37

2.7K 73 2
                                    

Kabanata 37

"Muriel, hindi siya 'yon. Baka kamukha niya lang!" 

"No! I'm sure he is!" pagpupumilit ko. Ang dalawa ang nakapameywang sa harapan ko habang nakaupo ako sa isang kawayan na silya. Kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi sa kanila ang nakita ko kanina!

Sinubukan kong habulin siya kaso mabilis siyang nawala na para bang isang bula. Naiwan ko pa nga si Belle dahil sa paghahabol, nakarating pa ako sa likod ng palengke. Maghihintay pa sana ako pero nasundan ako ni Belle at inayaya na niya ako umuwi.

Alam kong si Ryker 'yon! Nung nakita ko pa lang ang side profile niya ay alam na alam ko na pero bakit siya nagpagupit ng buhok?

Saka bakit siya napadpad dito?

Tadhana na ba ang nagpapalapit sa aming dalawa?

I knew it! He's alive!

Nasapo ni Julie ang noo at bumuntong-hininga. "It's been already four years since he left you, insan. Bakit hindi mo siya magawang palayain sa isipan mo? Oo, alam naming mahal na mahal mo si Ryker pero seriously, ikaw mismo ang nagpapahirap sa sarili mo. Kasi kung buhay talaga si Ryker, babalik siya...hahanapin ka talaga niya saka tatawagan o magti-text sa'yo, maraming paraan pero ngayon, walang kahit ni isa na paramdaman, Muriel. Wala. So, please, stop this nonsense." Aniya.

"Kapag nagmahal ka, handa kang maghintay. So, I'm willing to wait for Ryker. And that's final." I said. Tumayo ako at pumunta sa maliit na kusina. Nilabas ang mga pinamiling gulay para masimulan na ang pagluluto.

Sumunod sila at tinulungan din ako sa pag-aayos.

"May taong binigay ang Diyos sayo para lang makilala mo at hindi para makasama mo." ani Matha.

Tumigil ako at nilingon ko sila. "Stop." masakit na nga ang puso ko, dadagdag pa sila sa sakit na nadarama ko.

They stopped and shrugged their shoulders. Tahimik kaming kumain pero nagkaka-salubong ang aming tingin. Sadyang ganito na lang palagi ang eksena kapag binubuksan ko ang topic na tungkol kay Ryker, na buhay siya at babalik sa'kin. Wala din naman akong magagawa kung hindi sila maniniwala. Malakas ang pakiramdam ko at ang idinidikta ng puso ko...that Ryker is alive.

"Malapit na ang birthday ko, Ryker...Malapit na din ang anniversary natin, na hindi na naman kita kasama." I whispered. Hatinggabi na at nasa labas pa din ako, gabi-gabi ko na 'to ginagawa.

Pakiramdam ko kasi na kapag nandidito ako ay kasama ko si Ryker. Nanunumbalik ang lahat ng aming alaala habang tumitingin kami sa papalubog na araw o di kaya'y madilim na eh, nando'n pa din kami sa likod ng bahay ko sa Malibu, tahimik na pinagmamasdan ang alon at ang pag-iisa nang tibok ng aming puso habang nakasandal ako sa kaniyang katawan at ang mga kamay nito na nakapulupot sa'kin.

Lubos na akong nangungulila sa'yo, Ryker.

Tulungan mo ako...

I hugged my knees and sighed.

"Ate Muriel?" Umangat ang aking tingin at nakita si Belle na may dalang isang lampara. "Bakit ka nandito? Ang lamig dito sa labas baka magkasakit ka?"

Pinunasan ko ang aking luha at ngumiti sa kaniya. "Sanay ako sa lamig, Belle. Ikaw, bakit gising ka pa?"

Naupo din ito at tumabi sa'kin, nilapag ang lampara sa gilid niya bago nagsalita. "Katatapos ko lang gawin 'yung medical research ko. Bukas na kasi kailangan ipasa. Saka ganitong oras ay gising talaga ako dahil sa paggawa ng works ko."

"Hindi biro ang course na kinuha mo. Gusto mong maging Doctor?"

Tumango siya. "Pedetrician Doctor, Ate. Ngayon ay nasa training at practitioner pa ako kapag natapos ko na 'yon ay baka lumuwas ako ng Maynila at do'n kumayod saka mag-trabaho kaya maiiwan ko si Nanay dito pero kapag nakapag-ipon na ako ng sapat na pera ay kukunin ko din siya para maalagaan ko. Si Ate Julie kasi magiging abala din sa trabaho baka hindi niya maalagaan si Nanay."

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon