018

36 10 9
                                    

"Tristan! Humanda ka talaga sa'kin 'pag naabutan kita!" Patakbong hinabol ni Aicah si Tristan.

Nagmamadali naman itong makapasok sa loob ng klase niya. Napahinga siya ng malalim dahil sa ginhawa.

Naroon na ang guro nila kaya naiwan si Aicah sa labas ng klase nila na magkasalubong ang kilay at handang sakalin si Tristan anumang oras.

Hindi na sila magkaklase nang mag highschool sila. Nasa section three si Tristan at nasa section one naman si Aicah.

Kanina niya pa inaabangan sa flag ceremony si Tristan ngunit sinadya ata nitong magpa-late upang mauna na pumasok sa klase si Aicah. Hindi rin sila sabay pumasok.

Parang sasabog na sa galit si Aicah sapagkat hindi pumunta si Tristan sa date nila ni Rachelle.

Pinakiusapan pa naman ni Rachelle si Aicah at pinangakuan na papahiramin siya nito ng College Entrance Exams Reviewer na mula sa ate nitong nag-aaral sa UP Los Baños kung matutuloy ang date nila ni Tristan.

Aabangan pa sana niya si Tristan ngunit nakita niya na ang kaklase niyang nagmamadaling pumunta sa klasrum hudyat na magsisimula na rin ang klase nila.

Hindi makapokus sa klase si Aicah na kating kati na lumabas ng pinto. Titig na titig siya sa bintana habang nagsisimula nang maglabasan ang mga estudyante mula sa seksiyon 3.

Nauuna ng labinglima hanggang trenta minutos mag-dismiss ang huling guro sa seksiyon 3 sapagkat palagi rin naman na abala ang guro nila sa sanggol na anak nito kaya lagi nagmamadali umuwi na ikinatutuwa ng mga taga-seksiyon 3.

Samantalang inip na inip na si Aicah sa klase na minsan lang mangyari sapagkat desidido talaga siya madalas makinig sa klase.

Araw-araw ay hinihintay ni Tristan si Aicah sa klase upang sabay sila maglakad pauwi habang pinapapak ang mga nata de coco sa tindahan ni Aling Bereng sa tabi ng eskwelahan nila.

Ngunit iba ang araw na ito sapagkat malaki ang ngisi na nasa mukha ni Tristan habang dahan-dahang naglalakad sa tapat ng klasrum nila habang hawak-hawak ang strap ng backpack niya na nakasabit sa kanang balikat at mapang-asar niyang inilabas ang dila at bumelat nang magkatitigan sila ni Aicah bago tuluyang umuwi.

Di naman maipinta ang mukha ni Aicah. Sinisimulan niya na bumuo ng plano kung paano mapapapayag si Tristan na mag-sorry at bumawi kay Rachelle upang baka sakali ay pagbigyan pa siya nito na maipahiram ang reviewer.

                           🍷🍷🍷

Impit na tili ang pinagsaluhan ni namin ni Amanda nang mag-gabi na at ibalita niya na nasa club na si Xander at hinihintay ako.

Ikwinento ko naman kay Amanda at ipinakita ang walkman cassette media player na ibinigay ni Xander kaya naman halos di na rin mapigil ni Amanda ang kiligin para sa akin.

Ikwinento ko rin ito kay Rianne kagabi ngunit mukhang hindi siya natuwa sa ideya sa halip ay bumulong lamang na hindi ko masyado narinig.

"Paano na si Tristan?"

Tinanong ko siya sa sinabi niya ngunit umiling lamang siya at tumalikod para matulog.

Bitbit-bitbit ang walkman ay naglakad ako papunta sa direksiyon niya. Nakasuot siya ngayon ng kulay asul na polo blouse at naka-kulay itim na twill shorts.

Prente siyang nakaupo at nanonood sa mga nagsasayaw sa entablado kaya hindi niya siguro napansin na paparating na ako.

"Enjoying the view?" pabiro kong tanong sa kanya.

Sa madalas naming pag-uusap ay nasasanay na rin ako mag-ingles lalo na't isang araw ay naglaro kami noon na bawal magsalita ng tagalog hanggang makauwi siya.

Nung una ay hindi ako sanay at naiilang ngunit nang magtagal ay halos di ko na mapigilan na ma-enjoy ang lengguwaheng ito.

"Not what you are thinking." sagot niya.

Kung ako ay halata pa ang tigas at diin sa pagsasalita, siya ay sanay na sanay na sapagkat tuwing may business party daw ang mga magulang niya, sinasama nila siya simula bata pa siya at kalahati ng mga taong mayayaman ay mga nag-iingles.

"Weh," pabiro kong banat, ngunit umaasa ako na sana ay hindi siya tulad ng ibang mga lalaki na pinagnanasahan ang mga babae basta nakasuot ng maikling kadamitan.

"Seryoso, I'm just admiring their dance because pole dancing generally dance is a performing art form consisting of purposefully selected sequences of human movement. This movement has aesthetic and symbolic value, and is acknowledged as dance by performers and observers within a particular culture. Again, just an admiration and appreciation. So, wag ka na magselos." Mahabang paliwanag niya kasabay ng paglingon sa'kin. Sinamahan niya rin ng mapaglarong ngiti sa labi ang huli niyang sinabi bago ako kinindatan.

Agad ako napatakip ng mukha sandali, sapagkat hindi naman siya ganyan ka- ka-- teka ano sasabihin ko, ano bang iniisip ko.

'Di ko mapigilan kiligin kung bakit niya sinabi 'yung 'wag na ako magselos.

Pilit kong tinago ang pamumula, bago umubo ng dalawang beses at hinarap siya.

"Selos-selos ka dyan, dami mong sinabi tinanong lang kita, okay din pala kahit 'di ka nakapag-fine arts madaldal ka rin parang binentahan moko at inengganyo magsayaw." Tumawa rin ako, tagumpay ko namang napagaan ang usapan.

Bumalik na rin siya sa rati at 'di na inulit ang salitang selos-selos, ngunit 'di pa rin maawat ang minu-minuto niyang pagsulya-sulyap sa akin.

"Napakinggan ko 'yung kanta mo---"

"Sa linggo," mabilis niyang sambit bago ko matapos ang sasabihin ko sana. Hindi niya ako hinayaang patapusin marahil ay nahihiya siya sa paksa na gumawa siya ng kanta.

Hinayaan ko na lang at hindi na binanggit pa ang tungkol sa kanta niya.

"Sa linggo, puwede ka ba sa linggo?" ulit na tanong pa niya.

Sinupil ko ang muntik nang lumabas na malawak na ngiti sa labi ko.

"Oo, nagsisimba ako tuwing linggo ng umaga, gusto mo sumama?" magiliw na tugon ko.

Miss na miss ko na rin ang pakiramdam na may kasama mag simba.

"Ah-- hindi ako puwede ng umaga, hapon na lang tayo magkita. Mag pipinta kasi ako sa unibersidad namin, diba sabi mo rati gusto mo makarating sa unibersidad sa Maynila? Hindi nga lang sa UP but University of Sto. Tomas is also good." alanganin niyang tanong sakin habang hinihintay ang sagot ko. Tingin niya ata ay hindi ako papayag sapagkat puno ng pag-asa ang mata niya.

Nagbibiro ba siya! Siyempre ay sasama ako!

"Payag ako!" Hinayaan ko na lang ang sobra kong sayang emosyon na lumabas sapagkat hindi ko na mapigilan.

Iniisip ko palang na makakapunta ako kung saan siya nagkokolehiyo, kung san mismo ko ring pinangarap pumasok. Sa isa unibersidad sa Maynila.

Hindi ko rin mapigilan na umasang isa itong date, ang una naming date!

Sa kaloob-looban ko ay nagwawala na ang mga paru-paro sa sikmura ko dahil sa ideyang iyon, at para bang nagkabalik-baliktad na ang mga parte ng katawan ko sa sobrang lakas ng talbog ng puso ko na dumadagundong sa buong sistema ko.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon