017

40 9 14
                                    

I wasn't suppose to post it now. But dahil masaya ako, nabigla at naging emotional. Here's another chapter for all of you!

HAPPY 1K READS EVERYONE! Nothing will suffice my happiness right now!

                          🍷🍷🍷

Sa kabila ng pagtataka ni Tristan sa haba ng isinulat ni Aicah kahit na simpleng pagtanggi lang naman ang ipinasulat niya ay hindi na niya iyon pinansin.

Kinuha niya na lamang ang bag niya at may dinukot ditong isang tangkay ng pulang rosas.

Tinawag niya si Aicah na abala sa pagsusulat.

Ibinato niya ito sa mukha ni Aicah.
Pagalit na magrereklamo si Aicah sa kanya ngunit agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng makita kung ano ang ibinato sa kanya.

Pulang rosas!

"Wow!" Bakas sa mukha niya ang labis na tuwa at pagka-mangha.

"May nagbigay sakin niyan kanina habang nagbabanyo ka, itatapon ko sana kaya lang naalala kong patay na patay ka pala sa rosas," alanganing tugon ni Tristan bago umiwas ng tingin.

"Salamat talaga Tristan," Halos magtatalon pa siya sa saya.

Napangiti siya ng palihim sa makulit na reaksyon ni Ikang.

Paboritong bulaklak ni Aicah ang rosas ngunit minsan lang siya makakita nito sapagkat masyadong mahal o kaya ay ang hirap hanapin.

"Ngunit mas okay sana kung kulay itim na rosas," hindi niya napigilang bulalas.

"Eto binigyan na nga, naghahanap pa."

"Bakit ba? Sayo ba 'to galing?" palaban niya ring sagot.

"Hindi-- pero--"

"Blah blah blah, edi wag ka na magreklamo, nagustuhan ko naman eh." Sagot niya habang sinaksakan ng mga tsokolate ang bibig ni Tristan.

Saan naman siya maghahanap ng itim na rosas. Iyon ang iniisip ni Tristan na pinigilan niya masabi.

                           🍷🍷🍷

"Meisha, kanina ka pa hinihintay ng prince charming mo." Maski si Amanda ay sanay na sanay na rin sa presensya ni Xander sa club gabi gabi.

Kuntento na ako sa kung anong meron kami ni Xander. Hindi ko man alam kung anong klase nga ba ang meron kami at kung meron nga bang 'kami'.

Aminado naman ako na hindi gawain ng isang kaibigan lang ang araw araw na pumunta rito upang mailayo ako sa mga puwedeng makapahamak sa akin.

Hindi naman gawain ng isang kaibigan lang maglaan ng napakaraming oras para sa isang babae lalo na at alam kong abala rin siya sa pag aaral.

Alam kong dapat hindi ko bigyan ng malisya pero maski si Rianne at Amanda ay nagtatanong kung ano raw ang meron samin.

Pero wala akong masabi dahil wala naman talagang dapat aminin. Minsan ay iniisip ko na baka ganun lang talaga maging kaibigan si Xander.

Nakangiti akong naglakad papunta sa sa karaniwang puwesto namin.

"Kamusta ang araw mo?" tanong niya agad.

Eto na naman siya, araw araw niyang tinatanong ang nangyayari sa buong araw ko kahit alam niya naman siguro na narito lang ako sa club buong araw.

"Kumain ka na ba?" tuloy pa niya habang nilabas na naman ang dala niya.

Hindi ko alam kung alam niya ba o hindi niya talaga sinasadya na paluksuhin ang puso ko.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon