03

4.6K 183 63
                                    

Kabanata 3

"Bakit ganyan ka makatingin? Tusukin ko yang mata mo eh. Psh, old man." pabulong na sambit ang sinabi ko sa huli.

Kita ko ang pilyo niyang ngiti habang nakatingin sa akin.

Dito pa talaga kami sa gitna ng madaming tao nag-babangayan.

"Sadistic ka ba, Muriel? Ang bilis uminit ng ulo mo..." he said, giggling. "You know, I like that attitude of yours. It's kinda amazed me."

Kumindat pa ito.

Natigilan ako sa sinabi niya. I feel weird, okay? Hindi ko alam kung ano 'yon pero bakit parang may parte sa'kin na gusto ko ang sinabi niya?

I shook my head erasing those thoughts.

Umirap ako at tumalikod. Wala akong panahon para makipag-usap sa kanya. At tsaka kailangan ko ng umuwi. Nangangati ang kamay ko sa pagguhit.

"Uy!" a hand grabbed my left arm, I turn my head to see that fucking face again.

Hindi niya ba talaga ako titigilan? Araw-araw ko na lang ba siya makikita at uuwi ng mainit ang ulo dahil sa kanya?

"What?"

He sighed. "C-Can you—"

"Phone number? No." I cut his words flinching my arm to him. "Alam mo, Ryker. Hindi ako katulad ng mga babae dito na madali lang makuha, na isang tanong lang bigay agad. Duh, isa din akong dalagang filipina. Limitations are at the finest. Jerk!" I said and rolled my eyes.

He bit his lower lip then he burst out a laugh. Napahawak pa nga siya sa tiyan nito.

Nilingon ko ang mga tao na pinag-titinginan kami.

Binatukan ko ito kaya tumigil siya.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" I raised my left eyebrow, ready to give him a middle finger.

Umiling siya. Kinagat muna ang pang-ibabang labi niya para pigilan ang pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Damn, baby! Tatanungin lang naman sana kita kung gusto mo ako samahan kumain." humalakhak ito.

My lips parted. I felt embarrassed. First-time kong mahiya kaya iniwas ko ang tingin sa kanya at tiningnan ang madaming tao.

Dinig ko pa rin ang tawa niya.

Hindi naman mali ginagawa ko, ah. Naninigurado lang naman. Assuming na kung assuming, pakialam ko.

"At bakit naman ako sasama sa'yo. Baka ano pang gawin mo sa'kin."

"Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa'kin? I'm just being friendly to you."

"Friendly, your ass." I make face to him.

Mas lalo pa 'ata siya natuwa sa ginawa ko. I pursed my lips and looked away from his gaze. Actually, nagugutom na talaga ako. Pupunta na dapat ako sa Smorgasburg Food Stall para doon na kumain.

Ryker licked his lips and he took something in his pocket.

"Here..." inabot niya sa akin ang residence I.D niya at ang cellphone nito.

Tiningnan ko lang iyon.

"Kapag may ginawa akong masama sa'yo ibigay mo ito sa mga police. Kakapalan ko na talaga mukha ko kasi gusto ko may kasama kapag kakain ako sa labas." he said urging me to hold his cellphone and I.D.

Tiningnan ko siya. Wala akong makita na kahit anong pilyo sa mga mata niya. He's serious about this. Umarko pa ang kilay niya, naghihintay sa gagawin ko.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon