012

58 29 20
                                    

Mag-iisang oras na kami rito ngunit wala pa ring nagsasalita. Napagpasyahan ko nang tumayo at bumalik sa loob ngunit napatigil ako ng hawakan niya ako sa kamay.

"Sandali, huwag mo 'ko iwan mag-isa rito..." sabi niya na parang bata na iiwan ng magulang sa playground.

Namumula-mula ang mukha niya dahil sa alak sapagkat may pagkamestiso siya. Humaharang ang buhok niya na nagulo na dahil siguro sa pagewang-gewang niyang lakad kanina.

Natawa naman ako ng kaunti.

"Ayan kasi, iinom-inom hindi naman pala kaya," pang-aasar ko sa kanya. Ngunit napatigil ako sa pagtawa nang makitang seryoso pa rin ang mukha niya.

"Hindi naman kasi ako mahilig maglasing," mahinang tugon niya "Gusto ko lang makalimot saglit."

Nagulat naman ako sa sinabi niya, ba't ba ginagawang pangkalimot ang alak? Eh nung masubukan ko iyon dahil kay Amanda minsan ay sobrang sakit lang naman ng ulo ang nakuha ko kinaumagahan. Ni hindi man lang ako nakalimot.

"'Pag may alak lang kasi ako nagkakaron ng lakas ng loob, saka lang ako nagiging matapang, saka ko lang nasasabi yung mga gusto ko sabihin." Paseryoso na ng paseryoso ang sinabi niya kaya nagdesisyon nalang huwag umimik.

Minsan kasi hindi naman kailangan ng tao ng mag-papayo, minsan kailangan lang ng may makikinig.

"Gustong gusto ko sabihin at ipaglaban ang hilig ko sa musika at sining pero," Hindi halata sa kanya  na mahilig siya magpinta ngunit halata naman sa mukha niya na kumakanta siya, mukha nga siyang kasali sa banda eh.

"Pero?" tanong ko dahil wala namang masama sa gusto niyang tahaking landas.

"Hindi ko kayang suwayin ang magulang ko, kahit kailan."

                              🍷🍷🍷

Excited ako na mag-gabi upang magbukas na ang club at makita ko ulit si--

Teka!

Ni hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Pinigilan ko ang sarili ko sa urge ko na sabunutan ang sarili ko.

Nagagaya na rin ako sa pagka-slang at conyo ni Amanda.

Kilig na kilig ako kahit na ni hindi ko pa alam ang pangalan niya pa'no ba naman kasi kagabi.

Sinimulan kong mag-lagay ng pulang lipstick habang nakangiting inalala ang sunod na mga nangyari kagabi.

"Pero?" tanong ko dahil wala namang masama sa gusto niyang tahaking landas.

"Hindi ko kayang suwayin ang magulang ko, kahit kailan" mahinang sambit niya.

Tatanungin ko pa sana siya kung ano ang ibig sabihin niya sa sinabi niya sapagkat hindi ko masyado maintindihan dahil sa hina ng kanyang boses.

Nilingon ko siya ngunit kasabay ng paglingon ko ay ang pagbagsak ng ulo niya sa balikat ko.

Nakatulog ba siya habang kausap ako? Nakakaantok ba ako kausap o lasing lang siya?

Bahagya ko siyang pinagmasdan mula sa puwesto ko. Bagama't medyo amoy alak ay naamoy ko pa rin ang kakaibang bango niya. Napapikit ako habang inaamoy ang halimuyak nito.

Tumagal ata kami ng sunod pang trenta minutos bago ko siya gisingin dahil tiyak sasama na naman ang tingin ng mga kasama kong waitress kung malaman nilang tinakasan ko ang trabaho para lumabas.

Napapitlag ako ng biglang may bumulong sa likod ng tenga ko.

"Ayan na ang reyna ng mga asang asa.  Huwag ka masyado umasa dun sa crush mo malay mo may nobya na yun," pang-iinis sa akin ni Amanda.

Maganda ang ayos niya ngayon na hindi na ako nagugulat dahil likas naman siyang maganda araw-araw.

Kung si Rianne ang nagsisilbing ate ko dahil sa pagiging maalagain niya at panenermon sa'kin tuwing may gagawin akong makakapagpahamak sakin sa club ay si Amanda naman ang para kong nakakabatang kapatid.

Nung una ay lagi akong pinupuri, pero ngayong nagiging mas malapit na kami sa isa't isa ay lagi na akong inaasar at diretso na siya kung magsalita ng mga gusto niyang sabihin. Prangka kung prangka.

Real talk. Iyan ang tawag niya tuwing pinaprangka niya ako.

'Di ko alam kung san niya napupulot ang mga iyon pero dahil na rin sa pagiging palakaibigan niya ay marami kaming napagchichismisan tuwing may bakanteng oras.

               🍷🍷🍷

Sabay kaming lumabas ngunit nauna na siya nang hiramin ako ni Rianne upang kausapin.

"Malapit ka nang mag-dalawang buwan, ihanda mo na ang sarili mo. Nakikita mo naman ang ginagawa nila Amanda diba? Papayag ka lang na magpaakbay at sumang-ayon ka lang sa mga sasabihin sayo. Kung sakaling hindi ka komportable ay dahan-dahan mo lang tanggalin ang kamay niya ng hindi niya napapansin." payo niya. Ramdam ko ang pag-aalala ni Rianne sa akin.

Di man kami madalas mag usap dahil madalas siyang nag-eensayo sa performance ay hindi siya nagkulang sa pagpaparamdam sakin na hindi ako mag-isa.

Hinawakan niya ang kamay ko at marinig ko ang pinakailangan kong marinig na nagbibigay lakas tuwing nasusuklam ako sa sarili ko dahil sa mga pangyayari rito tulad ng panghihipo at pambabastos sa amin dito.

"Kailangan mo magtagal dito, kailangan mo makuha ang tiwala nila na hindi ka tatakas nang sa gayon ay payagan ka nila na mabisita ang bayan ng Skellington at masilayan muli ang lola mo." pagpapatuloy niya bago ako inalalayan at sabay kaming tumungo sa club.

Sa dami ng iniisip ko, sa dami ng nangyayari rito ay pilit ko pa rin kinakalimutan ang nangyari kay lolo at Tristan. Hindi madali ngunit sinusubukan kong kayanin. Kakayanin ko para sa lola ko at para mapatunayan ko sa mga Abernathy na maling tao ang sinaktan nila.

Dinadaan ko na lamang sa mga kwento ni Amanda at pasulyap-sulyap sa tagapagligtas ko ang lungkot na nararamdaman ko.

Nakangiti akong pumasok na may hawak na papel at ballpen. Sinimulan ko ng kumuha ng order habang pasimple ko siyang hinahanap.

Ngunit sayang lang ang pag-aayos ko ngayon at paglalagay ng tamang blush on sapagkat ang hinihintay kong tao ay hindi ko nasilayan ngayong gabi.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon