014

54 22 28
                                    

Isang linggo na lamang at magsisimula na ako sa panibagong yugto ng buhay ko.

Hindi ako makapaniwala na ang dating bata na masaya na kung hindi siya magiging taya sa tagu-taguan at habulan. Masaya na ako noon kapag nakakapagbayad kami ng kuryente upang makapag-aral ako ng maayos sa gabi.

Iba ang saya ko 'pag hindi practical exam ang meron kami sa P.E sapagkat mas kaya kong mag-excel sa test paper kesa sa pisikalan. Hindi lang talaga ako pala-sport na tao.

Ginigugol ko lang ang oras ko sa pagbabasa ng pocket book habang hinihintay si Tristan na matapos sa pagsusulat. Daldal kasi ng daldal habang nagsusulat ako, saka lamang siya magsusulat 'pag tipong tapos na kami lahat sa klase at 'pag hindi pa siya pwedeng lumabas ng klase hangga't 'di pa nakakapagpa-check.

Kapalit ng paghihintay ko sa kanya ay ang panlilibre niya ng limang iba't ibang kulay ng Nata De Coco na nasa pack sa akin.

Sabay namin itong lalantakan sa may burol na nagiging tambayan na namin tuwing uwian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sabay namin itong lalantakan sa may burol na nagiging tambayan na namin tuwing uwian.

Hihiga lang kami roon habang nangangarap ng mga gusto naming marating sa buhay.

Gusto ko lang noon ang makapag-aral sa magagandang unibersidad sa Maynila, makatapos ng pag aaral na may mataas na karangalan, upang gaya ng mga nababasa ko sa pocket book ay pag-aagawan din ako ng iba't ibang kumpanya.

Nang sa gayon ay mapaayos ko ang bahay namin, upang maging komportable na si lolo at lola.

Isa pa ay iniisip ko ring posibleng sa opisina ko na rin makilala ang sarili kong  leading man sa mga nababasa kong libro.

Inaasar pa nga ako ni Tristan kapag sasabihin ko sa kanyang magpapakasal ako sa may-ari ng kumpanyang pagtatrabahuhan ko.

Tulad ng karakter sa libro ay umaasa ako na bata, guwapo, matalino at higit sa lahat mayaman ang may-ari ng kumpanya na magkakagusto sa akin at aayain ako magpakasal.

Hindi ko maintindihan si Tristan kinokontra niya ang lahat ng mga pangangarap kong ikasal sa may-ari ng kumpanya pati na rin kung sakaling matanda ito ay ang anak na lang nito.

Kabaliktaran niya ay todo suporta naman ako sa mapapangasawa niya pagdating ng panahon, gusto ko lamang ay 'yung hindi kami hahayaan na tumambay gaya ng nakasanayan namin.

Ibinibida naman palagi ni Tristan na kasing lawak ng pinagsamang hacienda Abernathy at Montecillo ang magiging kabuuan ng lupa niya pagkatapos niyang magtagumpay sa kanyang future winery.

Malawak daw na ubasan kung saan maraming nagtatrabaho upang marami siyang matulungang pamilya.

Maliban sa pangangarap ng gising, tinuturuan ko naman siya minsan sa bahay namin o sa bahay nila sa aming asignatura sa Araling Panlipunan at Siyensiya.

Tuturuan niya naman akong maglaro ng basktetball, sepak takraw, sipa at soccer pabalik.

Hindi ako makapaniwala na ang dating payak at masaya kong pamumuhay sa probinsiya ay ibang iba na sa kalagayan ko ngayon...

                         🍷🍷🍷

"Ayusin mo naman!" pasigaw na buwelta sa akin ni Ruby.

Hapon na at narito kami ngayon sa isang kuwarto na walang kama kung hindi lamesa, upuan at videoke ang nakalagay. Ito ang espesyal na kuwarto para sa mga nais mag salu-salo o magkasiyahan na hindi nakikihalubilo sa masa.

Mayayaman at mga pulitiko lang na handang magbayad ang mga umuukopa rito.

Tinipon kaming mga bagong dating dito upang maghapon hanggang mamayang gabi mag-ensayo kung paano ang tamang pakikitungo sa mga kustomer.

Bukas ng madaling araw ay may mga darating na panibagong grupo ng mga kababaihan na magtatrabaho rito.

Kaya kaming mga nauna ay kailangan na tumanggap ng mga mag ta-table sa amin. Parami na rin kasi ng parami ang dumarayo sa club na ito.

Ang mga sobrang tagal naman at tumanda na sa trabahong ito ay hinahayaan na magretiro at saka babayaran ng malaki upang hindi na magsumbong sa kinauukulan kung paano sila napunta sa trabahong ito.

Nanginginig kong isinalin ang pitsel ng alak sa baso habang sinusubukan tumawa, makipag-usap sa katabi ng hindi natatapon ang alak gaya ng pinapagawa ng grupo ni Ruby.

Kanina pa nila ako pinag-iinitan. Pang-ilang salin ko na ito sapagkat bawat subok ko ay may biglang sumasagi sa kamay ko upang matapon ang alak.

Ako rin ang pinapakuha nila ng mop upang maglinis na sadya nilang pinapabalik agad kahit uulitin pa rin naman nila ang pagsagi sa akin dahilan upang magpabalik-balik ako sa map at paglilinis.

Madami naman kami rito!

"Dats wat you get when you keep on mashi- missi- messing--, ah basta! yan makukuha mo kapag pinagpatuloy mo pa yung pagpapasikat mo rito," pagtataray sa akin ni Nicole, isa sa mga kasama lagi ni Ruby. Putok na putok ang blush on niya na halos umabot na sa tenga.

Pagpapasikat? Naguguluhan ako sa sinabi niya. Ginagawa ko na nga lahat para hindi ako mapansin dito at ituring akong parang wala lang.

Hindi na lang ako umimik.

"Balita ko ay inalok ka raw ni Madam Mercedes na magsayaw sa stage? Anong sabi mo sa kanya?" pirming tanong sa'kin na Ruby.

Hindi ko alam kung anong gusto niyang sagot sapagkat halata sa mata niya na kahit anong isagot ko ay di niya ako papaniwalaan at pigil na pigil lang ang pagsugod sa akin.

"Pa-pag-iisipan ko pa." mahinang saad ko.

"Eh sino naman yung kausap mo nung isang gabi?" kasunod na tanong ni Clary, "Anong pinag-usapan niyo?"
tuloy pa niya.

Napaiwas ako ng tingin.

"W-wala, nagtanong lang kung anong oras tayo nagbubukas,"

Pinaningkitan nila ako ng mata na parang nagdududa ngunit sa huli ay mukhang naniwala naman.

"O siya, ipasa mo na 'yang pitsel sa kasunod mo." ani Ruby.

Nakahinga ako ng maluwag nang sinabi niya yun. Di na nila ako tinanong at inutusan pa ngunit ang mga matang tila mangangain ay hindi umaalis sa akin.

Pinayuhan pa nila kami sa mga dapat at hindi dapat gawin pag lasing na lasing na ang kustomer namin.

Natapos ang diskusyon namin at kanya-kanya rin kaming nakabalik sa istasyon namin ng paninilbihan.

Sinusubukan ko ring hanapin si Xander sa mga lamesa ngunit hindi ko siya nasilayan hanggang matapos ang gabi at magsarado kami.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon