kaoru.

"Eh? duck?! kailan pa? tao ako, huhuhu." Sambit ko. Malamig lang itong tumitig sa akin nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Ay pogi!" Saad ko dahil sa gulat. Napangiti sya sa sinabi ko dahilan para kumabog na naman ng malakas ang puso ko. Waah! Hindi na normal ito, abnormal na ata ang puso ko.

T^T

["Hoy, Allysha Sid Fudjioka. Pag nakabilang ako ng sampu at wala ka pa dito, titirisin talaga kitang bata ka!!"] Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko sa lakas ng sigaw ni Red.

"Captain naman, buong pangalan talaga? Gusto mo ba palit nalang tayo ng name? Mukhang gusto mo name ko hehe," unti unting humaba ang nguso ko nung marinig na bumilang na sya sa kabilang linya.

Binalingan ko si Kaoru, "Waaaah! Kaoru, kailangan ko ng umali---" napatulala ako nung halikan nya ako ng mabilis.

"Go," tumalikod na agad ako at tumakbo ng mabilis, as in yung sobrang bilis. Yari ako kay Red!

T__T

Isang malakas na batok ang sumalubong sa akin nung makapasok ako sa clubroom.

"Waaaah! Masakit huhuhu!" Iyak ko habang hawak ang ulo.

"Ang cute mo talaga, Sid." Puna sa akin ni Hale.

"You're late!!" Halos lumabas lahat ng ugat ni Red sa leeg dahil sa lakas ng sigaw nya, naipikit ko ang aking mata at tinakpan ang aking tenga.

"Hehe peace, Captain. Si Flame kase nakipag kulitan pa kay Burn, si Leina naman ang bagal mag make up, si Claire naman ang tagaaaal tagal kumain, si Winter naman at si Kai ay nag shopping muna tapo---" napatigil ako nung itaas ni Red ang isa nyang kamay.

"Okay, I get it. Bago pa ako makapatay ngayon pumunta na tayo sa rooftop dahil 15 minutes nalang ay mag bubukas na ang school for outsiders." Hinatak nila ako papuntang rooftop at binigyan ng pwesto.

"Teka, Captain. Nasaan na si Yna? Bakit wala sya?" Bigla kong tanong at luminga linga.

"Lumipat na sya ng school, kaya nga kinuha ka namin hindi ba?" Sagot nya at ipinaliwanag din sa akin kung ano ang gagawin. May mga nakasabit na apat na lobong malalaki sa gate at yun daw ang kailangan naming asintahin para lumabas ang confetti.

Oh diba, kabog? Dineeg pa grand entrance. Ihh! Kinikilig ako hihihi.

Kumuha ako ng arrow at iniayos ito sa bow. Hinanda ko ang sarili bago nilingon si Red.

"Ready guys in 3... 2... 1!" I released my arrow.

Bullseye!

Saktong pagpasok ng mga outsider ay nagsibagsakan ng mabagal ang confetti. Namangha ako dahil para itong snow dahil lahat ng confetti ay puti.

Childish Empress Where stories live. Discover now