Kabanata 29
I let out a deep sighed. Pagod kong tiningnan ang mga tao na nagsasayawan sa gitna ng hall. Habang ako nandito sa lamesa, umiinom ng tubig.
Karamihan ay may mga edad na pero kung makasayaw akala mo mga teenager eh.
Masaya silang tingnan kaso nahihilo nga lang ako dahil sa dami ng tao at yung ingay. Isama pa ang dim lights na nagpapa-antok sa'kin.
Okay. I'm so fucking bored.
"Uy, Muriel! Sumayaw ka naman!" Nilingon ko si Patricia nang lumapit ito sa'kin at uminom ng wine. "Kanina ka pa nakaupo diyan! Baka nakadikit na ang pwit mo sa upuan ah?" biro nitong sabi.
"Wala ako sa mood. Sana talaga hindi ako pumunta..." I whined.
She giggled. "Ikaw naman ang malalagot kila Madam Leviste at Sir Dexter. Tingnan mo kanina halos kilala ka ng mga Artist dahil sa galing mo! Saka nakita ko kung gaano ka titigan ni Sir! Muriel, sigurado na matutunaw ka!"
At wala akong pakialam dun. I rolled my eyes. Gusto ko ng umuwi!
Nangangati na ang mukha ko dahil sa make-up na nilagay ni Julie. Hindi naman ito heavy. Binagay niya lang sa suot ko.
"Bagay sa'yo ang fierce and smoky make-up!" ani Julie.
Kung pwede lang tanggalin eh.
Bumalik muli sa pagsasayaw si Patricia. Sina Kianna at Violetta ay sumasayaw din, hindi ko alam kung mga jowa ba nila yung mga kasayawan nila o mga nabingwit lang nila ngayong gabi.
Marahas akong bumuga ng hininga at kinamot ang pisngi ko.
"Muriel?"
I turned my head to the right side and saw Dexter. Tumayo ako at yumuko ng kaunti. Ngumiti ito sa'kin at nilahad ang kanyang kamay, tiningnan ko lang 'yon. Nagda-dalawang isip kung tatanggapin ko.
"Let's take a dance?"
Sayaw lang naman. Walang malisya. Sasabihin ko kaya kay Ryker na isinayaw ako ni Dexter? Sigurado na magseselos 'yon.
Nakakahiya naman kung tatanggi ako. Kaya, napagtanto ko na lang na naglalakad na kaming dalawa sa gitna. Humawak siya sa aking beywang habang ang aking kamay ay nakapatong sa kanyang balikat.
"You look so beautiful," Dexter said.
I smiled. "Thank you." at tumahimik kami. I looked away when I felt his stare at me.
"I have something to tell you..."
Tiningnan ko siya.
"But, I think it's better if we go to the back...in the garden, is it okay to you?"
"Of course." I said. Siya ang unang naglakad patungong hardin. Kung saan niya din ako dinala noon. Sana ay matuloy na niya ang sasabihin dahil kinakain na talaga ako ng kuryosidad kung ano ba ang gusto niyang sabihin sa'kin.
Nang marating na namin 'yon ay humarap ito sa'kin. Walang katao-tao dito kasi medyo may kadiliman ang lugar na ito. May ilaw naman kaso dahil nga sa laki ay kulang pa 'yon, eh dito pa kami pumwesto sa madilim na lugar.
Naaaninag ko pa naman siya kahit papaano.
"What do you want to say, Sir?"
Tumikhim ito. "I-I like you, Muriel..."
Ryker is right! Tama ang sinabi niya na ang gustong sabihin ni Dexter ay ang nararamdaman niya, na gusto niya ako.
"I...U-Uhm.." Oh, shit. I can't find my words. What to do na?
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...