001

226 57 131
                                    

Warning: This story may contain sensitive scenes, themes, language that may not be appropriate to teens ages 15 and below. R-16.

Please read at your own risk. Enjoy! Leave your feedbacks if you have some time.

                                                                                  🍷🍷🍷

Hulyo 1988

"Ikang! Boom taya ka na." Turo sa akin ni Tristan sabay takbo habang tumatawa upang hanapin ang iba.

Lumabas na rin ako sa ilalim ng desk ni Ma'am bago pa ako mahuli dahil patapos na siguro ngayon ang meeting ng mga teachers dahilan kaya nagkaron kami ng oras para mag tagu-taguan.

Bumalik na ako sa pwesto ko dahil tiyak pagkatapos mahanap ni Tristan ang lahat ay tapos na rin ang laro namin sapagkat babalik na ang mga teacher namin.

Pinagmasdan ko mula rito sa tabi ng bintana si Tristan habang nahihirapan hanapin ang iba naming mga kaklase.

Iniisip ko kung ano 'yung nagustuhan ng mga kaklase ko sa kanya na hindi ko makita, matagal na kaming magkaibigan ni Tristan, Tristan Buencamino, bestfriend na nga kung tawagin nila. Nakilala ko siya nung grade 3 kami, tatlong taon na ang nakalipas.

Sa likod ng school namin na Skellington Elementary School ako noon tumatambay sa may puno para magpahinga o kaya gumawa ng assignment nang may dumating na malaking aso, hindi ko alam ang gagawin ko noon sapagkat tuwing gagalaw ako para umalis ay lalo itong umaangil at dahan dahang lumalapit na parang kakagatin ako.

Wala akong nagawa kundi pumikit at umiyak lalo na nung patalon na ito sa'kin ngunit pagdilat ko ay hindi ako nakagat sapagkat may batang lalaki na isinangga ang kanyang braso upang siya ang makagat at hindi ako.

Imbis na matuwa ay lalo akong umiyak ng makita kong may dugo na ata sa braso niya.

Hinimas niya ang aso bago tumakbo palayo na tila ba napagtanto nito ang pagkakamali niya o baka natakot.

Di ko mapigilan lakasan ang hiyaw ko lalo na nung tumutulo na yung dugo mula sa kanya.

Mukha siyang nataranta at lumapit sa'kin, sinabi niyang 'wag ako mag-alala dahil kilala niya raw yung aso at kilala rin daw siya nito.

Lalo akong umiyak sapagkat na rabbies na ata siya dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Huwag ka ng umiyak, ako ang bahala sayo, saka eto? 'Wag ka mag-alala magaling ang lola ko manggamot sigurado gagaling na agad ako." pagpapatahan niya sakin pagkatapos ay binigyan ako ng abot-langit na ngiti.

Nawala ako sa pag-alaala nang hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin.

"Boo! Ano na Ikang crush mo na rin ako? Kunwari ka pa eh yieee." Gulat akong napapitlag nang nasa harapan ko na siya habang may pang-asar na ngiti.

Hindi, hindi ko siya magiging crush napakamapangasar niya!

                                                                          🍷🍷🍷

"Bilisan mo Roberto, ma-le-late na ang apo mo sa recognition." natatarantang bulyaw ni lola kay lolo habang tinatanggal ang mga saksak sa bahay at chine-check kung maayos na ang lahat.

Last na recognition ko na ito sa pagiging highschool sapagkat next year ay graduation na.

Nauna na akong lumabas sa bahay namin na kubo lamang pero sapat na para sa aming tatlo, pinagmasdan ko ang medyo malawak na bukirin namin mula sa pamilya ng mga Montecillo. Halos dalawampung taon na kasi nagsisilbi si lolo sa kanila.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon