27

2.5K 86 5
                                    

Kabanata 27

"Hayop ka!"

Hinayaan ko si Matha na salubungin ng walang-sawang sampal si Rikki. Nakagapos ang kaniyang kamay kaya tangin yuko lang ng ulo ang nagagawa niya. May dalawang pulis na hawak ang kaniyang braso.

Nagkatinginan kami ni Julie at ngumisi.

"Fuck you! Rikki! Fuck you! Masunog sana 'yang katawan mo sa impyerno!" she slapped both cheeks of Rikki. "I'll never forgive you, asshole.  Sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mong kababuyan sa'kin." Aniya.

Apat na araw ang ginugol namin sa paghahanap kay Rikki. Mabuti na lang ay nahanap ni Ryker ang location niya gamit ang GPS, dahil sa may contact number siya ni Rikki. May balak kasi ang hinayupak na tumakas at pupuntang San Diego.

Sinalubong ng mga pulis ang kaniyang sasakyan kaya nahuli siya. Kaagad kaming pumunta sa prisinto nang mapag-alaman 'yon.

Ang mga pulis na ang nagpatigil kay Matha, kaya hinawakan ko na ang balikat niya pero bigla itong nawalan ng malay. Inalalayan ko ang katawan niya gamit ang aking braso.

"Matha!" sigaw ko. "Call an ambulance!"

Naaawa na ako para sa pinsan ko. Hindi siya nakakatulog ng maayos, bihira lang kumain na sobrang kaunti ng kinakain niya, minsan pa nga ay tubig lang ang kanyang iniinom. Palagi siyang binabangungot kaya tinatabihan ko na lang siya sa pagtulog para mabantayan.

At ngayon hindi na nakayanan ng katawan niya.

Kaagad siyang dinala sa hospital. Habang hinihintay ang paglabas ng doctor ay pabalik-balik ang aking lakad sa labas ng kaniyang kwarto. Si Julie ay nanatiling nakaupo at mahinang umiiyak.

Nang marinig ang pagbukas ng pintuan ay sinalubong ko ang doctor.

"Doc, is she okay?"

Tumango siya. "Yes. She only needs to take a good rest and eat some more healthy fruits. And I saw some bruises to her stomach," may binigay itong maliit na papel na aking tinanggap. "I wrote there the creams and medication pills to her bruises."

Ngumiti ako at nagpasalamat.

"Dito ka muna, ah, bibilhin ko lang 'yung nireseta ng doctor." I said to Julie. Hinintay ko muna siya makapasok bago ako umalis papuntang baba sa Drug Store.

My phone vibrated.

From: Ryker

Where are you?

To: Ryker

  Dignity Health Hospital.

From: Ryker

I'm on my way.

Hindi na ako nag-reply. Binigay ko sa pharmacist ang papel. Nilabas ko ang aking wallet. Nagbayad na din ako nang makuha ang gamot. Sakto na pagharap ko ay nakita ko si Ryker sa entrance na habol-habol ang hininga.

I waved my hand to him, he saw me.

Naglakad ito palapit sa'kin and I felt his strong arms wrapped around my body, giving me a sweet hug.

"Hi, baby." Aniya. Hinalikan nito ang aking noo bago ako tinitigan. "You look tired and pale...Magpahinga ka muna." marahan niyang sambit.

Umiling ako. "Ayos lang ako." Tinaas ko ang dala. "Bumili lang ako ng gamot para kay Matha."

Isang beses niya lang 'yon tiningnan at bumalik muli sa'kin. Hinawi nito ang buhok na nakakalat sa aking pisngi na hindi ko alam. Inipit niya 'yon sa likod ng aking tainga. At mabilis na hinalikan ang aking labi.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon