003

136 55 83
                                    

This chapter is dedicated to lhetlitj for creating this super awesome book cover na unang naging book cover ng istoryang ito, na nasa media.

🍷🍷🍷

Humugot ako ng hininga bago humakbang palapit sa kanya. Nasa tabi siya ng puno sa burol na nagsisilbing boundary or half way ng nasasakupan ng Hacienda Abernathy at Hacienda Montecillo.

Nakatalikod siya at nakatingin sa mga bituin. Hindi siya madalas pumupunta ng gabi, kadalasan syempre ay umaga kung sabay kami papasok, hapon kung bahay namin ang mapiling pag-meriendahan, maliban na lang kung importante kaya syempre ay hindi ako nakapaghanda kanina.

Magsusuot na nga lang ako palagi ng damit panloob kahit na matutulog para sigurado.

Tuluyan na akong nakalapit sa kanya ngunit tila 'di niya ako napansin dahil sa lalim ng iniisip niya.

Mataman kong pinagmasdan ang mukha niya, ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataon kahit na halos araw-araw kaming nagkikita.

Malaki na pala talaga kami, hindi ko napansin ang bilis ng panahon.

Noon ay madalas kong iniisip kung ano ba ang nakita ng mga kaklase namin sa kanya at crush na crush siya.

Ngayon ay medyo nalinawan na ako, ang dati kong maliit at mapayat na kaibigan ay mas matangkad na sa akin at nagkaroon na ng tamang hubog ng katawan dala marahil ng pag-tulong niya sa papa niya sa tubuhan.

Hindi rin siya ganun ka-itim kahit na minsan ay nabibilad sa initan 'pag nasa bukirin, moreno, matangkad, matangos ang ilong, hmm... hindi na nga ako dapat magtaka kung ba't laging nagpapalakad sa'kin mga kaklase ko.

Ang mga mata niya ang pinaka nakakaakit ayon sa kanila, sakto lamang ang laki, hindi malaki ngunit hindi rin singkit. Ang haba pa ng mga pilik mata niya at ang ganda ng natural na korte ng kilay.

Sobrang swerte ng magiging kasintahan niya kung sakali, sapagkat madalas nga siyang mang-asar ngunit sobrang maalaga niya naman. Kayang kaya niya rin pagaanin ang mga sitwasyon sa pamamagitan ng mga biro niya.

Nagtataka nga ako na hindi pa siya nagkakaron ng nobya, oo at meron mga natutukso at nakwekwento kwento na may pagkakaintindihan sila ngunit 'pag tinatanong ko naman siya ay hindi raw totoo yun.

Ang dami ko na ring nireto na mga kaibigan ko na magaganda, ngunit hindi ko alam kung anong problema niya at lagi niyang tinatakasan kapag lumalabas sila, siya na nga nililibre ng mga babae ayaw pa.

Tinabihan ko na lamang din siya at tumingin din sa kalangitan. Kitang kita ko ang milyun-milyong bituin at ang nag-iisang buwan.

Sobrang nakakakalma ang tanawin lalo na't kasama ko si Tristan.

Ewan ko ba, pero tuwing kasama ko siya sobrang komportable at kalmado ng buong pagkatao ko, hindi ako natatakot.

Ngunit kahit gaano ka nakaka-relax ang tanawin di ko mapigilan isipin 'yung buwan, hindi ba siya nalulungkot na mag-isa lang siya? O kung totoo nga ang mga kwentong bayan, nakakalungkot pa rin kahit na sabihin na nagkikita ang buwan at araw tuwing solar o lunar eclipse kung sakali mang nagmamahalan sila. Bakit kailangan niya malayo sa mahal niya? Dahil ba kailangan? Siguro para sa universe, para mag work ng maayos at maging ligtas ang mundo at mga tao, para hindi masira ang proseso.

Para akong buwan, oo sobrang saya ko na kung sakaling makapasa at makakapag-aral sa Maynila ngunit di ko maitatanggi ang kalungkutan dahil iiwan ko sila Lolo at Lola, mga kaklase ko, mga kaibigan at si Tristan. Pero gaya ng buwan kailangan ko rin.

Para sa kanila, kung gusto ko iahon sila Lola at Lolo sa hirap, kailangan ko mag-aral ng mabuti. Kailangan ko pag-igihan at maging successful. Buong buhay nila ay nasa bukirin na sila. Minsan lang kami nagkaroon ng cellphone kailangan pa isangla noong nagkasakit ako kahit na ilang taon iyon pinaghirapan.

Gusto ko na mabigyan sila ng tig-isang telepono gaya ng mga mayayaman. Gusto ko rin makaipon para magkaron ng sariling pager beeper gaya ng iba kong mga kaklase.

Nahila ako sa lalim ng mga iniisip ko nang magsalita si Tristan.

"Aalis ka na talaga?" kalmado ang boses niyang tanong.

Maaaring narinig na niya ang balita, sinabi kong sa kanya ko pangatlong sasabihin ang resulta ng pangyayari sa exam, minsan lang kasi may mag exam, o makatapos ng exam ng hindi umiiyak dahil hindi natapos sa prestihiyosong unibersidad tulad ng UP sapagkat hindi lahat may lakas ng loob at kakayahan, kaya makapag-exam lang galing sa bayan namin ay minsan iniisip na agad nila na magaling ka at makakapasa ka, ganun ka-positive, kaya siguro mabilis kumalat ang balita, ngunit hindi siya nakapunta kaninang hapon.

"Kaya ka ba pumunta kahit gabi na?"

"Pasensya na, nagkasakit kasi si Papa ako ang pumalit sa kanya pansamantala sa gawain sa tubuhan para hindi mabawasan ang sweldo niya."

Agad ko siyang tinignan upang i-check kung okay lang siya, nakakapagod ang magtrabaho sa tubuhan lalo na at 'di naman siya sanay at hindi rin naman niya gusto.

Pangarap niyang magkaroon ng sariling winery at vineyard upang magtimpla at magdeliver ng iba't ibang alak all over the world. Natawa pa nga ako minsan sapagkat 'yun ang isa sa mga negosyo ng mga Abernathy, sabagay 'yun ang nagpayaman sa kanila kaya hindi na rin masama.

"Okay ka lang ba? Eh pagod ka na pala ba't pumunta ka pa rito?"

"Sigurado ka na ba?" pagdidis-regard niya sa tanong ko.

"Kailangan eh, saka pangarap ko 'to diba."

"Di ako pumunta rito para pigilan ka," tumawa siya ng kaunti bago humarap sakin "Babatiin kita at babantaan na mag-ingat ka run kung hindi ay susundan kita 'pag hindi ka okay dun."

Natunaw naman ang puso ko sa sinabi ng bestfriend ko.

"Sus," sabi ko ng palaro habang binabangga ang kanyang braso, "Hindi pa nga ako nakakapasa, nagdadrama ka na riyan, pano pag nakapasa na ako baka umiyak ka na."

Idinaan ko na lang sa biro upang gumaan ang usapan namin, hindi ako sanay. Madalas ay asaran lang talaga ang pinag-uusapan namin.

"Ikaw pa ba? Ngayon palang sigurado na akong papasa na eh."

"Tse," huli kong sabi bago umupo at sumandal sa puno.

Umupo rin siya sa tabi ko at sumandal sa puno.

Tumitig lang kami sa kalangitan, at nakuntento na sa presensya ng mga bituin at isa't isa.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nag-uusap onti tungkol sa buhay at pangarap, magpapahinga at tititig ulit sa kalangitan.

Doon umikot ang aming gabi hanggang mag-alas diyes na at mapagpasyahang umuwi.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon