Kabanata 10
"Arte mo naman!" sigaw ni Matha.
Nailipat ko ang tingin sa kanya at ibinalik sa canvas pad ipinagpatuloy ang pagpipinta sa ikatlong subok ko.
Ang dalawa ay nasa kwarto ko. Gusto lang nila makita ang mga gawa ko pero heto sila na nakaupo sa kama ko at abala sa cellphone nila. Sa veranda ako pumwesto para tahimik at mahangin.
Nang matapos na ay inilublob ko ang paint brush sa tubig. Nilinis muna 'yon bago ako tumayo. Kailangan pang matuyo bago ko ilagay sa Art Room. Pumasok ako sa loob para maghugas ng kamay.
"OH MY GOD!" Julie screams. Pinunasan ko ng towel ang kamay ko at umupo sa tabi nila.
"Anong mayroon? Mukha kayong tanga alam niyo 'yon?" bumaling ako kay Matha na magkasalubong ang kilay habang tutok na tutok sa cellphone hanggang sa itinapon niya 'to kung saan.
"Matha!" I said. "Bakit mo tinapon?! Sayang naman!" Tumayo ako at kinuha iyon. Sinubukan buksan pero walang lumalabas. Nasira na nga.
I sighed and walked towards them. Ibinigay kay Matha ang cellphone.
"Bwisit kasi! Ang arte!" She said, furrowing her eyebrows.
"Sino ba?"
"Si Snow!" pabagsak siyang humiga sa kama ko habang nakanguso.
"Snow? Ka-trabaho mo ba?"
"Yung pusa sa Adorable Home!" saad niya. "Sa tuwing hinahanap ko 'yung heart kung saan niya gusto magpa-haplos, tangina! meow nang meow! Lalo na kapag gugupitan na siya ng kuko! Sobrang galaw ng mga kamay niya. Nakangiti pa ang gaga."
Wala akong alam sa pinagsasabi niya dahil hindi ko alam 'yon.
"Bibili na lang ako ng new phone! Luma na din naman 'yang Iphone 7 ko. Kailangan kong mag-level up ng phone para maganda rin ang camera." she said giggling. I rolled my eyes to her. Grabe mag-aksaya ng pera ang isang 'to.
I turn to Julie who's biting her nails.
Masigasig itong umangat ng tingin sa'min at tumayo sa ibabaw ng kama.
"Tuloy daw ang 59th Night Blast Party sa Hawaii! Gosh! Excited na ako!" tumalon-talon pa siya. I crossed my arms and waited till she gets tired jumping all over to my bed.
Feeling kwarto mo, sis?
Mabilis na bumangon si Matha. "For real?! Ahh!!" sinabayan na din niya si Julie na magtalon-talon sa ibabaw ng kama. Habang ako dito ay nahihilo na.
"Pwede ba?! Magsitigil kayo! Nahihilo na ako!" I said giving them a death glares. They both stopped and sitted beside me.
Alam ko na ang susunod na sasabihin nila.
"Sumama ako." I said.
"Sumama ka na." ani Julie at Matha. Nagkatinginan pa kaming tatlo. Niyakap ni Matha ang isang braso ko gano'n din ang ginawa ni Julie. Ngayon, magpapa-cute na naman sila para lang pumayag ako.
Taon-taon ipinagdiriwang ang Night Blast Party sa Hawaii sa buwan ng Abril. Hindi ako sumama dahil nga ayoko ng mataong lugar at parties. Kahit kailan hindi ako napapayag ng dalawa.
I just gave them a look while pursuing my lips.
"No. Ayoko. That's final." sinubukan kong alisin ang braso ko pero mas lalo nilang hinigpitan ang hawak.
"Sumama ka na, please..." Julie pouted twinkling her eyes.
"Kahit isang beses lang, oh. Malay mo magustuhan mo rin." Matha said. Hinaplos ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...