010

68 34 18
                                    

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang hinuhubaran niya ako at ang buong pagkatao ko.

Marahan niya ring idinampi ang likod ng kamay niya sa pisngi ko habang hinihimas ito nang may pagnanasa na nagmumula sa mga mata niya.

"Ihanda niyo na ang kwartong gagamitin," ani niya habang hindi pa rin inaalis ang malaswa niyang titig sa akin.

"Patawad Señor, ngunit wala pa po sa tamang edad ang batang ito at wala pang pormal na pagsasanay." Ramdam ko ang panginginig sa boses ni Madam Mercedes.

Hindi nabawasan ang kaba ko bagama't mukhang ipinagtanggol ako ni Madam Mercedes.

"Kung gayon, mas gusto mong magsarado ang club na ito?" mapanglaro na tanong niya.

Yumuko naman si Madam Mercedes.

Ipinagpatuloy ng matandang hepe na mukhang nasa edad kwarenta pataas ang pagtatanong at pang-iipit kay Madam Mercedes. Sinabi niyang pag naisara ito ay maaari niyang muling pagbigyan ang mga Abernathy na magbukas ng bagong club sa Maynila ngunit iba na ang mamamahala, patuloy niyang prinessure si Madam Mercedes.

Hanggang ipinaayos na nila ang kuwarto at dali-daling may mga humawak sakin at hinila ako papunta sa kuwarto.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko, parang nagyeyelo ang kamay ko sa sobrang lamig at nagtataasan ang aking mga balahibo.

Hinagis nila ako sa kama bago ini-lock ang pinto.

Nanginginig kong niyakap ang tuhod ko, pilit kong inihahanda ang sarili ko sa mapait kong kapalaran.

Narinig ko ang paglangitngit ng pinto senyales na papasok na ang matandang pulis.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin, na nagpaatras naman sa akin.

Sumampa siya sa kama at pagapang akong nilalapitan. Paatras naman ako ng paatras hanggang wala na akong maatrasan.

Napasandal ako sa malamig na pader, ikinulong niya naman ako gamit ang mga braso niya. Amoy na amoy ko ang alak na sumisingaw sa katawan niya, isama mo pa ang amoy ng pawis galing sa mataba niyang pangangatawan.

Marahas niya akong inihiga, sinubukan ko na manlaban nang hawakan niya ako sa pulsuhan ko at ipitin ang bewang ko gamit ang dalawa niyang hita.

Ibinaba niya ang ulo niya at sinubukang halikan ang leeg ko, ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang kagatin siya sa balikat.

Napabitaw siya sa sakit ngunit bigla niya akong sinuntok sa sikmura ko sanhi upang manghina ako. Sinakal niya rin ako habang nagmamadaling tinanggal ang sinturon niya.

Bumagsak ang kamay ko sa kama at wala na akong nagawa kung hindi ilabas ang galit ko sa mahigpit na paghawak sa sapin ng kama gamit ang nakakuyom kong kamao.

Natanggal na ang sinturon niya, ibinaba niya na rin ang zipper niya at umambang hahalikan muli ako nang biglang may tumadyak sa pinto at bumukas ito.

Pagalit na lumingon ang taong nasa ibabaw ko at nagreklamo.

"Puny*ta, gusto niyo ba mamatay?" sambit niya habang inaabot ang baril sa maliit na lamesang nasa tabi ng kama.

Sa isang iglap ay nagulat na lang ko nang bumagsak siya sa akin. Itinulak naman siya nang lalaking pumasok para maalis siya sa ibabaw ko.

Dahan-dahan ko namang itinaas ang paningin ko upang masilayan ang taong nagligtas sa akin.

'Yung lalaki, 'yung lalaking nakabanggaan ko kanina ang taong humihila sa akin ngayon palabas sa kuwartong iyon.

Saglit kaming tumigil nang makasalubong namin si Rianne, tinanguan niya ang lalaki at may sinabi.

"Ako na ang bahala, huhubaran ko na lamang siya at tatabihan hanggang mag-umaga, sa sobrang kalasingan niya ay hindi na naman niya maaalala ang mukha mo," Binaling sakin ni Rianne ang tingin sa huling pangungusap na sinabi niya at nginitian ako.

Gulat naman akong napatingin sa kanya, ang tanging naintindihan ko lang ay ang magpapanggap siyang ako, isasakripisyo niya ba ang buhay niya para iligtas ako? Paano kung maalala niya ang itsura ko at makitang hindi naman ako si Rianne, baka saktan niya si Rianne.

Tila ba nabasa niya ang nasa isip ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at sinabing siya na ang bahala, huwag daw ako mag-alala.

Naiiyak naman akong tinignan siya bago ako hinila ng lalaki paalis sa lugar na yun.

Tinignan ko ang kamay ko, bagama't takot na takot ako sa nangyari ay hindi mapigilan ng puso ko ang maglulukso habang pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak.

Binitawan niya ang kamay ko nang medyo makalayo na kami sa kuwartong iyon, medyo malawak ang club at narito kami sa hallway ng mga kuwarto kung saan kami nanunuluyan.

Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa kanya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod-sunod niya namang tanong.

Hindi ako makapagsalita at napatitig lang sa kanyang mga mata na nag-aalala sa akin kahit na hindi pa naman kami magkakilala.

Nang hindi ako sumagot ay siya na mismo ang nag-check kung maayos ba ang kalagayan ko. Inayos niya ang bestida kong halos nakahubad na na nagulo kanina.

Napainda naman ako nang aksidente niyang masanggi ang braso ko, sabay naman naming tinignan iyon at nakita na nagkaron pala ako ng pasa.

Nararamdaman ko rin ang pananakit ng sikmura ko pati na ang ibang bahagi ng katawan ko pero hindi ko na iyon ipinahalata.

"P-patay na ba iyong lalaki? A-anong gagawin ni Rianne b-bat siya pumasok doon?" mahina at nauutal kong tanong nang maalala ang biglaang pagbagsak sa akin ng matandang pulis.

Pumasok din si Rianne doon at may mga sinabi sa kasama ko na hindi ko masyado maintindihan kanina.

Nanglaki naman ang mata ko nang makita kung ano ang hawak-hawak niya, isa itong injection na mukhang dart. Iyon marahil ang ginamit niya upang mapatumba ang pulis, pero bakit? Bakit niya ginawa iyon?

"Tranquilizer injection." sagot niya nang makita na tinitignan ko ang hawak niya. "Hindi pa patay iyong pulis, pansamantala lang siyang nakatulog at magigising siya bukas ng umaga. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari sa'yo dahil nabangga kita kaya naman ay pupunta ako sa kuwarto, nakita ko naman 'yung kaibigan mo na hindi mapakali sa labas ng kuwarto mo..." pagpapaliwanag niya sa nangyari.

Nakahinga naman ako maluwag na hindi pa patay iyong pulis kung sakali ay hindi ako matatahimik kung sakaling may namatay dahil sa'kin.

Magpapanggap naman si Rianne na ako at pagmumukhaing may nangyari sa kanila ng matandang pulis upang hindi ito magtaka na natutulog mag-isa sa kuwarto.

Tinignan ko naman ang lalaki, hindi lang pala siya magandang lalaki kung hindi ay maganda rin ang kalooban niya.

"Salamat," saad ko sa kanya.

Tinignan niya naman ako dahilan upang ang sakit sa sikmura ko ay napalitan ng ginhawa at parang may mga paru-parong nag-iikutan dito tulad sa mga nababasa kong pocket books.

Tinanguan niya ako at sinabihang magpahinga na ako bago tumalikod upang umalis.

Pumasok na ako sa kuwarto, at napasandal sa pinto habang hawak hawak ang puso kong sobrang lakas na pagkalabog.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon