Kabanata 33
Ang mga mata ng kaniyang magulang ay nanatili sa'kin. Tiningnan pa ako pababa na para bang may mali sa'kin pero 'di kalaunan ay ngumiti sila and their eyes went to Ryker.
His mother kissed both of his cheeks.
Halatang peke 'yung ngiti.
"Oh, hijo, bawal na ba kaming bumisita sa'yo?" Ryker's mom said. "Lana, wants to see you too." Lumapit ang babae kay Ryker at aamba sana ng yakap pero umatras si Ryker at hinawakan ang beywang ko.
The three of them looked down to the one arm of Ryker wrapped to my waist. Tumaas ang kilay ng ginang nang umangat ang tingin niya sa akin. The man...the father of Ryker remained his serious face. He looks so dangerous,.powerful and the menacing of his presence makes my knees trembled. And the girl is looking at me with her pursed lips.
Maybe, she hates me. Sa unang tingin pa lang ay hindi na ako mapalagay sa mga tingin niya.
Maganda naman siya. She has tanned skin, narrow but not pointy nose, there's a small mole on the right side of her lips. Her full and pouty reddish lips, fleek cheeks that don't need to be contoured, her hair is straight and blonde. She's beautiful.
Pero mas maganda ako.
"Hindi mo ba kami papasukin?" anang ng babae. Hinawi pa ang buhok at pinag-krus ang braso sa kanyang dibdib at umirap pa.
I raised a brow to her. Kung makaasta siya. Bakit niya ba pinapangunahan si Ryker kung papapasukin ba sila o hindi? Kung akin lang ang bahay na 'to tapos dumating sila, isasarado ko kaagad ang pinto.
Wala naman silang dalang maleta. Ang dalawang babae ay shoulder bag lang ang kanilang hawak. Kaya baka hindi rin sila magtatagal dito.
"Come in," Ryker said. Gumilid kami para makapasok sila. We looked at each other. He also looks confused but he reached for my lips and whispers.
"Stay by my side, okay? I'll handle this. I love you." I nodded. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming pumunta sa may sala. Umupo na ang tatlo habang kami naman ay nakatayo.
"Do you want something?" ani Ryker.
Her Mom answered. "I want a fresh pineapple juice. You, Lana, do you want to drink something?"
"I'm okay with cold water. No ice please." Lana smiled and back again to her bitchy face.
Naramdaman ko ang pagbitaw sa'kin ni Ryker pero hinawakan ko muli ang kamay niya.
"Ako na lang. Mas kailangan ka nila rito. Baka may pag-uusapan kayo na importante." I said.
"No, Ako na."
"Ako na." binigyan ko siya ng ngiti at tumalikod para pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tatlong baso at binuksan ang refrigerator. Hindi ko naririnig ang kanilang pag-uusap. Lumingon ako at nakitang umupo si Ryker sa tabi ng kaniyang ina. Ang ama niya ay kaharap niya lumipat si Lana para tumabi kay Ryker.
Mariin kong hinawakan ang pitchel. Nagsalin ako ng tubig pero nagulat ako ng may umagaw. Si Nay Nita lang pala.
"Ako na dito, hija. Sige na bumalik ka na sa sala." aniya.
Umiling ako. "Ayoko naman pong makisawsaw sa usapang pamilya nila, Nay. Dito na lang po ako at hihintayin ko na lang po 'yan matapos saka na ako pupunta ro'n."
Tumango-tango ito.
"Yung sa mama po pala ni Ryker ay fresh pineapple juice daw po." sambit ko.
Tumingin ulit ako sa kanila. Mukhang seryoso ang pag-uusap nila. Unang beses kong nakita na gan'on kaseryoso ang titig ni Ryker. Matalim ang kaniyang mata at umiigting ang panga habang nag-uusap sila ng kaniyang ama. Ang babae ay tumingin banda rito. Nang magtama ang aming tingin ay tumaas ang kilay niya. Tinarayan pa ako.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...