Kabanata 38
As time passes by, I'd decided to fixate myself again on arts. Do'n ko nilabas ang pangungulila ko kay Ryker. Halos siya na lang ang naiipinta ko sa canvas pad saka sa sketch pad ko. Hindi ako nagsasawa na araw-araw ko siyang iginuguhit gamit ang aking mga kamay.
Ang mga ngiti niya...kung paano magsalubong ang kaniyang kilay kapag nagagalit o nagseselos siya...ang mapaglaro nitong mukha at pagtaas ng kilay kapag inaasar niya ako. All of his, I painted it.
I missed everything about him.
"Pa-drawing ako, Ate!" Nilingon ko si Belle kasama si Louise, ang kapatid niya. "Nagpasama eh, gusto din daw." She chuckled and pointed to Louise who gave a wink at me.
"Sige, upo na lang kayo diyan."
Umupo ang dalawa sa buhanginan. Magkaharap ang aming posisyon, itinali ko muna ang buhok sa bun bago hinawakan ang pencil at sinimulan ang pagguhit sa kanila.
Hindi naman ako nahirapan dahil ang ginamit kong technique ay ang charcoal drawing. Isang oras ang itinagal ko do'n, may mga iilang tao na pinapanood din ang ginagawa ko.
"Arf! Arf! Arf!" nilingon ko si Riel na mabilis ang pagtakbo nito papunta sa aking direksyon. Mabuti ay natapos ko na ang ginagawa ko bago ako nito sunggaban at dinilaan sa mukha.
I patted his head and chuckled, he stopped while wiggling his furry tail. "Good boy..." I said.
Tumahol pa ito. Hinimas ko muli ang kaniyang ulo. Dinala ko siya papunta dito sa Pilipinas. Bago kami umalis ay pumunta muna ako sa bahay ni Ryker. Si Aling Nita lang ang nakita ko don. Siya ang nagbigay ng aso dahil hindi niya kayang maalagaan, eh naalala ko na binigay sa'kin ni Ryker ang aso.
Sobrang laki na ni Riel na halos kinakatakutan ng mga tao dito dahil sa lobo nitong hitsura at malalakas na tahol pero dahil sa tinuruan ko siya ng basic dog commands ay nagustuhan siya ng mga tao lalo na ang mga bata.
Sa tuwing nakikita ko si Riel, parang kasama ko na rin si Ryker.
I shifted my eyes to Belle. "Tapos na." Maligalig silang tumayo at lumapit sa'kin. Binigay sa kanila ang sketch pad ko."Woah! Ang galing! Ang ganda mo dito, Louise, kaso dito lang." Belle teased her sister. Sinamaan lang siya ng tingin ni Louise at umirap. "Kunin ko na Ate, ah?" Pinunit niya paalis ang pad at binalik sa akin ang sketch pad ko.
"Kapag gusto niyo pa ulit, lapit lang kayo sa'kin." Nilagay ko sa case ang mga gamit at inayos na ito. Palubog na ang araw kaya kailangan ko na din pumasok. Tanghali pa lang ay nandidito na ako.
Sa tuwing may nagpapaguhit sa'kin ay hindi ko na sila pinapabayad. Dahil alam kong hirap ang mga tao na nandidito saka okay na sa'kin na nagustuhan at na-appreciate nila yung gawa ko kaysa magbayad.
Si Riel ay tumakbo-takbo na naman habang nakikipag-laro sa mga bata. Hinayaan ko na lang siya. Sabay kaming naglakad ni Belle papuntang bahay. Natawa ako nang makitang nauna na sa amin si Riel at humarap sa amin, mukhang gustong makipaglaro.
Lumapit ako sa kaniya. "Riel, down." sumunod naman siya. "Roll over..." he did. Hinimas ko ang tiyan nito na gustong-gusto niya. Ilang segundo ko siyang ginanon bago ko siya sabihan na umuwi na.
Pagdating namin sa bahay ay nakita ko na abala ang mga tao sa loob tapos ay hinatak pa ako ni Belle palikod kaya napaatras ang aking lakad. I turned to her.
"B-Bakit, teka—"
"Ah eh, punta muna tayo sa bahay ko." Belle said maging si Louise ay hinila ako kaya imbes na sa bahay namin umuwi ay sa bahay nila kami pumunta.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...