Allysha's PoV
"Allysha! May sundo ka!" Silip ni Kai sa kwarto ko at pinanlalakihan pa ako ng mata.
"Sino? Hala! Baka kidnapper yan tapos kikidnapin ako pero maiisip nya hindi ako bata kaya papatayin nya nalang ako tapos itatapon sa ilog tapos magpapalutang lutang ako dun hanggang sa may makakita sa aking tao tapos akala nila isa akong sirena na may paa tapos kakainin nila ako?!!!!" Napahawak ako sa aking bibig sa naisip.
Omg! Ayokong maging pagkain!
"Lysha, si kuya yung sundo mo." Tinignan ko si Kai na naka pokerface habang pinoproseso sa aking utak kung ano ang sinabi nya.
Nanlaki ang mata ko, "Hep! Huwag mo ng ituloy ang walang kwenta mong sasabihin Emp, dalian mong mag ayos at nandoon na si kuya sa baba. Yieee!" Iniwan ako ni Kai ng nakanganga. Kinikilig ba sya? Hindi kaya nakita nya na yung tweet ko?
Kinilig ako nung maalalang ni-retweet ni Stephen yon. Yieee, napaka cute ko talaga.
Nagmadali akong mag ayos at lulukso luksong bumaba sa sala. "Good morning!" Masaya kong bati sa kanila.
Napahinto ako nung makita kung ano ang pwesto nila.
Si Kaoru ay nasa isang single sofa habang si Kai ay nakapamewang sa gilid nya, sila Leina, Flame at Winter naman ay nakaupo sa katapat na sofa ng inuupuan ni Kaoru, si Stephen naman ay nakasandal sa pinto habang ang dalawang kamay ay naka fold sa dibdib nya at si Claire naman ay nasa lapag habang kumakain ang maraming chips.
"Wow, penge." Napunta sa akin ang atensyon nila. "What happened? Parang ang seseryoso nyo hehe, ang pangit nyo tuloy." Kumuha ako ng maraming chips at nilagay sa plastik. Baon na din hihi.
"Nothing," malamig na sagot ni Kaoru. Tumayo sya at hinila ako palabas ng bahay.
"H-Hoy, saan tayo pupunta?" Gulat kong tanong.
"School," tipid nyang sagot.
"Pero hindi pa ako kumakain," on cue ay biglang tumunog ang tiyan ko kaya napanguso ako.
Gutom na ako, huhuhu.
"Let's eat in our restaurant." Inilingan ko sya. Ayoko sa restaurant eh, last time na pumunta ako dun may nakita akong mga hilaw na gulay like ew. Ano kami? Kambing? Baka? Kalabaw?
Tapos yung mga karne naman hindi masyadong luto. Kulang yata sila sa gasul, eh kung bigyan ko kaya sila ng madami nun?
Tama, tama. Yan ang uunahin ko mamaya hehe.
"Saan mo gusto?" Tanong nya.
"Sa puso mo, yieee." Tinusok ko pa ang tagiliran nya pero ni wala syang reaksyon maliban nalang sa namumula nyang tenga.
"Joke lang," bawi ko nung samaan nya ako ng tingin. "Doon tayo kay ateng seksi," ako naman ang humatak sa kanya papunta sa kanto ng village namin.
"Oh hija, ang aga aga para sa fishball ah?" Ito naman si ate oh, hindi mo alam kung gustong mabenta yung paninda nya oh hindi eh.
"Syempre ateng seksi, ito kasing kasama ko hinila agad ako palabas eh." Reklamo ko.
"Boyfriend mo?" Medyo kinilig pa sya nung itanong iyon.
YOU ARE READING
Childish Empress
Fiksi Remaja"Wahhhhhhhhhhhhhhhhh I WANT ICE CREAMMMMMMMMM!" Meet Allysha Sid Fudjioka. A childish but the dangerious Mafia Empress. In the Family, friends and in school, she's stubborn, stupid and annoying childish brat BUT when it comes in Mafia, she's mercile...