021

12 1 0
                                    

Bayan ng Skellington, 1991

"Ikaw Maya? Anong sagot mo sa tanong ni sir kanina?" tanong ni Fe habang tumango ako kay Maya para malaman niyang naghihintay din ako ng sagot niya.

Narito kami sa kanteen at nagmemerienda gamit ang recess sa aming schedule. Kasama ko ang dalawa sa pinakamatalik kong kaibigan maliban kay Tristan sapagkat hindi naman kami magkaklase simula nang mag-highschool.

Umaktong nag-iisip si Maya kaya naman ipinagpatuloy ko ang pagkain sa maruyang binili ko.

"Pinaka-ayaw ko mangyari sa akin sa lahat ay maiwang mag-isa," marahang paliwanag ni Maya.

Natigilan naman kami ni Fe nang marinig iyon, iyon pala ang dahilan kaya kahit gaano kami tumatanggi minsan na sumama sa kanya lalo na 'pag abala kami ay pinipilit pa rin kaming hintayin ni Maya hanggang samahan siya.

Hinihintay niya kami kahit gaano katagal, basta ay masamahan lamang namin siya sa banyo o kaya ay kapag pupunta siya sa cr.

"Eh, ikaw Aicah?" sinubukan niyang tanggalin ang katahimikan sa pagtatanong sa akin.

"Teka si Fe muna siya iyong nagtanong sa'yo eh." alanganin kong dahilan habang iniisip ang sagot sa katanungan niya.

Ano nga bang pinakaayaw kong gawin sa'kin ng ibang tao?

Excited namang sumagot si Fe ng walang pag-aalinlangan.

"Pinaka-ayaw ko sa lahat o ang pinakakinatatakutan ko ay ang kamatayan. Ayaw kong may mamatay sa pamilya ko at natatakot din akong mamatay." ani niya.

Sunod-sunod naman kaming napatango ni Maya sapagkat maski kami ay ayaw ang bagay na tinatawag nilang kamatayan.

Tatayo na sana ko ngunit agad nilang binaling ang tingin sa akin habang may bakas na pagtatanong sa mukha.

"Ah-eh," Pilit kong iniisip na humanap ng sasabihin ngunit tila kahit ako ay ngayon ko lang napagtanto na isipin ang sagot sa tanong na iyon.

Sa'n nga ba ako takot? Ano nga ba ang pinaka-ayaw ko sa lahat?

Magdadahilan na sana ako nang may nagsalita sa likod ko upang sumagot para sa akin at pagkaraa'y inakbayan ako.

"Nako! Wag niyo ng tanungin, pinaka-ayaw sa lahat ni Ikang ay pagsinungalingan siya," preskong ngumiti pa siya na kala mo ay ikinatuwa ko ang biglaan niyang pangingisali sa usapan namin.

Tinignan ko siya ng masama sa pagtawag niya sa palayaw ko at akmang itataboy paalis nang sunod-sunod na nagtanong si Fe at Maya na animo'y tuwang tuwa sa presensya niya.

"Hi Tristan! Kala ko may teacher kayo, buti naman at napadaan ka rito," sagot ni Fe.

"Paano mo nalaman na ayaw yun ni Aicah, Tristan?" tanong din ni Maya.

Nakalimutan kong pati sila ay may crush din kay Tristan.

Tuwang tuwa namang nagkwento si Tristan na animo'y siya ang tinatanong kung ano ang pinaka-ayaw ko.

"Galit na galit 'yan sa akin noon, 'di ako pinansin ng ilang araw nung sinabi kong buhay pa si Ningning, yung aso namin kahit na ang totoo ay patay na ito, eh sinabi ko lang naman 'yun para hindi siya malungkot,"

Napangiwi na lang ako ng buong pagmamalaki siyang nagkwento ng kung ano ano at saka ibinaling na lang ang atensyon ko sa kinakain ko.

🍷🍷🍷

Nakangiti kong sinalubong si Xander nang mabalitaan kong pagkatapos ng dalawang araw ay nakabalik na siya mula sa thesis observation nila sa lugar namin.

Agad niya rin akong niyakap ng magkasalubong kami at saka dali-dali akong hinila palabas ng club.

Nakita kong nagtanguan sila ng bouncer na halos naging kakilala niya na rin dahil sa araw-araw na pagpunta dito.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya nang makalabas kami at tinanong siya kung sa'n kami pupunta.

"Tara, may ipapakita ako sa'yo," Agad akong kinilig sa matamis niyang ngiti na matagal ko na ring hindi nakita.

Tumango na lang ako at hinayaan siya sa balak niya kung sa'n niya ako dadalhin.

Hindi kami gumamit ng sasakyan kaya napansin kong malapit lang dito ang pupuntahan namin.

Umakyat kami sa isang gusali na ilang metro lang ang layo sa aming club, mas mataas din ito kumpara sa nga katabi naming nga gusali.

Hawak-hawak niya ang kamay ko hanggang makarating kami sa pinakamataas na palapag nito.

Pagdating namin doon ay nagpahinga kami sa isang mahabang upuan na nakapwesto roon.

"Bakit tayo nandito?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Wala lang, gusto ko lang na mapag-isa tayo kaya ipinaalam kita kala kuya Tanyo," sagot niya bago ako tinignan. "Ayaw mo ba akong kasama rito?" pagpapatuloy niya na parang batang nagtatampo.

Simple lang naman ang sinabi niya ngunit iba ang epekto nito sa puso ko.

"Hindi naman, nagtaka lang," sagot ko bago ko isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Inakbayan niya naman ako upang mapasandal sa dibdib niya at hindi mahirapan.

"Gusto kasi sana kita dalhin upang makita ang mga buwan at bituin kaya lang umulan kanina kaya natatakpan pa ng mga ulap ang kalangitan." paliwanag niya pa sa pakay niya.

Tinignan ko naman ang kalangitan dahil sa sinabi niya.

Narinig nga namin kanina sa radyo na uulan din bukas kaya siguro walang mga bituin at buwan ngayon. Sayang naman.

"Eh ba't tayo andito, wala rin naman tayong makikitang bituin," sabi ko na sinundan ko ng mahinang pagtawa.

"Kaya naghanap ko ng maaaring kapalit ng mga bituin," aniya.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya agad akong tumakbo palapit sa bakod ng palapag na ito.

Pinagmasdan ko ang nasa ibaba ngunit wala akong nakitang mga ilaw dahil halos patay na ang ilaw ng mga kapit-bahay namin.

Naramdaman ko namang may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Napangiti ako dahil alam kong siya iyon.

Marahan niyang tinuro ang kabilang parte ng tanawin sa malayo at hindi ang mga katabi lamang naming mga gusali.

Nakita ko naman ang mga nagkikislapang ilaw sa gabi na nagmumukhang bituin sa malayo.

Napangiti ako sa tanawin. Gumaan ang loob ko sa nakita.

Ngunit---

Agad na napawi ang ngiti ko sa napagtanto. Bakit niya ako dinala rito upang kumalma? Ano ang nalaman niya nang pumunta siya sa amin.

Humarap ako sa kanya, habang nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mata ko dahil sa mga naiisip.

Hindi maari.

"A-ang lola, ayos lang ba ang lola ko?" mangatal-ngatal kong tanong kahit na kinatatakutan ko ang maaaring sagot niya.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon