Warning: R-18
Kabanata 32
"Close your eyes."
Tinaasan ko muna siya ng kilay bago sinunod ang utos niya. Nasa tapat na kami ng kwarto niya. I heard the turning sound of a doorknob, small creaking noise coming to his door. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, marahan na hinila papasok sa kaniyang kwarto.
At lumipat ang kaniyang kamay sa balikat ko. Pinaharap ako kung saan, doon tumigil.
"Pwede na?" I asked, still closing my eyes. Gusto ko sana sumilip kahit kaunti pero gusto ko rin masurpresa kung ano ba 'yung ipapakita niya na maganda daw.
"Just a second, baby." aniya.
Naghintay ako ng ilang segundo tapos ay naramdaman ko muli siya sa likod ko. I flinched when he wrapped his arms around my waist and put his chin on my shoulder.
"You can now open your eyes." He whispers.
Dahan-dahan ko itong binuksan at nanlaki ang aking mata sa nakita.
A baby Siberian Husky!
"OMG!" I screamed because of a enjoyment and turned my body to Ryker and give him a tight hug. "Thank you! Thank you so much!!"
Matagal kong pinapangarap na bumili ng Siberian Husky kaso ayaw naman nila Mama't Papa na mag-alaga non sa bahay dahil sa may asthma si Mama. Takot naman sina Julie sa aso kaya hindi ko magawang bumili.Humiwalay ako sa yakap at patakbo na nilapitan ang puppy. Halata parang sa hitsura nito na lalaki dahil sa malalaking paws and the shape of his face. This Siberian Husky is a gray one and blue-eyed wolf. He's so very cute and adorable. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama at gumagalaw ang maliit na buntot.
I caressed his head and kissed it. "Hi, little one. It's nice to meet you." bulong ko at hinalikan ulit ang ulo niya. Natawa ako ng ipinatong niya ang maliit na kamay sa aking mukha and he uttered a bark, even that is so cute.
Binuhat ko siya, ako naman ay umupo sa paanan ng kama at ipinatong ko siya sa aking hita. Hinihimas ang kaniyang mga likuran. Sa tuwing dumadapo ang aking kamay sa bandang pwitan niya ay napapalingon ito.
I giggled.
"You liked it?" Umangat ang tingin ko kay Ryker na umupo sa aking tabi at hinimas din ang ulo ng aso.
I smiled so sweetly at him. "I loved it, baby! Grabe, matagal ko na talaga itong pangarap na bilhin. Thank you so much." I reached to his lips and gave a peck on him.
"Glad to hear." Aniya.
Pinanggigilan ko ang kamay't paa ng aso, binubuhat ko pa sa ere.
"Did he have a name?" I looked at Ryker.
"No. Ikaw, anong gusto mong ipangalan?"
"S-Sa akin na talaga ito?"
He nodded. "Yes. Dapat nga ay sa birthday ko ibibigay 'yan kaso kinailangan ko pa siyang ipa-check up sa veterinarian kasi ang tamlay niya at hindi kumakain. Kaya nag-stay ng ilang araw sa vet."
"Matagal na siyang nandito?"
"Four weeks na."
"How old is he?"
"6 weeks old."
Oh, baby pa nga talaga. Tumayo ako habang nakatihaya siya sa mga braso ko. I gently tapped his tummy, I know baby puppy's loved this gesture. "His name is Riel." Then, I drifted my attention to Ryker.
Muriel x Ryker = Riel
I caught him watching me with his index finger pressed softly against his bottom lip and eyes so soft, full of mixed emotions. No one ever looked at me like that the way he does.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...