14

2.6K 102 14
                                    

Kabanata 14

Nang marinig ang pag-igik nito ay mabilis ko siyang binitawan.

"I-I'm sorry...nagulat kasi ako. Ikaw kasi eh..." I scratched the back of my ear. Hinawakan muli ang mga pinamili at tiningnan siya.

He chuckled.

"It's okay. Kasalanan ko naman." He hissed and smiled. "Marunong ka palang mag-self defense, huh?"

Tumikhim ako. "Uh...O-oo."

At the age of eight, Papa taught me every self-defense that I need to learn especially I'm a woman, everyone will look at me as weak and unmaterial creatures. Every girl must learn self-defense not only for herself obviously, save or help others also...your ability to protect yourself empowers you to live with less fear and more freedom.

Dalawang taon akong tinuruan ni Papa ng mga techniques. Nagustuhan ko 'yon dahil pakiramdam ko ang lakas ko bilang babae kayang-kaya kong ipaglaban ang aking sarili sa kahit sino man.

To my Papa, thank you...and I miss you.

Lumapit sa'kin si Ryker, suminghap ako ng kinuha niya ang mga bag at siya ang nagbitbit.
"K-Kaya ko naman." I said. Pilit na inaabot ang mga bag pero nilihis niya lang 'yun. I gave him a look. He just chuckles.

"Responsibilidad ko 'to. Dapat tinawagan mo ako para masamahan kita sa pagsho-shopping mo. Ang dami pa naman nito oh."

Walong supot lang naman 'yon. Hindi naman mabigat. Yung tripod easel lang ang nakikita dahil nga sa mahaba 'yon.

Tiningnan ko lang siya. "Salamat...and sorry pala sa nangyari."

He nod his head. Tumabi ito sa'kin. Nagsimula na akong maglakad papunta sa clothing shop na dapat ko talaga pupuntahan.

Bumaba ang tingin ko sa pulsuhan nito.

"M-Masakit ba?"

He turns his head to me. "Hindi." tumawa siya. "Okay nga lang ako, Muriel. Promise." he wiggled his eyebrows.

Pumasok kami sa shop at sinimulan ko ng magtingin-tingin sa mga magugustuhan na damit. Nasa likod ko lang si Ryker na minsan ay nililingon ko at nagkakasalubong ang aming tingin.

Kinikindatan niya lang ako.

"By the way, ano nga pala ang ginagawa mo dito sa New York? Shopping or work?" I asked. Kinuha ang peach off-shoulder dress.

"Sinundan kita."

Natigilan ako. Lumingon ako sa kanya.

"A-Ano?"

"Wala naman kaming ganap ngayon. Mamayang gabi ko pa gagawin ang ibang plates na kailangan kong i-submit. Ikaw muna ngayon." He smirked.

I looked away. Hindi napigilan ang pag-ngiti.

Napa-daan kami sa underwear area, nilagpasan ko lang 'yon pero tumigil ng tinawag ako ni Ryker.

"Wait, Muriel!"

Nang humarap ako ay nando'n siya. Binaba ang mga pinamili. May kung anong kinuha sa loob. Pumunta ako do'n dahil sa kuryosidad.

Nakakahiya.

Pinagtinginan tuloy siya ng mga babae sa loob. Ang iba ay impit na tumitili, may mga cellphone pa na mukhang kinukuhanan ng larawan o video si Ryker. Nilapitan ko siya. Do'n ako tiningnan ng mga babae.

I flip my hair and turned my back to them.

Mainggit kayo.

"This suits you well..." may ipinakita itong sexy red lace lingerie, tinaas niya pa sa mukha ko at sinasayaw-sayaw.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon