Kabanata 18
He's jealous? Tiningnan ko siya gamit ang nanlalaking-mata. Hindi makapaniwala na sasabihin niya sa'kin na nagseselos siya kay Dexter. Ang mga mata niya ay naging malikot at mahinang tumawa.
"As soon as I see a guy getting close to you, I get jealous." He said poking his cheeks using his tongue inside.
"But Ryk—"
"I'm afraid someone is going to make you happier than I do..."
Tumahimik ako. Ang tanging ginagawa lang namin ay ang tumitig sa mata ng bawat isa. Tumalikod siya at sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
"Fuck, this is so embarassing..." He mumbles in the air.
A smile crept into my lips.
Unang beses kong makita ang isang lalaki na magselos, hindi ko alam na ganito pala ka-cute magselos ang mga lalaki. Parang gusto ko tuloy siya pagselosin araw-araw.
Nah, that's a bad idea.
"Wala ka naman dapat ikaselos. Kakausapin lang ako ni Sir Dexter pero dumatin ka kaya hindi na niya nasabi yung sasabihin niya sa'kin. Para ngang may problema siya eh, malay mo makatulong ako."
"It's, not a problem, Muriel."
"Huh?"
"Sa unang tingin ko pa lang sa lalaking 'yon may gusto siya sa'yo, at baka 'yon ang sasabihin niya kanina." and he tsked. "Buti na lang talaga dumating ako..."
Umiling ako. "Ryker, impossible ang sinasabi mo."
His brows wrinkled.
"Possible 'yon, Muriel. Hindi ka naman mahirap magustuhan eh. Kaya nga natatakot ako na baka mas better pa siya sa'kin at piliin mo siya." aniya sa mababang tono at umiwas ng tingin.
Wow! Ang drama naman ng lalaki na ito.
Kahit na may mas better sayo, Ryker. Ikaw ang pipiliin ko.
Lumapit ako sa kanya at pinitik ang noo nito. "Hindi bagay sa'yo ang pagiging madrama." tinarayan ko siya pero ang ngiti sa aking labi ay hindi mawala.
He holds my hand and we walked towards the parking lot of a neighbor building in Getty Center. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya, tiningnan ako na kailangan kong pumasok sa loob.
I gave him my confused look. "Saan tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot. Nginitian lang ako nito at sumisipol pa. Tinarayan ko muna siya bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Umikot ito sa kabila at pumasok na din.
"Hey! Where are we going?" I asked, again.
Imbis na sagutin niya ako ay kumanta pa ito.
"C'mon vamanos, everybody let's go...Come on let's get d—Aray ko!"
Gigil kong piningot ang kaniyang kanang tainga. "Nagtatanong ako ng maayos. Sagutin mo rin ng maayos, ah." I said while gritting my teeth.
He laughs.
"Makikita mo din naman."
"Siguraduhin mo lang na wala kang binabalak na masama sa'kin. Tatanggalan kita ng balat."
"Saan balat ba?" He smirked.
What? Hinayaan ko na lang siya at tumingin sa kalsada. Sa peripheral vision ko ay sinisilip niya ako. Nililingon ko siya at palaging irap lang ang balik ko.
Mukhang malayo na itong dinadaanan namin.
"Hoy! Ilang oras na tayong bumabyahe. Saan ba kasi tayo pupu—" Natigil ko ang aking pagsasalita nang makita ang karatula sa harapan ko at ang sobrang dami ng tao. Karamihan ay bata kasama ang kanilang mga pamilya.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...