013

56 23 19
                                    

Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi ko na muling nakita ang tagapagligtas ko.

Nakakalungkot na hindi ko man lang alam ang pangalan niya at tanging 'tagapagligtas' lamang ang maaari kong matawag sa kanya.

Naalala ko ang sinabi niya, kung hindi ako nagkakamali ay tungkol kurso sa kolehiyo ang tinutukoy niya.

Siguro hindi siya hinayaan ng magulang niya na piliin ang gusto niyang kurso. Para namang may humaplos sa puso ko sa ideyang iyon.

Alam ko kasi ang pakiramdam na gawin ang hindi mo gusto. Masaklap pa ay magpanggap kang okay ka lang sa ginagawa mo kahit ang totoo ay napipilitan ka lang.

Kung ganoon ay ano ang kurso niya? Nagpasukan na kaya siguradong busy siya kung sakaling pumapasok na nga siya.

Pilit kong pinag-dudugtong dugtong ang mga alam ko sa kanya.

"Tranquilizer injection," Hmm, hindi kaya ay nag aaral siya ng medisina.

Kung tutuusin ay mayayaman lang at may mga alam sa medisina ang mga makakagamit ng Tranquilizer.

Ngunit kung nag-aaral siya ng medisina ay ilan taon na siya? Sapagkat alam kong hindi agad-agad makakapag-aral noon at kailangan pang makatapos ng apat na taon.

Mag-didisi-otso pa lamang ako, pilit kong pinagtutugma at pinagiisipan kung ilang taon na siya. Hindi pa naman siya mukhang matanda kung tutuusin ay halos kasing edad ko lamang siya ka o maaaring mas matanda sa akin.

Napapikit naman ako sa pagkakadismaya habang pinagpapadyak ang aking mga paa.

"Meisha,"

"Meisha,"

"Uy, Meisha,"

"Meisha! Magwawala na naman yung umorder ng beer, ihatid mo na 'to!"

Bumalik ako sa mula malalim na pag-iisip ng marinig ko ang pabulong na sigaw ni Roger at napasigaw sa gulat.

"Ay, medisina!" Tinakpan ko naman ang bibig ko ng tinignan ako na parang baliw ni Roger.

"May sakit ka ba? Kailan mo ba ng gamot?" Hahawakan niya pa sana ako sa noo upang i-check kung mainit ako.

Dali-dali ko namang kinuha ang tray ng beer at nagmamadaling inihatid ito sa lamesang umorder.

"Sa table nine yan!" pahabol ni Roger. Tumango lang ako sa kanya at sumenyas ng okay.

Inilapag ko ang beer sa table nine at saka nagpahayag ng magalang na ekspresyon na kailangan sa lahat ng kustomer.

"Sorry na nangyari nung gabing yun,"

Narinig ko ang pamilyar na boses, na isang linggo ko na pinapaikot-ikot sa utak ko upang hindi ko makalimutan.

Inangat ko ang ulo ko sa pagkakatungo para salubungin ang tingin niya.

Kinuyom ko naman ang palad ko ng dumagundong na naman ang puso ko na parang nais lumabas sa dibdib ko.

Ngumiti ako sa kanya.

"Wala yun."

Para naman akong natunaw sa pwesto ko ng mapangiti siya.

Ahh! Nginitian niya ako!

"Ililibre na lang kita bilang pasasalamat dahil hindi moko iniwan sa daan, kailan ka ba puwede?" Magalang naman na tanong niya na parang nag-iingat na hindi ako ma-offend sa tanong niya.

Siguro kasi rito ako nagtatrabaho.

Teka! Di ako makahinga! Niyayaya niya ba ako ng date?

Halos magsisigaw na at tumambling tumbling na ang mga paru-paro sa tiyan ko ngunit kontrolado ko naman ang seryosong emosyon sa mukha ko.

Kaso hindi ako pwede lumabas, nakakalabas labas lang ako para tumingin sa mga bituin 'pag mga kaibigan ko yung guard at bouncer.

"Hindi ako puwede lumabas eh, sorry." parang wala lang na sagot ko ngunit nagwawala na ako sa loob-loob ko sa katotohanang 'di na ako maaaring gumala sa labas tulad ng mga panahong malaya pa kami na tumambay kung saan-saan ni Tristan.

"Kahit dito na lang tayo?" muli pa niyang tanong.

"Dire-diretso ang trabaho ko at sa umaga pa ako puwede ngunit tulog na ako noon." Sa katunayan ay gusto ko  rin siya mas makilala ngunit kahit ako ay wala ring maisip na paraan.

Inilibot niya ang paningin habang 'di pa rin sumusuko sa alok niya.

"Eh bakit sila?" makulit niyang tanong.

Natawa naman ako ng bahagya. Mukhang seryoso siya ngunit may tinatago rin palang kakulitan.

Napabuntong hininga ako na para bang nakukulitan na sa kanya ngunit ang totoo ay nacu-cute-an ako sa kanya.

"Di pa ako p-puwedeng i-table, mga ilang linggo pa," Nautal ako nang mapagtanto kong malapit na akong pumasok sa panibagong lebel ng pagtatrabaho rito.

Napansin niya siguro iyon ngunit pinili pa ring pagaanin ang usapan.

"Okay lang, hintayin na lang natin pag puwede na kita makausap." sagot niya ng nakangiti na lalong nagpaguwapo sa kanya lalo na nang hinawi niya ang buhok niya.

Alanganin naman akong napatango nang mapansin ko ang mga maiinit na mata sakin ng mga kasamahan kong babae, pati na si Ruby na kaakbay ng Alkalde rito.

Tatalikod na ako ngunit gustong gusto ko na talaga malaman ang pangalan niya.

Nilakasan ko ang loob ko para mabanggit ang mga bagay na nais kong ipahayag at nais ko ring malaman.

"Meisha, ah- kung sakali lang na hindi moko makita, b-baka hanapin moko." banggit ko sa pangalan ko ngunit agad din akong nakaramdam ng hiya.

"Xander,"

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon