016

51 18 14
                                    

Isang araw sa isang linggo ay may pahinga kami. Nagsimula kami bigyan nito nang naka-dalawang buwan na kami sa pag-te-table. Hindi nga lang pare-parehas ng araw ang day off.

Ang araw na bakante sa akin na ikinatuwa ko rin ay ang araw ng linggo.

Tiyak ay magtatampo sa akin si lola kung sakaling malaman niya na hindi ako nakakapag-simba linggo linggo.

Kaya naman maaga akong gumigisimg tuwing linggo upang magtungo sa simbahan. At walang sawang humihingi ng gabay sa Panginoon sa kabila ng mga pagsubok sa akin.

Ipinagdarasal ko lamang na maging ligtas at sana ay nasa maayos na kalagayan ang lola ko.

Kasalukuyan naman akong narito sa pinakamalayong simbahan na kaya ko marating sa Maynila.

Isang beses lang kasi ako nakakalabas sa isang linggo at minsan ay hindi pa pinapayagan lalo na kung maraming kustomer. Kaya sinusulit ko na ang pag-labas.

Para kasi akong na susuffocate pag nananatili akong nasa malapit na lugar sa club 'pag day-off ko.

Kaya napunta ako rito kung saan malaya akong nakakadama ng malinis na hangin.

Marami na ngang sasakyan, dyipni sa Maynila kesa sa bayan namin ngunit kalesa lamang ang pwedeng sakyan papunta rito mismo sa simbahan kaya makakatiyak ka talaga sa malinis na simoy ng hangin.

Pagkatapos ng misa ay dumeretso ako sa likod ng simbahan upang mag-sindi ng kandila at mag-alay muli ng dasal.

Simula bata kami ay ginagawa na namin ito nila lolo at lola, madalas na kasama si Tristan sapagkat abala ang Itay niya sa tubuhan.

Napangiti ako sa alaala kung saan nagpapaunahan kami maglagay ng kandila sa pinakagitnang bahagi ng stand.

Sinasaway pa nga kami ni lola sa ingay habang si lolo ay natatawa lang sa amin.

Sinindihan ko na ang bago kong biling kandila at ilalagay na ito sa gitna ngunit napatigil ako nang may mauna sa akin.

Marami pa namang ibang bakanteng tusukan ng kandila kaya bakit kailangan niya pa ako unahan kita na niyang ilalagay ko 'yung akin dun.

Tinignan ko ang isang lalaki mukhang  kasing-edad ko ng medyo nakakunot ang noo.

Alanganin siyang tumingin sa akin at  tumawa na parang hindi niya sinasadya ang ginawa.

"Sorry Miss, napagbilinan lang ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit kailangan sa gitna pa talaga." sabi niya sabay lakad paalis ngunit di niya sinasadyang matabig ng paa niya ang mga dala niya.

Tinignan ko ang nagkalat niyang gamit. Tinulungan ko naman siyang pulutin ito.

Puro gamot, benda at kung ano-ano pa na para siyang may pasyenteng inaalagaan. Ngunit ang nagpatigil sa akin ay ang isang plastic ng mga nata de coco na madalas naming papakin noon ni Tristan sa burol.

Umalis na ang lalaki ngunit nanatili akong nakaupo rito sa pwesto ko.

Saksi ang mga kandila at ang buong simbahan sa lungkot na inihahatid ng masasayang kahapon na hindi na niya kailan man mababalikan.

                           🍷🍷🍷

Nakaupo siya sa isang parke malapit sa simbahan. Dahan dahan niyang itinutulak ng paa niya ang inuupuan niyang swing na pinipigilan niya rin agad upang magkaroon lamang siya ng saktong galaw.

Pinagmamasdan niya ang mga batang nagtatakbuhan sa paligid niya. Pati na ang mga highschool student na mukhang kaedad niya na mga nakaupo sa upuan habang normal na nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon