008

79 36 11
                                    

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, na may pagtatanong sa mga mata.

"Sige, umalis ka rito kung gusto mong ikaw ang maging dahilan ng pagkakaron ng bala sa ulo ng lola mo," nanghahamon na saad sa akin ni Madam Mercedes.

Paano niya nalaman iyon? Ikwinento ba lahat nung mga kasama ko ang buong buhay ko na para bang kilalang kilala na ako ni Madam Mercedes kung magsalita siya.

Kinuyom ko ang palad ko at dahan-dahang bumaba sa kama ni Rianne. Dahan-dahan akong umupo roon at nakinig sa mga sinasabi niya.

"Magsisilbi ka muna sa club pansamantala habang hindi ka pa natuturuan ng maayos. Matapos ang ilang buwan ay tuturuan ka ng sumayaw sa stage at papaupahan na rin kita tuwing gabi." dire-diretso niyang sabi na para bang ang simple simple ng pinapagawa niya. Hindi ko maintindihan ang mga tao rito, bakit?

Napakadali sa kanila gawin ang mga ito dahil hindi sila makukulong? Hindi ba may batas para rito. Human trafficking, force labor at marami pang iba.

Wala akong naimik hanggang mamalayan ko na lang na nakalabas na siya.

Dinaluhan naman ako ni Rianne, sinubukan niya akong pakalmahin gamit ang ilang mga mabuting karanasan niya rito sa kabila ng lahat ngunit hindi ito pumapasok sa tenga ko. Nananatiling lumilipad ang isipan ko sa lolo ko, lola ko, sa pag-aaral ko, at kung buhay pa ba si Tristan.

Sinubukan akong pakainin ni Rianne ngunit wala akong ganang kumain ng kahit ano. Humiga lang ako sa kama at buong gabing umiyak sa pagpanaw ni Lolo at sa pag-alaala ng mga nangyari kanina na maaaring wala na ring buhay ang nag-iisang bestfriend ko.

🍷🍷🍷

Napangiwi ako nang hagisan ako ng damit ng isang babae na tinatawag nilang si Ruby, ilang beses ko na rin siyang nakita na kasama ni Madam Mercedes 'pag pumupunta rito sa kwarto namin ni Rianne.

Wala ngayon si Rianne sapagkat may duty siya ngayon. Dalawang araw na ako nagmumukmok sa kwarto na ito. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kaya hindi ako bumabangon sa kama at buong araw lang umiiyak. Tulog lang ang pahinga ko sa pag-iyak.

Nagpapasalamat naman ako na pinabayaan muna nila ako at hindi pinipilit na magsilbi na agad sa club.

Ngunit tapos na ang mga araw na 'yun, personal na akong pinuntahan ni Ruby at hinatiran ng damit upang makapagsimula na ako ngayong gabi.

Napansin ko rin na may mga kasama siyang mga lalaking may baril sa likod niya.

"Ano? 'Di ka ba tatayo dyan? O gusto mong kami pa ang sumubo sayo at magsungalngal ng kutsara, papaliguan ka na rin ng mga kasama ko at bibihisan kung payag ka," mapangutya niyang saad na may kasama pang sarkastikong tawa.

Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa damit na inabot niya at saka tinitigan ito. Katulad 'to ng mga suot nila. Manipis ang strap ng bistida at labis itong kumikintab sa pula nitong kulay.

"S-saan ang banyo?" mahina kong tugon.

Itinuro niya naman ito, umalis na ang mga kasama niyang lalaki. Binilinan niya ako na bumalik sa kwarto at aayusan niya pa raw ako.

Nang maisara ko ng maliit na banyo ay agad akong napaupo sa sahig at umiyak muli ng umiyak. Hindi ko alam kung gaano karami na ang nailuha ko. Nakakaramdam na ako ng matinding pagkauhaw at pagkagutom matapos ang dalawang araw.

Pinilit ko tapusin ang pagligo ko kahit nahihirapan na ako gumalaw, umiikot na ang paligid ko dahil sa matinding pagkahilo.

Gamit ang natitirang lakas ay nakabalik ako sa kwarto. Agad akong natakam ng makita ang iba't ibang klase ng pagkain na nakahain sa maliit na lamesang ipinasok ata nila rito kasama ang pagkain.

Nagmamadali akong lumapit at humanap ng kutsara. Natagpuan ko ito sa kamay ni Ruby. Sa kabilang kamay niya at papel at ballpen.

Tinignan ko siya ng may pagtataka at pagmamakaawang pakainin na ako. Nararamdaman kong anumang oras ay masusuka na ako sa gutom.

Nginisian niya lang ako na ikinagulat ko.

"Sayo na lahat ang pagkain dyan, pirmahan mo lamang ang kontratang ito para sa trabaho natin, upang kung sakaling may mga mag-imbistiga ay malalaman nila na kusa kang pumayag sa trabaho,"

May sinasabi siya ngunit hilong hilo na ako para intindihin iyon, napahawak ako sa pader upang alalayan ako at saka unti-unting napaupo.

Nanlalabo na ang mata ko nang makita ko si Ruby na papalapit sa akin dala ang papel, ballpen at kutsara.

Iniaabot ko ang kutsara ngunit inilayo niya iyon. Inilagay niya ang ballpen kamay ko at ginabayan ito patungo sa papel kung saan kailangan ko raw pumirma.

Agad ko na lang itong pinirmahan sa sobrang gutom. Ibinigay niya ang kutsara at inilapit sa'kin ang isang plato ng may iba't ibang pagkain. Kinain ko naman iyon ng buong puso kahit halos mabilaukan na ako.

🍷🍷🍷

Pinagmasdan ko ang pagbabago sa aking itsura. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Naka-wave ang aking mahabang buhok. Makapal at may matulis na arko ang aking kilay, mahaba ang mga nakataas kong pilikmata. Pulang pula ang aking mga labi at bahagyang tumangos ang aking ilong kasabay ng pagpayat ng aking matambok na pisngi.

Ilang beses na ako nakapag-make up tuwing recognition at graduation. Ngunit hindi ganito kakapal. Inaamin kong mas gumanda ang itsura ko ngayon ngunit ang ganitong ayos ay nakikita ko lang sa JS Prom ng mga 3rd year at 4th year highschool.

Samantalang dito ay mukhang gabi gabi sila naka-make up. Dapat na ba akong masanay sa ganitong pamumuhay?

"Tama! Ayan perfect na!" malambing na saad ni Amanda matapos mapagmasdan ang ayos ko.

Mag-aalas siyete na ng gabi ngunit tila ngayon palang magsisimula ang trabaho namin.

Kanina pa ngumingiti sa akin si Amanda na parang gusto akong purihin ngunit nakatitig ng masama si Ruby at ang isa pa nilang kasama na si Clary kaya tahimik na lang din akong inayusan ni Amanda.

Ngayon lang siya nagkaron ng pagkakataon nang ipatawag si Ruby at mag-banyo si Clary.

Matapos kong kumain at mag-sipilyo ay inayusan na ako ni Ruby at ng dalawang kasama niya pa na si Clary at Amanda.

Lahat sila ay magaganda ngunit na nangingibabaw si Ruby dahil rin siguro na siya ang pinakamaputi, yun din daw ang dahilan kung bakit mukhang mataas na ang posisyon ni Ruby dahil sa ganda niya ay maraming naghahanap sa kanyang customer at siya pa ang may pinakamalaking tip palagi. 'Yan ang kwento sakin ni Amanda.

Madaldal at malambing na tao si Amanda, kakarating niya lang din dito dalawang buwan na ang nakakaraan kaya nag a-adjust pa rin siya. Ngunit dahil sa pagiging likas niyang pagiging palakaibigan ay marami na agad siyang alam sa sistema sa club na ito at sa mga kasama niya.

"Take things slowly lang girl, 'wag kang mapressure. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-serve muna ng drinks. Hindi ka pa naman pwede ikwarto dahil bago ka palang, maliban kung may matipuhan ka ng makakapangyarihan na tao, hindi ka dapat mapansin masyado para hindi ka mapahamak, okay?"

Nasasanay-sanay na rin siya mag english sapagkat marami raw foreigner na pumupunta rito. Na-appreciate ko naman ang payo niya, kaya sinigurado kong tandaan ang mga sinabi niya.

Buti na lang ay may mabubuting tao pa rin na nakakasama ko sa kabila ng masamang sitwasyon ko. Tinanguan lang ako nung tao sa kusina bago itinuro yung i-se-serve ko.

Hinawakan ko ang tray na may yelo at dalawang bote ng red horse at saka taas noong naglakad sa lamesa na itinuro nito.

Patungo... Sa panibagong yugto ng buhay ko.

Behind The Poles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon