025

8 0 0
                                    

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito." Ngumisi pa siya sa akin na hindi ko nagustuhan ang ibig sabihin.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa'kin habang humahakbang din ako palayo sa kanya. Sinubukan ko naman siyang kausapin sapagkat hindi pa naman siya mukhang lasing.

Nginitian ko siya ng hilaw bago hinawakan ang dalawa kong braso na parang niyayakap ang aking sarili.

"P-pasensya na po kayo sir ngunit maling kuwarto po ata ang napasukan ko," Gumilid ako ng daan upang lumabas ng kuwarto ngunit humarang lamang siya sa daan ko.

"Tamang tama lang ang kuwarto na napasukan mo at ilang linggo na rin kinakanta kay Madam Mercedes ngunit ayaw niya laging pumayag, buti na lang..." Hindi na niya sinunod ang katuloy ngunit may ideya na ako sa nangyari.

Inalala ko ang mga nangyari kung paano ako nakapunta rito.

Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, bakit lagi nila akong ginaganito?

"Sorry po talaga sir, kailangan ko na po kasing umalis." mabilis na sabi ko bago ako tumakbo at nilihisan ang direksyon niya saka mabilis na pinihit ang seradura ng pinto.

Naka-lock ito kaya agad kong sinubukan na abutin ang pangalawang kandado ng pinto.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang malakas na halakhak lang ang narinig ko sa likuran ko at hindi ako agad hinabol ng kasama ko.

Pinagmasdan ko pa ang pinto at may tatlo pang bukod na kandado sa taas at sa baba maliban sa seradura ng pinto. Tila ba ipinasadya ang mga ito.

Nagmamadali ko pa ring sinubukan buksan ang mga ito ngunit nasa pang-huling lock na ako ay naramdaman ko ang pag-init ng anit ko.

Nakaramdam ako ng matinding sakit dulot nang pagsabunot sa akin ng mamang pulis na kasama ko. Inihagis niya pa ako sa kama matapos iyon.

Napahawak braso ko nang tumama ito sa matulis na gilid sa dulo ng maliit na lamesa.

Nagulat ako ng tumambad sa akin ang hubad niyang katawan, tanging pantalon na lamang na wala na ring sinturon.

Pagtatanggal ata ng damit ang pinagkaabalahan niya habang nagkukumahog akong makalabas dito at maligtas ang buhay ko.

Katamtaman lang ang taba niya at matangkad siyang tao, dahilan upang mabilis siya kumilos at mas mabigat din ang kamay niya makapanakit.

Hindi pa ako nakakaakto makatayo ay nasa harap ko na siya at handa ng tumalon sa kama.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang matinding pagnanasa.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari ngunit imbis na awa ang maramdaman ko ay galit para sa aking sarili.

Wala akong magawa, hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko.

Nangingilid na ang luha ko at ang tanging nagawa ko lamang ay umurong paatras.

Naalala ko na ganitong ganito rin noon nung nasa kamay ako nung hepe.

Hanggang kailan magiging ganito ang kapalaran ko?

Kapalaran na pilit kong hinahanapan ng positibong epekto kahit na ginagago na ako ng mundo.

O Diyos ko, nariyan ka pa po ba?

Mariin na lang akong napapikit ng maramdaman ko sa likod ko ang malamig na pader.

Kasabay ng pagmulat ng mga mata ko ay laking pasasalamat ko na sa muling pagkakataon ay mukhang maliligtas ako nang may kumatok sa pinto.

Salamat Panginoon. Hindi mo pa rin ako pinapabayaan.

Hanggang kailan? Nawa'y hindi dumating ang panahon na mapupuno na ako ng poot at paghihinganti sa puso ko.

Kasabay ng pag-usal ko ng maliit na dasal ay ang pagpunas ko sa isang patak ng luha kong tumakas mula sa mga mata ko.

"Sarhento, pasensya na po si Ruby po ito." Napalingon naman ang mamang pulis bago nagsuot ng sando saka binuksan ang pinto.

Para akong natanggalan ng mabigat na dala-dala nang tuluyan ng bumukas ang pinto.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Xander kasama sina Ruby at mga kaibigan na ito.

Nagkatinginan kami ni Xander at hindi ko maiwasang makawala lahat ang kanina ko pang pinipigilan na luha.

"Pasensya na po chief, nagkamali lang po ng babaeng ipinasok sa kuwarto niyo," paliwanag ni Xander sa baritonong boses. "Diba Ruby?" patuloy niya pa bago tinignan si Ruby.

Nagulat ako ng obligadong tumungo si Ruby at nanghingi ng tawad sa mamang pulis na tinawag nilang sarhento at chief.

Inalok naman nila ang mamang pulis ng panibagong babae ngunit nawalan na raw ito ng gana at uuwi na.

Mukhang hindi naging maganda ang timpla nito ngunit hindi ko na gustong isipin pa 'yun dahil hanggang ngayon ang isa sa mga tao na kailangang kailangan ng bansa ang siya pang gumagawa ng mga ganitong klaseng bagay.

Hindi na ako nagtitiwala sa mga pulis, hindi na rin ata ako makakaalis dito sapagkat imbis na supilin ng mga pulis ang krimeng ito ay sila pa ang nagtutulak at isa sa mga nakikinabang dito.

Sinundan naman siya nila Ruby, kaya naiwan ako rito na nakaupo habang yakap-yakap ang mga tuhod ko habang pilit na sinusupil ang mga luha ko.

Naiinis ako sa sarili ko na masyado akong nangangarap ng mataas kahit na ito na ang tadhana ko.

Kung tinanggap ko lang sana ang tadhana ko at 'di na nagmatigas ay masasanay na sana ako sa ganung gawain at hindi na masasaktan ng ganito.

Hindi ako nararapat kay Xander, sapagkat marami pang maayos na babae ang para sa kanya at hindi ang isang tulad ko.

Tulad ko na kailangan ng tanggapin ang mapait na tadhana na ibinigay sa akin.

Masyado ko na atang niloloko ang sarili ko upang mag-asam ng isang simple at maayos na buhay.

Nanginginig ako sa takot na hindi ko na namalayan na nandito nasa tabi ko si Xander na naiwan din palang kasama ko.

Sinubukan niyang hawakan ako ngunit pagpikit ko ay naalala ko ang mamang pulis na handa na akong sunggaban ng malisya kanina.

Natabig ko ang kamay niya bago humagulgol ng humagulgol nang hindi ko na mapigilan ilabas ang takot at sakit na naramdaman ko kanina.

Ilang sandali pa naghintay si Xander bago ako marahang niyakap at hinayaang umiyak sa dibdib niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon