004

131 51 89
                                    

This chapter is dedicated to _euniquecorn for creating this two lovely consecutive book cover, na isa sa matagal kong nagamit na cover, na nasa media.

                         🍷🍷🍷

"Bilisan mo naman!" nagrereklamong utos ni Tristan.

"Teka lang naman, pagod na ako," tugon ko.

Kanina pa kami naglalakad, sinundo ako ni Tristan sa bahay sapagkat narinig niya raw sa katrabaho ng tatay niya na galing sa bayan ay dumating na ang resulta ng UPCAT exams at ngayon na ipapamahagi.

"Ang bagal pano natin sasalubungin 'yung kartero niyan?"

Naiirita naman akong tumingin sa kanya sapagkat mas excited pa siyang kunin ang liham para sakin kahit na hindi naman kami sigurado na nakapasa at makakatanggap ako.

Samantalang nung mga nakalipas na buwan ay ang drama-drama niya tungkol sa pagmamaynila ko tapos ngayon gustong gusto na ata niya ako paalisin.

Halos isang buwan na nung makagraduate kami ng highschool. Buwan na ng Abril ngayon. Ang buwan ng resulta ng UPCAT.

Hindi ko lamang pinapahalata pero halos ilang buwan na rin ako simula nung nag-exam na kinakabahan, feeling ko mahihimatay na ako. Sobra-sobra na rin ang pagdarasal ko na sana ay makapasa ako.

Gustong gusto ko makapasok at makatungtong ng Maynila. Kahit na sabi ng lola ko ay nakapunta na raw kami roon nung bata pa ako.

Kung baga sa nababasa kong pocket book, na may American dream. Ang akin naman ay Manila Dream. Gusto ko roon tumira at hindi lang basta pumunta panandalian.

"Ikang! Ayan tumulala ka na naman! Tara na," sigaw ni Tristan hindi ko namalayan na malayo na pala siya at napahinto ako dahil sa pagod at pag-iisip.

Sino ba naman kasing may sabing salubungin namin ang kartero eh hindi nga namin alam kung kailan o pupunta ba siya rito samin.

Napaupo ako sa gitna ng kalsadang hindi pa masyado maayos. Isa ito sa proyekto ng Pamilya Abernathy upang makuha ang loob ng mga tao rito sa Skellington. Balita ko ay balak nilang pumasok sa pulitika.

Inilibot ko ang paningin ko sa nakakarelax na bukirin at hindi pinansin ang nagrereklamong Tristan na pabalik sa kinauupuan ko.

Siguro ay napagod na rin siya at umupo malapit sa akin. Maya-maya ay humiga na sa daan ang loko.

Pumikit at ngumiti. Nabaliw na sa pagod ang kaibigan ko.

Nanatili akong nakaupo upang magbantay kung may paparating na sasakyan o kartero.

Ilang minuto na kami rito sa daan, ngunit wala pang dumarating na kartero. Nagsisimula na ako kabahan.

Paano kung 'di ako nakapasa? Paano kung kala ko nasagutan ko lahat pero hindi pala? Paano kung marami akong mali?

Nagsimula na akong mag-isip ng kung ano-anong dahilan kaya hindi ako nakapasa, ito lang naman ang daanan papunta sa'min.

Wala na, hindi na ako makakapunta ng Maynila. Magiging magsasaka na lamang siguro ako hanggang pagtanda at pagkatapos ay makakakilala ng lalaking pupunuin ng paru-paro ang kalamnan ko at papatalbugin ng sobra ang puso ko. Tatanda kami rito at sabay mamamatay.

Tumayo na ako at inaya si Tristan.

"Tara na, umuwi na tayo."

Nakatungo akong naglakad pabalik.

Naramdaman kong tumayo si Tristan pero hindi sumunod. Baka nagbabakasakali pa siya na may dumating. Sumuko na ako pero siya hindi pa, pambihira.

"Ikang, ayan na!"

"Wag mokong lokohin, wala akong naririnig," sagot ko habang pabirong tinakpan ang mga tenga ko.

"Totoo nandyan na nga!"

'Di ko na siya pinansin at tuluyan nang napalayo ang lakad.

Sumisigaw naman siyang tinawag ako sa iba't ibang pangalan.

"Ikang,"

"Aicah, uy!"

"Meisha!"

"Aicah Meisha Lopez,"

"Aicha Meisha Lopez-Buencamino!"

Napatigil ako sa kalokohan niya at baka may makarinig. Masyado siyang nag-eeffort para pagaanin ang loob ko o 'di kaya ay pagtripan ako.

Lumingon ako para sigawan siya ngunit napatigil ako ng makitang may iniaabot sa kanyang sulat 'yung lalaki na nakasakay sa malaking motor.

Umalis na ito matapos silang magpasalamatan at magtanguan ni Tristan.

Napako naman ako sa kinakatayuan ko, hindi ko malaman ang mararamdaman ko. Para akong maiiyak na ngingiti. Gusto ko magwala at magtatalon.

Tumakbo papunta sa akin si Tristan kaya sinalubong ko siya ng patakbo. Nag-uumapaw ang emosyon ko lalo na ng unti-unti kong nasisilayan mula sa inaangat at winawagayway niyang envelope ang logo ng UP.

Nagkatagpo kami sa gitna, dala ng emosyon ay agad niya akong niyakap at inikot sa sobrang saya.

Ibinaba niya rin ako at dali dali kong pinunit ang itaas na bahagi ng envelope at hinila ang sulat.

Mangiyak-ngiyak ako at hindi makapaniwala sa nababasa ako. Nakapasa ako, nakapasa ako sa pangarap kong unibersidad. Ang prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas. Makakapunta na ako ng Maynila.

Pangatlong beses ko na itong nababasa habang naglalakad, pero hindi ako nagsasawa, mukha na rin ata akong baliw na naglalakad ng nakangiti.

Ito na ata ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

                          🍷🍷🍷

Pabalik na kami sa bahay, ngunit kailangan pa raw bumalik ni Tristan sa tubuhan upang tulungan ang papa niya. Nagpaalam lang siya para sa akin.

Babalik din daw siya mamayang gabi, matapos ipagmalaki na nakapasa sa UP ang bestfriend niya, siraulo talaga.

Excited naman akong umuwi upang ibahagi sa kanila ang resulta ngunit ang kaninang nag-uumapaw na kasiyahan ay napalitan ng kalungkutan, galit, sakit at pait.

Baril. Dugo. Kamatayan.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon