40

3.7K 102 7
                                    

You reached the last chapter of Found Myself In You! Thank you so much for reading. This is one of my challenging stories that I wrote so far because I need to do some searches for the pieces of information that may be involved in this story. Mayroon pang #2 and #3 and tingin ko ay macha-challenge din ako sa dalawang 'yon.

Hope you enjoy reading this. :)))

Kabanata 40

"Can you please breathe quietly, Ryker?!"

Tumigil ito sa pagtitipa ng laptop niya at nagsalubong ang kaniyang kilay. Pinag-krus ko ang aking hita at braso habang nakaupo sa sofa. Inabala ang tingin sa T.V.

"Pati ba naman paghinga ko ikinagagalit mo? Oh, siya hindi na ako hihinga para hindi ka mainis." sarkasmong saad nito. Nilingon ko siya tapos ay umirap. I heard his small chuckles and his footsteps coming in my direction.

Nang umupo ito sa tabi ko ay tinulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig gulat naman niya akong tiningnan.

"What the hell is wrong with you, baby?" He stood up and sat on the other sofa. "Ah, may regla ka siguro 'no?" He grins.

I raised my brow. "Hindi pa ako nadadatnan isang buwan na."

My husband tsked. "Poor wifey, come here...let me give you a hug."

"Ayoko nga!" sambit ko at tumayo. I ran upstairs and closed the door. Sa balcony ako tumuloy at umupo sa parihabang sofa ro'n. Hindi ko alam kung bakit kahapon at ngayon ay nagagalit ako kay Ryker nang walang dahilan. Basta I'm mad whenever I see him or he tried to come closer to me.

Dalawang buwan pa lang kami kasal ni Ryker. Lumipat kami sa Maynila dahil may ginawa siyang bahay habang abala siya sa paghahanap sa'kin sa Aklan. Nakakahiya naman kasi kila Belle na maninirahan lang kami habang buhay do'n. Kaya pumayag ako na lumipat dito at magsimula kami ng panibagong buhay.

Simula nang maikasal kami ni Ryker halos pinapatawa niya lang ako at sa gabi naman ay may nangyayari sa amin. Walang kapaguran ang isang 'yon. He's wild and beast when it comes to bed. Patuloy naman siya sa kaniyang trabaho pero madalas ay nasa bahay lang siya. Minsan ay late na siya umuwi ng bahay at inaabot ng madaling araw dahil sa kailangan tapusin 'yung mga designs, projects and etc.

Mahirap rin pala maging architect.

Habang ako ay may koneksyon pa din sa Getty Center. Para hindi ako mahirapan ay pumasok ako bilang Artist sa isa sa mga kilalang Art Museums dito sa Maynila. Gano'n pa din ang ginagawa ko. Puro guhit, pagpipinta, ipapatingin at ipapavalidate and so on and so forth.

Nakita ko si Riel na nilalaro ang isang paru-paro sa may damuhan.

"Riel, come here!" tawag ko. Kaagad siyang tumakbo sa akin at sinunggaban ako habang dinidilaan ang aking pisngi. I patted his head and giggled. Nalihis ko ang tingin sa pumasok, bumusangot ang mukha ko.

"Why is my baby suddenly mad at me?" He said but I can barely see a smirk from his lips like he's teasing me just to get me mad even more. Umupo ito sa tabi ko  tiningnan ko lang siya at umirap, muli.

Tumakbo si Riel para habulin ang paru-paru. Pinapanood ko lang siya pero sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko ang paninitig sa'kin ni Ryker. Dahil sa inis ay binalingan ko siya at tinaas ang aking kilay.

"Huwag ka ngang tumingin!" asik ko.

"Huwag ka ngang tumingin!" he mocked my words and chuckled.

I glared at him.

Ang kamay niya ay pumunta sa aking kabilang braso at hinapit ako papunta sa kaniyang dibdib. Hindi ako nagreklamo, sadyang tumahimik lang ako habang magkasalubong ang aking kilay. Nang maamoy ang amoy niya ay lumayo ako at tinulak siya.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon