07

3.6K 130 14
                                    

Kabanata 7

Isang linggo akong nanatili sa bahay. Gumagawa ng iba't-ibang uri ng paintings at drawings. Sinubukan ko ang renaissance painting, inaabot ako ng tatlong oras para makalahati lang 'yon, hindi ko 'yon matatapos sa isang araw lang.

Hindi minamadali ang lahat ng bagay.

"Paabot nga ng ketch—" hindi ko natapos ang sasabihin dahil tumunog ang doorbell. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian, nagkatinginan pa kaming tatlo.

"Mga barkada niyo?" I asked.

They shook their heads. Sinawsaw ni Matha ang hintuturo sa plato na may laman na ketchup at sinubo ang daliri.

"Wala kaming ganap ngayon. Baka ikaw ang may bisita?" Julie said. Inalis ko muna ang kanin na nasa gilid ng labi niya bago tinungo ang distansya ng pintuan.

I open the door and got completely astonished when I saw Ryker, smiling and holding a bouquet of sunflowers.

Paano niya nalaman na paborito ko ang sunflower? Wala akong sinabihan except kila Matha at Julie—wait, is Ryker asked them, again?

"Hi." he greeted. "Flowers for my lady." inilapit niya sa'kin ang bulaklak, kaagad ko naman na tumanggap 'yon.

Isang linggo ko na siyang hindi nakikita, hindi naman siya nagte-text sa'kin. Bakit niya pa kinuha number ko? Ano, para display lang sa contacts niya?

I smiled. "T-Thank you. Uhm...Ano nga pala ginagawa mo dito?" I asked. He ran his fingers through his hair and hem afterward.

"Courting you," he said, smiling ear to ear. My lips parted while looking at him. I blinked my eyes, twice. Is he serious about this? Me? Does he want to court me?

Hindi ko napigilan ngumiti.

Ang huling pagkikita namin ay nung hinatid niya ako at inamin ang rason kung bakit niya ako nagustuhan. Hinatid niya talaga ako hanggang sa tapat ng bahay.

"D-Dito na lang. Kailangan mo ng umuwi, gabi na." I said. I tightly hold my sling bag. Hindi ko magawang tingnan siya dahil pakiramdam ko sisigaw ako dito. Ayoko naman na makita niya 'yon.

He sauntered towards me.

"Bye, my lady..." he said.

Mabilis ko siyang tiningnan at umiwas ulit.

"Bye, Ryker. Thank you sa paghatid."

Kita ko ang marahan nitong pagtango.

"Sanayin mo ang sarili mo sa'kin, Muriel. Araw-araw kitang ihahatid sa bahay mo sa tuwing may pasok ka. Araw-araw din tayong magkikita." Aniya at mahinang tumawa.

I laughed.

"Yeah."

"Sige na, pumasok ka na sa loob. Tsaka na ako aalis kapag nakita na kitang pumasok sa bahay mo."

Binigyan ko siya ng ngiti. Ilang segundo pa kaming nagtitigan, ako ang umiwas at tinalikuran siya. Pagbukas ko ng pintuan, nilingon ko pa siya.

He bid a goodbye wave and smiled.

"Bye." mahinang bulong ko. Tuluyan ng isinarado ang pinto. Isinandal ang likod at pinakiramdam ang pintig ng puso ko.

Sobrang bilis.

Siya ang unang lalaki na nagpatibok ng ganito sa puso ko.

"Hala! Sana ol may sunflower!" matinis na sigaw ni Julie. Tumabi siya sa'kin sumunod din si Matha. Nilingon ko silang dalawa. Inilayo ang bulaklak sa kanila.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon