006

107 45 39
                                    

This chapter is dedicated to LeeitGurl for creating this super beautiful book cover, isa rin sa nahirapan ako mamili huhu, na nasa media.

                          🍷🍷🍷

"Baba!"

Itinapak ko ang paa ko sa unang pagkakataon sa Maynila. Ilang oras din ang byahe patungo rito.

Ibang iba sa inaasahan ko ang pakiramdam ko ngayong nandito na ako. Ito na ata ang pinaka malala at masamang nangyari buong buhay ko.

Gusto ko ng bumalik. Pinapanghinaan ako ng loob at gusto ko na lang umiyak ng umiyak ngunit mas matutuwa sila roon, at mararamdaman nilang panalo sila.

Hindi ko hahayaan na makuha nila ang gusto nila. Kailangan kong maging matatag at malakas. Kailangan ko makaalis dito upang balikan ang lola ko.

Blanko at walang gana kong tinignan ang mga babae na bumababa sa kasunod naming dumating na sasakyan.

Ang ilan sa mga nandoon ay minsan ko nang nakita sa bayan namin. Ang ilan sa kanila ay natatakot, ang ilan naman ay kinakabahan na animo iba ang inaasahan sa sinabi sa kanila.

Halata iyon sa sa galaw nila habang nagpupumiglas sa mga tumutulak sa kanila papasok.

Tinutukan naman ang mga ito sa sikmura ng baril dahilan upang hindi na sila pumalag at nagpadala na lang sa daloy ng mga nakapilang babae na pilit ipinapasok sa maliit na pintuan.

Tila hinihintay namin silang makapasok lahat bago nila ako papasukin.

Sa tingin ko ay nasa likod kami ng isang gusali ngunit hindi ko mapagtanto kung anong klase ito sapagkat mukhang maliit lang ito mula sa pwesto namin at napakaliit pa ng pinto.

Nang lumuwag na ang daanan ay pasimple nila kong itunulak papasok. Obligado naman akong sumunod.

Pumasok kami sa isang malawak na lugar na hindi mo aasahan dahil sa estraktura mula sa labas.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Malabo ang ilaw kaya siguro nagiging medyo pula ang paligid. Nakakarinig din ako ng kakaunting ingay ilang metro mula sa amin, tila ba may nagsisigawan pero wala namang nag-aaway.

Itunulak ako ng may hawak sakin upang mapasama at mapalinya sa mga babae.

Maya-maya ay may narinig kaming tunog ng takong na papalapit, nakasuot ito ng pulang mataas na sandalyas, tinatayang mga 30-40 na ang edad nito base sa balat niya ngunit maputi pa rin at makinis ang balat nito. Nakasuot siya ng maiksing bestida na kumikintab na umabot hanggang sa gitna ng hita niya.

"Hubad!" Sigaw niya dahilan upang mapaangat ang tingin ko sa mukha niyang puno ng kolorete at sa kulot niyang buhok na may kulay.

Isa-isa niyang pinagmasdan kaming pinagmasdan na para bang kinikilatis ng mabuti, napataas naman ang kilay niya sa pagtingin sa mga damit namin, pasimple ko ring tinignan ito at wala akong nakitang problema, balot na balot ang mga damit namin sapagkat malamig sa probinsya dahil wala namang masyadong sasakyan at mas malamig lalo na kinagabihan.

Sunod niyang nginiwian ang dalang mga lumang bag na may mga lumang damit na halos sumilip na papalabas sa bag, pinasadahan din niya gamit ang kanyang mapanglait na mata ang kabuuan ng aming pagkatao mula sa mga suot na bakya, mga lumang kasuotan hanggang sa mga mukha naming walang bahid na kahit anong make up tulad niya.

Nahalata ko ang panglalait niya sa paraan ng pagtitig niya, na tila ba ang baba-baba ng aming pagkatao dahil lamang hindi umayon sa gusto niyang basehan ng itsura.

Napailing na lamang ako ng hindi nahahalata nang magsimulang manginig ang mga kasama ko sa narinig at tila ba napako sa kanilang kinatatayuan.

Sunod-sunod din na may mga pumasok na mga lalaki na may mga dalang armas at pinalibutan kami.

Hindi ko inaasahan na hindi lang pala walang katuturang chismis ang umiikot sa bayan na nagbibigay daw ng trabaho sa Maynila ang mga Abernathy ngunit ang mga kababaihan ay hindi na muling tumawag pa sa mga pamilya nito.

Kahit ako ay mahihiya tumawag at bumalik sa bayan pagkatapos paglaruan ng ibang tao.

Ayon pa sa kanila, ay may oras pa na bigla na lang nawawala ang mga anak nila na babae at makakakita na lamang ng sobre na naglalaman ng pera kapalit.

Pilit kong tinatagan ang sarili ko sa mga ideyang napagtatanto ko.

Akala ko rati ay gusto lang nila talaga maglayas o makipagtanan. Mali ang akala ko. At mas lalong mali ang ginagawa ng mga Abernathy, ngunit ano nga ba naman kaming mahihirap eh wala naman kaming karapatang magreklamo maliban na lamang kung maging kasing yaman nila kami.

Naaawa ako sa mga walang kamuwang-muwang na ang trabahong ipinangako sa kanila sa maynila ay hindi pagiging kasambahay o trabaho sa factory kundi ang isa sa pinakamaruming trabaho.

Walang kumibo ni isa sa amin, kaya mukhang nauubos na ang pasensya ng babae, sinenyasan niya ang mga lalaki na nakapaligid.

Bahagya kaming napaatras nang kanya-kanya nilang itinutok sa amin ang iba't ibang klase ng baril.

"Huwag niyo 'ko paulitin ng tatlong beses kung hindi ako mismo pupunit ng mga damit niyo sa harapan ng lahat," mataray at pirming babala ng babae sa amin.

Nang dahil sa takot ay dali-dali namang hinawakan ng mga kasama ko ang kanilang mga damit at akmang huhubarin na ito, habang ako ay nanatiling nakatingin sa harapan.

Naramdaman kong inilibot niya ang paningin niya sa amin, kaya pasimple ko rin silang tinignan, may ilang bakas na bakas ang takot sa mukha, may mga humahagulgol, may mga babaeng tahimik na pumapatak ang luha mula sa mata, may mga nagpipigil ng hikbi. Hindi ko mailarawan ang habag na nararamdaman ko para sa kanila at para sa aking sarili.

Ibinalik ko ang tingin sa kawalan ng maramdamang kong papunta na sa akin ang tingin niya. Pinilit kong pumirmi sa pagkakatayo upang hindi matumba sa pagod, tinatagan ko ang loob ko at pasimpleng hinawakan ng mahigpit ang damit ko.

Sa dami ng pinagdaanan ko bago pumunta rito ay nawalan na ako ng gana matakot at kabahan, hindi ko maitatanggi ang halo-halong nararamdaman ko sa kaloob-looban ko dahil sa mga pangyayari, ngunit itinanggi ko itong ipakita sa lahat.

Nagtangis ang panga ng babae nang hindi ako gumalaw upang tanggalin ang aking damit, patuloy akong tumitig sa kawalan at hindi gumalaw kahit onti, dahil hinding hindi ako papayag na maging bayarang babae, hindi ako susuko sa kanya sa pang-aapak na ginagawa niya, hinding hindi ako maghuhubad.

Muli kong napagtanto kung gaano karaming baril ang meron sila, nakatitiyak akong iligal ito ngunit malalaking tao ang mga Abernathy na maaaring nasa likod ng negosyong ito kaya siguro walang nagtatangkang humuli sa kanila.

Dahan-dahan niya akong nilapitan, hinawakan niya ako sa pisngi at sapilitang sinalubong ang mata niya sa akin.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig na ayaw kong inuulit ang utos ko?"

Hindi ako kumibo kaya mukhang lalong nag-init ang ulo niya.

Binitawan niya ako at sinenyasan ang ilan sa mga lalaki.

Dali-dali may lumapit sakin, mahigpit nilang hinawakan ang mga braso ko at ang iba ay sapilitan na pinupunit ang damit ko.

Hindi ko mapigilan ang takot na dumaplis sa'king mukha kasabay ang mga luhang mabilis na nagbagsakan sa pisngi ko ngunit hindi ko mapigilan ang mga mata kong imbis na magmakaawa ay tumalim ang tingin ko sa babae dala ng matinding galit.

Ginamit ko ang buong lakas ko upang magpumiglas mula hawak sa ng mga lalaki, na dahilan upang makaramdam ako ng panghihina na dulot ng isang suntok sa aking sikmura.

"Huwag!" buong lakas kong pagmamakaawa paulit-ulit ngunit hindi sa kanila kung hindi sa Diyos na may lalang ng lahat, tila ba sinarado ng langit ang pinto nito upang pakinggan ang sigaw ng puso kong nagdadalamhati at naghihinagpis.

Bakit? Bakit mo hinayaan na maranasan ko ang lahat ng ito?

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon