34

2.6K 85 19
                                    

Kabanata 34

"You didn't know? Oh, what a poor girl." She made a sad face but to insult me. Ayaw kong maniwala sa sinasabi niya baka sinisira niya lang ang relasyon namin ni Ryker, na nagsisinungaling siya para maghiwalay kaming dalawa.

Paanong buntis si Lana? Eh, halos araw-araw na nga kami nagco-communicate ni Ryker sa FaceTime kaya paano? Saka hindi magagawa ni Ryker sa'kin 'yon. Papatulan niya ba ang marupok na babaeng 'yon?

"What if I don't?" I raised a brow.

Humalakhak ito. Tinitingnan ko lang siya hanggang sa sumeryoso ulit ang mukha niya at dahan-dahan na lumapit sa'kin. Hindi ako takot kaya hindi ako umaatras.

Ilalaban ko ang pagmamahal ko kay Ryker, ilalaban ko ang pagmamahalan namin.

"Darling, you don't know who I am...Kayang-kaya kita patumbahin at patayin ngayon or maybe tomorrow?," Then she chuckled.

"Matatakot na ako niyan?"

Suminghap siya at tinaas nito ang kanang kamay handa na sanang sampalin ko pero may isang kamay ang pumigil do'n. Nilingon ko ito at nakita ang ama ni Ryker.

"Stop this, Delia." ani Mr. Lincoln. Marahas na binitawan niya ang palapulsuhan ng kaniyang asawa at tumingin sa'kin. Gano'n pa rin ang aura niya, madilim at para bang papatayin ka sa tingin. Pero bakit niya pigilan ang asawa niya na sasampalin dapat ako?

Mr. Lincoln sighed and put his two hands in his pocket. "Muriel Tremaine, right? You're the daughter of Auriela and Marco Tremaine." He asked.

Nagulat ako dahil papaano niya kilala ang mga magulang ko. O baka naman business partnership ni Dad? O may iba pang koneksyon?

"Y-Yes, I am." sambit ko.

"Your Dad and I are good partnerships when it comes to handling business. I also heard their deaths, I'm sorry for that."

Hindi ako nagsalita.

Si Mrs. Delia ay nakatingin lang sa'kin, nakataas ang kanang kilay at binuksan ang pamaypay saka tumalikod. Bumaling muli ako kay Mr. Lincoln na tumikhim.

"Are you the girlfriend of my son?"

I nod my head. "He's my first boyfriend, Sir. And I am also his first."

"Really? But, Lana is pregnant."

Natahimik ako. Buntis talaga si Lana pero ang tanong ay ama ba talaga si Ryker? O nagkukunwari lang para akuin ni Ryker ang responsibilidad sa kaniya at para maagaw niya sa'kin si Ryker.

Pero paano kung siya nga?

Tila bumigat ang pakiramdam ko, there's also a lump of my throat and it's fucking hurt. Ang puso ko parang hinahati sa gitna dahil sa naisip.

Kung siya nga, bakit niya magagawa sa'kin 'yon?

"Sinabi ko na 'yan sa kaniya pero hindi siya naniniwala, Rogelio!" ani Mrs. Delia. "Ang tigas din talaga ng ulo ng babaeng na 'to! Gusto niya talaga maging kabit sa relasyon ng anak natin at ni Lana! Ano bang klaseng pagpapalaki ang ginawa nina Auriela at Marco kung baki—"

"Huwag mong pakialaman kung paano ako palakihin ng mga magulang ko. Tama at maayos ang tinuro nila sa'kin. Oo, namuhay kami sa marangyang buhay pero kahit kailan hindi nila ako tinuruan kung maging sakim, mapuno ng inggit, selos at galit ang puso. Eh, ikaw...Bakit ka lumaking baboy na masama pa ang ugali?" I said and smirked.

Malakas na suminghap siya. "How dare you to call me baboy! I'm not fat!" Aniya.

"You are baboy ka. Pig! " ani ko.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon