000

382 60 76
                                    

"Hubad!" sigaw ng isang babaeng puno ng kolorete sa mukha, kulot ang kaniyang buhok, may suot siyang makintab na bestida na umaabot hanggang sa kalahati ng kanyang hita.

Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga bagong dating na mga dalaga. Balot na balot ang mga ito at may mga dalang mga bag na may mga damit na halos sumilip na papalabas sa bag. Pinasadahan niya ang mga ito mula sa mga suot na bakya, mga lumang kasuotan hanggang sa mga mukha nitong walang bahid na kahit anong make up senyales na galing ang mga ito sa probinsya.

Nanginginig ang mga itong tinignan siya at tila ba napako sa kanilang kinatatayuan.

Walang ka-muwang muwang na ang trabahong ipinangako sa kanila sa Maynila ay hindi pagiging kasambahay o trabaho sa factory kundi ang isa sa pinakamaruming trabaho.

Nauubos na ang pasensya ng babae kaya sinenyasan niya ang mga lalaki na nakapaligid sa kanila.

Kanya-kanya naman itong tutok ng iba't ibang klase ng baril sa kanila.

"Huwag niyo 'ko paulitin ng tatlong beses kung hindi ako mismo pupunit ng mga damit niyo sa harapan ng lahat." mataray at pirming babala ng babae na si Mercedes.

Nais niyang suriin ang mga katawan nila kung papasa ba sa trabaho na ito. Kailangan ay kung maaari ay walang peklat at maganda ang katawan.

Iniingatan naman madalas ang mga dalaga sa probinsya kaya mukhang lahat naman sila ay pasado.

Nang dahil sa takot ay dali-dali namang hinawakan ng mga dalagita ang kanilang mga damit at akmang huhubarin na ito.

Inilibot niya ang paningin sa kanila, may ilang bakas na bakas ang takot sa mukha, may mga humahagulgol, may mga babaeng tahimik na pumapatak ang luha mula sa mata, may mga nagpipigil ng hikbi.

Ngunit natigil ang kanyang tingin sa babaeng may pinaka maamo ang mukha sa kanila, tila blanko ang mukha nito at hindi mo makikitaan ng kahit anong emosyon. Bakas sa mata niya na kakagaling lang nito sa matinding pag iyak.

Maaaring nalaman na nito sa daan ang kahihinatnan niya kaya hindi ito nagulat.

Nagtangis ang panga ng babae nang hindi ito gumalaw upang tanggalin ang damit nito, nakatitig lang ito sa kawalan at parang walang bahid ng pagsuko.

Ngayon lang siya nakasalubong ng ganito katigas na babae sa tagal ng trabaho niya bilang bugaw na nagsasanay sa mga babae kung paano magbigay aliw sa pamamagitan ng pagsayaw sa bakal na poste at pagbenta ng katawan sa kama.

Iligal ito ngunit malalaking tao ang nasa likod ng negosyong ito kaya walang nagtatangkang humuli sa kanila.

Dahan-dahan niya itong nilapitan, hinawakan niya ito sa pisngi at sapilitang isinalubong ang mata sa kanya.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig na ayaw kong inuulit ang utos ko?"

Lalong nag-init ang ulo niya nang hindi pa rin ito kumibo.

Binitawan niya ito at sinenyasan ang ilan sa mga lalaki.

Dali-dali nilang hinawakan sa braso ang babae at ang iba ay sapilitan na pinupunit ang kanyang saplot.

Nagsimula nang maging interesado ang babae nang makitaan niya ito ng takot kasabay ang mga luhang mabilis na nagbagsakan sa pisngi niya ngunit kasama noon ay ang matalim na tingin nito sa kanya.

Buong lakas na pumiglas ang babae sa hawak ng mga lalaki, na dahilan upang bigyan ito ng isang suntok sa sikmura na nagpahina rito.

"Huwag!" buong lakas na pagmamakaawa nito paulit-ulit ngunit tila ba sinarado ng langit ang pinto nito upang pakinggan ang sigaw ng puso niyang nagdadalamhati at naghihinagpis.

                                                                               🍷🍷🍷

This book is work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reseved.

Author's note: I personally don't curse. Pero for the sake of the story may ilang mga bad words na magagamit. Thank you 🖤

Credits to: and sa lahat ng iba pang gumawa ng mga former book cover for this. Thank you so much.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon