Kabanata 16
Habang wala si Ryker ay naglibot muna ako sa office niya. Pumunta ako sa executive office wooden desk nito. Umupo ako sa swivel chair at tiningnan ang mga gamit niya. Makalat ang mga rolled-up blueprints, may mga papel din na patong-patong sa kabilang gilid.
I arranged it and set it in order.
Gusto ko lang ayusin ang desk. Naisip na baka wala siyang oras para i-arrange ang lahat na 'to dahil sa sandamakmak niyang projects and meetings.
Ngumiti ako nang makitang malinis na 'yon. Pinagsiklop ko ang aking kamay sa ibaba ng desk at tumingin-tingin pa sa paligid. May iilang bible verse ang nakadikit sa dingding nito, mga natapos nilang projects and designs.
I glanced down at my hand and play my fingers while waiting for him. Kinuha ang aking cellphone sa purse bag ko para abalahin muna ang sarili. Nang mapaangat ang tingin ay may nakita ako sa desk nito na dalawang frame.
Iyong isa ay kasama niya ang kanyang pamilya. Kinuha ko 'yon at pinagkatitigan. His family are so beautiful. Parang graduation 'ata ito ni Ryker sa pagtatapos niya sa course ng architect. Ang features ng mukha ni Ryker ay nakuha niya sa kanyang ama, para silang dinaan sa xerox copy. Ang kuya nito na katabi niya at naka-akbay sa kanya ay para bang may edad na rin talaga siguro lima o pitong taon 'ata ang agwat nila. Iyong dalawang babae hula ko ay nasa mga kinse-anyos pa lang sila dito o mas bata pa. Ang gaganda nila pero ang napansin ko ang magulang nito.
They're not smiling.
Naalala ko ang sinabi niya na hindi niya ramdam o close ang Mama't Papa niya dahil nga sa pag-alis niya para lang matupad ang pangarap 'yon ang naging bunga.
Sa isang frame naman ay siya lang mag-isa. Ito yung suot niya na nakita ko kasama ang nanay ni Samantha.
Ang gandang lalaki niya talaga.
Binuksan ko ang camera ng cellphone and I snap the picture of him.
Pang-wallpaper lang.
Binalik ko ang mga frame sa kanilang mga pwesto. Nilihis ko patalikod ang swivel chair para makita ang magandang tanawin sa labas. I reclined my back to have a good sight-seeing and parted my legs.
Feel at office muna tayo.
I let out a deep sigh staring in front. Nakakaaantok ang tahimik na huni ng aircon para ba akong hinehele. Pakurap-kurap na ang aking mata. I yawned.
Oh, shit. Hindi ako pwedeng matulog dito. Nakakahiya kay Ryker.
I tapped both of my cheeks trying to wake up my energy and mind. I also did a head-bang to remove my sleepiness. Nang mapagod ay pinahinga ko ang aking ulo sa headrest ng swivel chair.
But, it's useless. I'm feeling sleepy.
Hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil nga sa pag-uusap namin ni Ryker through video call. Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi niya lalo na ang hitsura niya.
Urgh, nababaliw na ako.
Hanggang sa di ko namalayan dahan-dahan sumarado ang aking mata at nakatulog.
"Baby..." a soft voice whispers to my ears. Gumalaw lang ako ng kaunti. Naramdaman ko ang mainit na hininga na tumatama sa aking labi kaya nagising ako do'n pero nanatiling nakasarado ang aking mata.
I want to taste his lips.
At kailan pa ako naging marupok?!
"I know you're already awake. Hahalikan talaga kita kahit na may bisita." He chuckled.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...