002

163 54 119
                                    

"Tulong, ahh!" 'Di ko mapigilan mapatili matapos tumalon pa punta sa uniform ko ang hinuhuli ko, nandito ako ngayon sa may pond sa may garden ng school.

Napalakas ata ang sigaw ko dahilan upang umagaw ng atensyon ng mga kaklase ko.

4th year na kami, at ito ang pangalawa sa huli naming project sa science.

Magda-disect ng palaka.

Takot pa naman ako sa palaka tuwing umuulan at nagiingay sila, rinig na rinig ko mula sa kwarto ko.

Bukod sa takot ay naaawa ako kasi minsan na akong nakakita ng nasagasaan na palaka, paano na ang mga pamilya nila kung sila ang napiling mapag-eksperimentuhan.

Dahan-dahan akong kinabahan habang umatras ng hakbang nang nakatitigan ko yung hinuhuli kong palaka. Tila ba ang sama ng tingin niya sakin at anumang oras ay aambahan ako.

Tama nga ako at bigla siyang tumalon muli sa damit ko kaya muntik na akong matumba kung 'di lang ako nakahawak sa pinakamalapit na kaklase ko.

Dugdug. Dugdug

Nilingon ko ito at si Lemuel pala, 'yung crush ko simula 2nd year ako hanggang ngayon.

'Di ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko na pinaghalong kaba at kilig sapagkat sa kanya ako napakapit.

Tinignan niya lang din ako nang may biglang umepal sa gitna namin na naging dahilan ng pag-alis niya.

"Ehem, isarado mo nga 'yang bibig mo Ikang at tutulo na ang laway mo." Tsk, si Tristan na may dalang dalawang plastic na may lamang tig-isang palaka.

Hinampas ko naman siya dahil sa sinabi niya at agad na tinakpan ang bibig niya.

"Sabi ko naman 'wag moko tawaging Ikang, ang laki-laki ko na kaya, nakakahiya, pano may manliligaw sa'kin nento."

"Sus, dapat matatanggap ng magiging boyfriend mo 'yang palayaw mo na-" napahinto siya sandali habang nagpipigil ng tawa. "Ang ganda-ganda kaya... Ikang," tuloy niya na may kasunod na mapang-asar na halakhak.

Epal talaga 'to. Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko upang damhin kung nandun pa 'yung kaninang tibok ng puso ko ngunit wala na, kalmado na ito. Katulad ng lagi kong pakiramdam tuwing kasama ko si Tristan, komportable.

"Pasalamat ka at dalawa 'yang palaka na dala mo, akin na lang 'yung isa please, sige na." mabilis na nagbago ang tono ko ng maalalang kailangan kong hingiin ang isang palaka na dala niya.

Nakakapagtaka lang na dalawa ang hinuli niya, eh isa nga lang napakahirap na.

"Para sa'yo naman talaga 'to eh, magbasa ka na lang ng libro, 'di ka para rito sugatan ka na oh, ako na bahala sa pisikal turuan mo na lang ako mamaya sa history." sabay abot niya ng palaka.

Tuwang tuwa naman akong napayakap sa kanya.

Sa wakas, may palaka na rin ako! Maaari na akong makapagreview agad sa quiz namin mamaya.

                                                                               🍷🍷🍷

Papauwi na ako ng mamataan ko ang ilang mga kalalakihan sa bahay namin, nang papalapit na ako ay lumilinaw na ang pinag-uusapan nila.

Galing ata sila sa Hacienda ng Abernathy, mga tauhan na sinusubukan bilhin ang lupa namin.

Nakita kong pinapaalis na sila ni Lolo, na walang balak ipagbili ang lupang ipinagkaloob sa amin ng mga Montecillo, isa pa hindi rin nila gusto pang umalis sa kanilang kinalakihang lugar.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon