Kabanata 26
Ryker held my hand. "Baby, calm down. Kaunting hintay na lang." aniya. Hinalikan nito ang aking noo at mahigpit na niyakap. Nang makuha nito ang luggage namin ay mabilis kaming naglakad papunta boarding bridge.
Madaling araw na pero hindi ako nakaramdam ng antok at dahil 'yon sa binalita ni Julie tungkol kay Matha.
Nauuna ako sa paglalakad na para ko nang hinihila si Ryker. Gusto ko na talaga makauwi, madamayan ang mga pinsan ko lalo na si Matha.
Kahit na iniinis nila ako, makulit sila, immature 'yung mga pag-iisip okay lang sa'kin 'yon pero pagdating sa ganito na nagka-problema sila hinding-hindi ko papalagpasin 'to.
Nilingon ko si Ryker. "Dalian na natin, gust—" hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa may nakabanggaan ako. Nang lumingon ako ay nakita ang isang babae.
"Oh, sorry!" A woman said. Nahulog pa ang kaniyang passport kaya yumuko ako at kinuha 'yon, nilahad sa kaniya.
"Sorry, Miss." ani ko. Kinuha niya ang passport at ngumiti. Matangkad siya, ash gray ang kulay ng buhok, maputi at para bang sa unang tingin mo sa kaniya ay isang model. I envy her height and beauty.
Maganda din naman ako, kaso mas maganda ang babaeng nasa harap ko.
"Rosalia!"
Nalihis ko ang tingin sa likuran nito. Dalawang babae ang tumakbo palapit sa kaniya. "Bakit ka ba nagmamadali? Mamaya pa ang flight natin!" reklamo nung isa na may blonde hair. They have the same height and the complex of their skin, too.
The woman named Rosalia just gave them a look and her eyes drifted on me and smiled. Ang mata nito ay dumako sa katabi ko, Ryker.
"You look good together." She said.
Nagkatinginan kami ni Ryker, mahigpit kong hinawakan ang pulsuhan niya. His brows furrowed and I raised a brow. Ngumisi lang siya at tumingin sa harapan.
"Thank you," Ryker said. "Please, excuse us. We're in a hurried flight." Aniya.
Rosalia gasped, nod her head. "Oh! I'm sorry!" tiningnan niya ako. "It was my fault for bumping you, hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan, eh. Sorry, again."
"It's okay. We have to go, bye." I said and waved a hand to them. The two girls also waved their hands having their sweet smiles on their lips.
Dahil 11 hours na naman biyahe namin pabalik sa California. Sa labas pa lang ng airport ay nakita ko ang kotse ni Ryker, si Mr. Will ay nando'n din naghihintay sa aming pagdating. Binuksan niya ang shotgun seat kaya pumasok ako, si Ryker ay nasa driver seat na. Ang mga bagahe namin ay si Mr. Will ang nagdala at nilagay ito sa aming likuran.
He gave a nod to Ryker. Then, the engine started.
Siguro sa ibang kotse na naman siya sasakay.
Nag-message na rin ako kay Julie na malapit na ako. Mga trenta-minutos lang ang hihintayin ko para marating ang SMCH, tatakbuhin ko na lang kapag nando'n na kami papuntang bahay.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nang maramdaman ko ang isang mainit na kamay na dumapo sa aking hita ay bumaba ang aking do'n.
I looked at Ryker.
"Take a breathe, baby. Everything will be fine. Walang magagawa ang pagpa-panic mo. Just relax, malapit na tayo." He said.
I nodded and hold his hand, trying to make me calm a bit. And, it did.
Patakbo kong tinungo ang pintuan ng aming bahay nang makarating na kami. Sa pagbukas ko pa lang ng pintuan ay nakita ko si Julie na nasa kusina na naghuhugas ng plato, napalingon ito at binitawan ang plato at tumakbo sa'kin, mahigpit akong niyakap at humagulgol ito.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...