020

18 1 0
                                    

"Pasensya ka na, Meisha. Hindi pa kita kayang ilabas dito." Ramdam ko ang lungkot at panghihinayang ni Xander.

Simula nang maging kami ay sinusubukan niya nang gumawa ng paraan upang mailayo ako sa trabahong ito.

Ngunit ayon kay Madam Mercedes ay kailangan ko pang tapusin ang sampung taon kong kontrata.

Hindi ko man matandaan ang nakasulat doon ay nakasisigurado ako na iyon ang pinapirmahan sa akin noon ni Ruby.

May isang paraan pa para mailabas ako rito ngunit kailangan magbayad ng isang milyon.

Mayaman man ang pamilya ni Xander ay ayaw kong abusuhin ito. Hindi biro ang isang milyon at hindi rin naman siya pwede manghingi sa magulang niya.

Nararamdaman ko naman ang kagustuhan ni Xander na tulungan ako kaya nag-iipon siya ngunit hindi pa nga lang sapat.

Hindi ko alam kung pormal na ba na kami ngunit ang sigurado lamang ay nagkakaintindihan na kami sa nararamdaman namin.

Mahal ang ilabas ako rito kaya paulit-ulit siyang humihingi ng tawad kahit na hindi niya naman kasalanan.

"Okay lang, isa pa ayos naman ang kalagayan ko rito sapagkat lagi ka naman nandito," paninigurado ko sa kanya kahit gusto ko na rin umalis sa trabahong ito.

Totoo na walang nangyayaring masama sa akin sa halos isang taon ko na rito sapagkat gabi-gabi siyang narito kaya walang bakanteng oras para roon sa ilan na mga kumakausap kay Madam Mercedes para i-table ako.

Narinig ko lang 'yun sa kwento ni Amanda, kinontrata ata ni Xander si Madam Mercedes at nilinaw na araw-araw siyang pupunta rito at siya na rin ang magbabayad sa mga oras na ibabayad ng ibang lalaki para sa'kin.

Napunta siya rito gabi-gabi ngunit minsan ay hinahayaan ko na lang siya matulog sa tabi ko habang binabasa ko ang mga libro niyang dala upang mag-aral at gumawa ng proyekto.

Ginagawa namin na makapagsama at magawa ang pag-aaral niya sa kabila ng kalagayan ko. Kaya kuntento na rin ako kahit papaano sa mga nangyayari sakin sa kasalukuyan.

"Pero may maganda akong balita, sa thesis namin ay kailangan namin pumunta sa isang probinsya. Aalamin namin kung ano ang magandang itayong negosyo sa lugar na iyon," Eksayted naman na paliwanag niya.

Ngunit ano naman ang maganda roon kung iiwan mo naman ako ng ilang araw?

Hindi ko sinasadyang masabi ang nasa isipan ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Maaari kong i-suggest sa mga ka-grupo ko na sa bayan ng Skellington mag-obserba, baka may gusto kang ipagawa?" masuyong tanong niya.

Napakaswerte ko talaga na nakilala ko si Xander, palagi niyang iniisip kung ano ang makakapagpasaya sakin.

Nahihiya man ngunit ito lamang ang tangi kong pagkakataon para malaman ang kalagayan ni lola.

"M-maaari mo bang tignan ang kalagayan ni lola? Mapapalagay lang ako kung nasa maayos na kalagayan siya." pakiusap ko.

Ang dami kong gusto ipasabi ngunit nagsimula muling bumalik bigla ang memorya ko sa nangyari nung gabing mawala si lolo.

Nanikip ang dibdib ko, at napapikit ako nang tuloy-tuloy bumagsak ang luha sa mga mata ko.

Pag-dilat ko ay wala na ako sa club, madilim ang paligid at halos wala akong maaninag.

Niyakap ko ang aking sarili ng humaplos ang malamig na hangin sa balat ko, itiningala ko ang ulo ngunit wala akong nakita kung hindi blankong itim lang, walang mga buwan at bituin.

Iginala ko ang mata ko sa paligid.

Nag-taasan ang balahibo ko nang mahagip ng mata ko ang ilaw na sumisilip mula sa maliit naming tahanan.

Dali-dali akong tumakbong upang salubungin ng mga yakap ang miss na miss ko ng lola at lolo.

Napahinto ako ng makita ko ang sarili ko, naglakad pa ako upang makalapit.

Kasalukuyang nasa harapan ko ngayon ang aking sarili, si lolo at lola habang tinututukan sila ng baril.

Sinusundan ko ang pangyayari at bumabalik ang kaba nang gabing iyon kahit na hindi nila ako napapansin.

Paatras na umalis ang dating ako, agad akong tumakbo at humarang sa kanya. Pilit ko siyang pinipigilan ngunit hindi niya ako marinig, sa halip ay tumagos lamang siya sa akin.

Narinig ko ang matinis na pagkalansing—bagay na ikinatigil ng paghinga ko.

Huli na ang lahat. Naapakan na ng aking sarili ang gasera na nakapagpapansin sa kanya.

Huwag, hindi, hindi puwede.

Lumingon silang lahat sa sarili ko. Nakita ko na naman ang bakas ng pag-aalala sa mata ng lola at lolo ko.

Pakiusap! Huwag kang tatakbo.

"Apo, iligtas mo ang sarili mo, tumakas ka na..." sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko muli ang pag-aalala sa akin ni lolo. 

Sinubukan kong harangan ang sarili ko upang huwag tumalikod at tumakas.

Huwag...

Napaluhod na lamang ako ng tumagos lang siya muli sa'kin at sa muling pagkakataon ay narinig kong muli ang umaalingawngaw na daing ng lola ko.

Bumagsak sa kanya ang walang buhay na katawan ng lolo ko.

Hindi tulad ng aking sarili na hindi makalapit dahil may humahawak sa braso niya upang pumigil ay malaya ko ngayong nagagapang ang puwesto ng lolo ko.

Paulit-ulit ko silang tinatawag na para bang maririnig nila ako. Parang gusto nang bumigay ng katawan ko nang sa pangalawang pagkakataon ay nasaksihan ko ang pagpanaw ng isa sa pinakamamahal ko.

Abot-abot ko na sila at handa ng yakapin sa muling pagkakataon ang mga taong nagsilbing magulang ko ngunit tila ba unti-unting lumalabo ang paligid kasabay ng mga tinig na tumatawag sa akin mula sa malayo.

"Meisha, Meisha!"

Nilalabanan ko ang puwersang humihila sa akin mula sa lugar na iyon at pilit na pinapahaba ang aking braso upang maabot sila ngunit hindi ko kayang pang-ibabawan ang lakas ng puwersang ito.

"Huwag!" Napadilat ako at suminghap upang mahabol ang hininga ko habang nagtataka kung bakit wala na ako sa loob ng club ni sa probinsya namin.

"Meisha, ayos ka lang ba?" Kitang kita sa mukha ni Rianne ang pag-aalala. Bahagya kong inilibot ang paningin ko at napagtantong nasa kuwarto na pala ako.

"Ayos ka lang ba? Masama ba ang panaginip mo?" nagmamadali at sunod-sunod niyang tanong.

Tama, nananaginip nga lang ako.

Pinunasan ni Rianne ang di ko namalayang luha sa mga mata ko. Nang niyakap niya ako ay parang bomba na sumabog ang nararamdaman ko at inilabas ang lahat ng luha na maaari ko pang mailabas.

Hindi na siya nagtanong mula noon at sa halip ay tinapik na lamang ang likuran ko.

Tinulungan ako ni Rianne na mahiga sa kama ko habang marahan niyang sinubukan ikwento ang nangyari.

Nahimatay pala ako kagabi habang kausap ni Xander, nag-alangan daw umalis si Xander ngunit sinabi ni Rianne na mas mapapalagay ko kung malaman ko kung nasa mabuting kalagayan ba si lola.

Babalik daw siya bukas dito mula sa bayan ng Skellington.

Tinignan ko ang maliit na bintana at napagtantong gabi na ngayon at halos isang buong araw na pala ako natutulog ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako.

Hindi na ako nanlaban nang bumigat na ang talukap ng mata ko at tuluyang mag-padala sa antok.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon