011

70 32 18
                                    

Isang buwan na magmula ang insidente, hindi naman naghinala ang matandang pulis at mukhang hindi niya naman ako naaalala.

Nagbalik na ako sa araw-araw kong gawain at ipinagpatuloy ang pagkuha ko ng order, pag-se-se-serve sa pinakamabilis na paraan nang walang pumapansin sa akin.

Binilinan naman ako ni Rianne na mas lalo pang mag-ingat upang hindi na maulit ang pangyayari. Halos maluha-luha naman akong niyakap ni Amanda ilang oras matapos ang insidente at pinayuhan na dapat ang mga galaw ko maski ako ay hindi kapansin-pansin.

Tila otomatiko sa lugar na ito na umaktong parang walang nangyari pagkatapos ng isang eskandalo.

Sapagkat wala ni isa akong narinig na kuwentuhan tungkol sa nangyari, bumabalik pa rin ang matandang Hepe at bukas balikat naman siyang sinasalubong ng mga babae na parang balik sa normal ang lahat.

Sa isang buwan kong pamamalagi rito ay nalaman kong normal na eksena na iyon na nangyayari kung sobrang lasing ang customer o kaya may baguhan na waitress.

Nasanay na ako sa gawain ko dito, ang tanging bagay lang na hindi ako masanay-sanay ay ang simpleng pambabastos ng mga kustomer sa mga waitress.

Alam naman nila na hindi pa kami pwede i-table kaya dinadaan nalang nila sa mga simpleng panghihipo.

Naglalakad ako pabalik sa kusina nang may nahulog na wallet sa harapan ko, yumuko naman ako upang kunin iyon at biglang napapitlag nang may naramdaman akong kamay na humaplos sa hita ko na halos ilang pulgada lamang ang layo sa puwet ko.

Ibinalik ko ang wallet at tinignan ang lalaking mukhang mexicanong  humipo sakin ngunit nag maang-maangan lang ito at tumingin sa ibang direksyon.

Pinipigilan kong 'wag maluha sa mga nangyayaring hindi ako komportable at kahit kailan ay tingin kong hindi ako masasanay.

Iyan ang tingin ng marami na kapag nagtatrabaho ka sa club, may karapatan na silang bastusin ka. Hindi kami pwede mag-reklamo sapagkat iyon ang mismong trabaho namin.

Ang mang-aliw ng mga kalalakihan, ang pawiin ang nararamdaman nilang init ng katawan.

Bukod sa masasamang minsan-minsang insidente ay himalang may nakakapagpalukso naman ng puso ko sa loob ng lugar na ito.

Simula kasi nung mangyari ay madalas ko nang makita rito ang lalaking nagligtas sa akin.

Sa bawat punta ko sa loob ng club 'pag may order ay excited akong masulyapan siya. Kapag tumitingin naman siya sa gawi ko ay iiwas ako ng tingin.

Ayon kay Rianne ay hindi raw nila regular na kustomer ang lalaking iyon, una niya raw itong nakita nung araw ng insidente. Nakita niya pa raw itong pinipilit pumasok ng mga kaibigan nito at sinubukan naman nitong tumakas dahilan kung bakit nagkabanggaan kami.

Kung pinilit lamang siya pumunta rito noon ay siguradong matinong lalaki siya at hindi mahilig manlaro ng babae.

Naramdaman ko namang namula ako sa naisip ko.

Kung pinilit lang siya pumunta noon? Bakit siya pumupunta rito halos gabi gabi nang mag-isa na lamang?

Posible bang dahil sa akin?

Tinapik ko naman ang mukha ko para tumigil sa pangangarap ng gising.

Umupo ako malapit sa kusina habang hinihintay ang sisig na ihahatid ko sa table seven.

                 🍷🍷🍷

"Meisha! Pwede bang humingi ng pabor? Sige na please," Pagkalabit sakin ni Roger, na siyang nakatalaga sa kusina upang magluto ng sisig.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon