007

106 42 33
                                    

This chapter is dedicated to binibiningaanghel for creating this recent book cover, I finally found someone na nakagawa nung gusto ko na 'di ko magawa at mapaliwanag.

                          🍷🍷🍷

"Mercedes." pabantang saad ng baritonong boses.

Narinig ko ang pamilyar na boses, boses ito nung lider ng mga nangharas at pumatay sa lolo ko kanina.

Tila ba kilala niya ang babae at ang ngalan nito ay Mercedes. Lumapit siya rito at animo may binulong. Tumingin si Mercedes sa akin pagkatapos ay sa mga lalaking may hawak sa akin.

Binitawan nila ako, napaupo ako sa panghihina. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamiseta kong halos mapunit na. Agad ko naman itong hinawakan ng mahigpit upang hindi mapunit at saka niyakap ang aking sarili.

Mukhang nagtatalo ang babaeng tinawag niyang Mercedes at ang lalaking nagdala sa'kin dito ngunit hindi ko na inintindi ito at nanginginig na kinuha ang aking bag, niyakap ko ito ng kahit papaano ay maibsan ang takot ko at matakpan ang katawan ko.

Maya-maya pa ay tinignan niya kaming lahat ng masama ngunit ang pinakamatalim na may kasama pang kilay ay parang tumarak sa akin, kung nakakamatay lang ang talim ng mata niya. Pagkatapos ay tumalikod siya at umalis.

Ganun din ang mga lalaki na nagpunta sa iba't ibang direksyon, ang mga kasama ko kanina ay hindi tumungo papasok kung hindi ay tumungo palabas kasama ang kasama niya.

Nakahinga lang ako ng matuwid ng nawala na ang tunog ng takong ni Ginang Mercedes at dalawa na lang ang natirang lalaki upang mag-guwardiya.

Ilang minuto lang ay may mga tunog ng takong na naman akong narinig ngunit hindi lang ito nag-iisa. Itinaas ko ang tingin ko upang makita ang limang babae na puno rin ng kolorete sa mukha, ang iba ay kulot ngunit ang iba ay hindi. Lahat sila ay nagsusuot ng makikintab na damit na iba-iba ang kulay.

Kanya-kanya nila kaming dinaluhan at sinabihang ihahatid daw nila kami sa kwarto na gagamitin namin.

Lumapit sa akin ang babae na may suot na asul na bistida, kumikintab din gaya ng sa iba.

Inalalayan niya akong tumayo, dahan-dahan naman akong tumayo ngunit napahinto siya at may sinabi na hindi ko inaasahan.

"Aicah, ikaw ba yan?" Itinaas ko ang ulo ko upang makita ko ng mabuti ang mukha niya.

Mataman ko itong tinignan at unti siyang nakilala sa likod ng kolorete niya sa mukha.

Hindi maaari.

"Rianne?" 'Di makapaniwala sa nakikita ko. Ang kaklase ko noong elementary na katabi ko lagi sa upuan simula grade 3 ang nasa harapan ko.

"Shh, ano ka ba lahat sila Scarlette na ang tawag sakin kasi masyado raw inosente ang pangalan ko," saka tumawa na parang hindi na siya yung kaklase ko rati.

Bigla siyang nawala pagkatapos nung second year high school namin upang magtrabaho sa Maynila. Wala namang sinasabi sila Aling Betchay tungkol dito sa katunayan ay maganda raw ang trabaho rito ni Rianne at nakakapagpadala ng malaking halaga.

Hindi ko mapigilang yakapin siya dahil ang tagal na naming hindi nagkita at siya lang ang tanging kilala ko sa mundong ito.

"B-bakit?" mahina kong tanong sa kanya. Tumawa lamang siya.

"Mamaya na tayo mag-usap at dun ka na muna tumuloy sa kwarto ko, tamang tama at wala akong kasama roon kasi masyadong maganda 'yung dati kasama ko binili tuloy pang forever nung Amerikano na suki namin." magaan niyang paliwanag na parang hindi nakakabigla ang ikwinento niya bago ako hinila paalis sa lugar doon.

Hindi ko alam ngunit parang may kakaiba sa kanya, ngunit sigurado ako na siya pa rin ang kilala ko na Rianne noon na hindi ganoon ka palabiro at seryoso. 'Yon ang nakikita ko sa mga mata niya.

Dumaan kami sentro ng lugar na ito, nalaman ko ito dahil dito nanggagaling 'yung ingay kanina. Wala palang nag-aaway isa lang itong bahay aliwan na may malakas na patugtog, puno ng mga lasing kaliwa't kanan. May naghahalikan sa kahit saan at ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga babaeng sumasayaw sa posteng bakal sa gitna ng stage.

Hindi ko pa napoproseso ang mga nakita ko ng nandito na kami sa maliit na kwarto na gawa ata para sa mga babaeng katulad ng mga nakita ko kanina, at ang klase ng babae na kahihinatnan ko.

Ipinaliwanag naman ni Rianne kung paano siya napunta rito. May nag-alok daw sa magulang niya ng trabaho ngunit dahil parehas na itong matanda ay siya na lamang ang tumanggap nito sa pag-aakalang isa itong oportunidad na mag-aahon sa kanila sa hirap.

Nung umpisa raw ay nagbalak na siyang umalis at tumakas nang malaman ang trabahong nakaabang ngunit nalaman niyang isinugod sa ospital ang nanay niya kaya napilitan siya na manatili rito. Tanda ko iyong panahon na iyon, sapagkat dumalaw si lola noon upang magdala ng mga prutas, bigas at mga ani mula sa bukid namin.

Malaki rin daw ang kinikita niya rito, natutuwa siya na maayos ang buhay ng pamilya niya at nakakapagaral ang mga kapatid niya at magsisimula na ring pumasok sa pasukan ang bunsong kapatid niya. Hindi na siya nagsumbong sa magulang niya sapagkat mahihina ang puso nila. Sa halip ay nilunok ang lahat ng pride at hiya sa katawan niya upang kumita ng pera.

Nung una raw ay taga-linis lang siya ng buong lugar hanggang mag disi sais na siya, tinuruan na siya ni Madam Mercedes, Madam pala ang tawag nila rito. Tinuruan siya ng lahat ng paraan upang aliwin ang mga lalaki, kung paano ang umakit at ang higit sa lahat kung paano mag perform at mag-pole dancing na isa sa dinarayo ng iba't ibang mga tao mula sa ibang bayan at bansa.

Tinititigan ko siya habang nagkwekwento, ibang iba na ang itsura niya sa Rianne na kaibigan ko noon, ramdam ko rin sa likod ng mga ngiti niya at pagpapanggap ay mabigat ang dinadala niya.

"R-rianne, ayaw ko rito umalis na tayo rito bumalik na tayo sa Skellington," sinubukan ko siyang kumbinsihin, hindi ko na inisip pang itago ang nararamdaman kong takot sapagkat hindi na iba sa akin si Rianne.

Hinawakan niya ang kamay ko at kalmadong umiling na para bang naaawa rin siya sa kalagayan ko.

"Scarlette, Scarlette na ang pangalan ko rito, patawad Aicah pero hindi kakayanin ng pamilya ko kung di ako magtatrabaho, si Tatay na lang ang naghahanap buhay at ako, tumigil na si Nanay at nag-alaga na lang ng mga kapatid ko, mag-ha-high school na rin ang pangalawa kong kapatid, at magsisimula ng mag-aral ang bunso kong kapatid, sorry talaga Aicah." Tumungo siya at doon palang ay alam ko nang hindi ko siya mapipilit.

Ngayon palang lumilinaw sa isip ko ang mangyayari kanina, siguro kanina ay bigla pa 'ko sa mga nangyayari kaya isinawalang bahala ko ang takot ngunit seryoso ito at naririnig ko mula sa boses ni Rianne ang hirap na pinagdaanan niya.

Iniisip ko palang na hahawakan ako ng mga lalaki at ipipilit nila ang sarili nila sakin ay naiiyak na ako. Wala na ring pinagkaiba yun sa rape ngunit ba't nagpapatuloy ang sitwasyon na ito.

Natataranta kong kinuha ang dalawa lamang sa damit ko at kakaunting pera at naglakad patungo sa mataas na bintana sa ibabaw ng kama.

Kailangan kong makaalis dito.

"Kung gayon ay ako na lang muna, hahanap ako ng paraan upang matulungan ka Rianne," May pagmamadali sa boses ko sa takot na may makahuli sa akin.

Sumampa ako sa kama upang maabot ang bintana ngunit nabato ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Madam Mercedes kasabay ang pagbukas ng pinto.

"Sige, umalis ka na, kung gusto mong ikaw ang maging dahilan ng pagkamatay ng lola mo," masungit niyang pagbabanta.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon