019

48 9 12
                                    

Sabado pa lamang ng gabi ay halos hindi na ako makatulog at halos magpaikot-ikot na ako habang naglilikot sa kama dahil hindi ako makatulog.

Narito na ako ngayon sa dyipni, habang nakasuot ng hiniram kong bistidang dilaw kay Amanda.

Pinapakinggan ko rin ang kanta ni Xander hanggang makarating ako sa labas ng simbahan.

"Pagbasa mula sa Unang Corinto 10:13 Ang Salita ng Diyos. Walang pagsubok na dumating sa iyo maliban sa karaniwang pagsubok sa tao. Ang Diyos ay matapat, na hindi ka pababayaang masubok nang higit sa makakaya mo. Kasabay ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para makaligtas ka nang sa gayon, makayanan mo ang pagsubok."

Natapos ang misa at dala-dala ko pa rin ngayon ang bersikulo at sermon ng pari na ginagamit ko upang makayanan ang mga nangyayari sa buhay ko.

Kasabay ng pagbuhos ng tao palabas ay ang sayang nararamdaman ko sa nalalapit naming pagkikita ni Xander.

Bago magtanghalian ay pupunta raw siya rito para sunduin ako sapagkat hindi niya ako maaaring samahan ngayong umaga dahil may pupuntahan siya.

Napaiktad naman ako nang may bumunggo sa akin dahilan para matulak ako sa ibang tao. Tinignan naman ako nito at bahagyang sinanggi upang mapalayo rin sa kanya.

Naiipit na ako sa sobrang dami ng mga taong papalabas nang may mamataan akong pamilyar na likod. 

"Xander?" bahagyang bulalas ko.

Ilang buwan na kaming nagkikita ni Xander kaya sigurado akong kasing katawan niya ang lalaking ito.

Nakasuot ito ng puting polo na long sleeves, na may design na polka dots.

Ngunit sabi niya ay hindi niya raw ako masasamahan ngayon dito sa simbahan. Baka naman ay namamalik mata lamang ako.

Sinubukan ko siyang habulin at tawagin upang makumpirma ngunit napakabagal ng pag-usad ko lalo na at nasa gitna pa ako ng tumpok ng mga tao.

Ilang metro na lang ang pagitan namin ngunit nakita ko siyang sumakay sa kotse kasunod ang isang middle aged na babae.

Iwinaksi ko na ang ideyang iyon sapagkat nangako siya na susunduin niya ako kaya bakit naman siya aalis para sumakay sa sasakyan na iyon.

Dumiretso ako sa parke na pinanatilihan ko palagi pagkatapos ng misa at umupo muli sa swing habang hinihintay siya.  

                          🍷🍷🍷

"Wow," Kung nasa libro ako ay ito na ang eksena kung saan kumikislap ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkamangha.

Dinala ako ni Xander sa kanilang paaralan.

Unibersidad ng Santo Tomas

Malaki pala talaga at napakaganda sa mga unibersidad ng Maynila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malaki pala talaga at napakaganda sa mga unibersidad ng Maynila. Kung hindi nangyari ang lahat ng ito ay malamang nasa dormitoryo na ako ngayon at nag-aaral na sa Unibersidad ng Pilipinas.

Pinigilan ko na malungkot kaya naman ay inaya ko si Xander bago naunang pumasok ng patakbo upang libutin ang paaralan.

Wala akong ginawa kung hindi ngumiti at ngumanga sa lawak ng paaralan na ito.

Inikot ko rin ang napakalaki nilang library at sampung beses ata ang laki nito sa library namin sa probinsya.

Malaya at masaya akong nagpaikot-ikot habang hinahawakan ang mga libro sa loob nito.

Naapangiti rin ako habang inaamoy ang kakaibang bango na nagmumula sa mga pahina ng libro.

Nalalaman ko rin kung gaano na katagal ang pag-kalimbag nito ayon sa amoy nito.

Sa katunayan, kung may bagay na eksperto ako ayun ay ang pagbabasa lamang ng libro at pag-aaral.

Habang magiliw kong binabasa ang mga libro ay nakakalimutan ko ang kinahinatnan ng buhay ko ngayon.

Halos mapaupo na ako sa sahig nang may librong nakakuha ng atensyon ko. Magkakalahating oras na ata akong nakasalampak dito habang napapalibutan ng mga napili kong librong babasahin.

Sabi naman kanina ni Xander ay okay lang daw na magtagal kami rito sa paaralan, marami rin namang nandito kahit na araw ng linggo.

Nagtataka naman ako sa pagiging tahimik niya kaya nilingon ko siya.

Seryoso siyang naka-upo hindi kalayuan sa pwesto ko, nakaharap siya sakin ngunit may nakaharang na canvas, tumitingin din siya sa akin segu-segundo. Hindi ko napansin na may dala pala siya kaninang mga kagamitan sa pag pipinta.

Guwapong guwapo at preskong presko siya sa malinis at mabait na paraan sa suot niyang puti na long sleeve polo habang nakatiklop ito hanggang siko niya.

Nahiya naman ako sa ideyang baka ako o kaya ay nakaharang ako sa ipipinta niya kaya naisipan kong lumapit sa kanya upang tignan kung ano ang ipinipinta niya.

Ambang patayo na ako nang sumakto naman ang paglingon niya sa'kin.

"Ops, 'wag kang gagalaw hindi pa ako tapos." seryoso niyang utos sa akin.

Napatigil naman ako ng mapagtantong ako ang ipinipinta niya. Sa kabila ng hiya ay nagkibit-balikat na lamang ako at bumalik sa pagbabasa sapagkat segu-segundo niya akong binabantayan upang hindi gumalaw.

'Di ko na napigilan kumawala ang kanina ko pang sinusupil na ngiti. Sa ilang buwan ko sa Maynila, ay ito palang ang pinakamasayang araw ko rito.

Matapos niyang magpinta ay agad niya naman itong tinago sa loob ng paaralan saka ako hinila upang maglatag ng kumot sa may field  ng paaralan.

Agad siyang humilata rito habang prenteng nakabukas ng malawak ang mga braso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Agad siyang humilata rito habang prenteng nakabukas ng malawak ang mga braso. Itinapik niya rin ang bakanteng puwesto sa tabi niya.

"Tara," aya niya.

"A-ayaw ko, okay na ako rito." Sa halip na tumabi ay umupo na lang ako malapit sa kanya sa labas ng kumot.

Pinilit niya naman ako ngunit namumula na ang buong mukha ko kaya tinakpan ko ito ng kamay ko.

Tinukso niya pa ako at sinabihang huwag mahiya ngunit hindi ako natinag sa puwesto ko. Bahagya siyang bumangon at sinubukang tanggalin ang kamay ko sa mukha ko ngunit sa ginawa niya ay aksidente niya akong nahila na nagsanhi ng pagbalik niya sa pagkakahiga dahil sa puwersa at bigat habang nasa ibabaw niya ako.

Napapikit naman ako ng mariin sa gulat.

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko na sana ay hindi ko na lamang ginawa sapagkat tila ba hinigop niya ng mga titig niya ang lakas ko.

Ilang pulgada lamang ang agwat namin kanina—kanina sapagkat sa panibagong pagkakataon ay mas pinabilis niya ang takbo ng puso ko nang alisin niya ang agwat namin sa pamamagitan ng kanyang malalim na halik.

Ang unang halik na naranasan ko.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon