Kabanata 15
"Hinihintay ka ng boyfriend mo sa ibaba, insan." ani Matha at lumundag sa aking kama. Tinigil ko ang pagtutupi ng damit at kaagad na pumunta sa salamin para ayusin ang sarili.
"Hindi ko siya boyfriend, Matha."
"Ulol, do'n din naman mapupunta 'yon. Pa-hard to get ka lang, eh. Same feelings naman kayo pero ang tagal mong sagutin. Nako, insan. Pasampal nga."
Sabog ang buhok ko kaya tinali ko na lang 'yon ng bun, I pulled some hair to make it better and a little messy. Ayos naman na ang mukha ko, hindi ko na kailangan mag-lipstick. Natural pinkish ang labi ko, nag-pulbo na lang ako.
"Ay, may pa-ganon sis?! Kailan ka pa marunong nag-ayos bago ka magpakita sa bisita?" saad ni Matha, tinukod ang kanang siko para tingnan ako.
Pumasok si Julie at natigilan. She drifted her eyes on me.
"Iba talaga nagagawa ng in love na." She said, giggling. Tumabi rin ito kay Matha at humiga.
"May kwarto naman kayo? Bakit kayo nandito? Kakapalit ko pa lang ng sheets, ah. Madumihan niyo pa 'yan."
"Arte mo naman." Julie said, pouting.
"Dito muna kami habang nag-uusap kayo ng bebe mo sa ibaba. Bibigyan namin kayo ng lovey-dovey time." at bumungisngis si Matha, sinabayan ni Julie. Nag-apiran pa silang dalawa.
I rolled my eyes.
Baka naghihintay na siya do'n.
Iniwan ko ang dalawa na patuloy sa pagtili. Sumilip ako sa ibaba at nakita ko siya na nakaupo sa isang sofa, nakatalikod siya sa aking gawi. May hawak siyang bulaklak, this time, daisy naman ang kanyang dala.
Pangalawang bulaklak na gusto ko.
Tahimik akong bumaba. Balak ko sana siyang gulatin kaso lumingon ito sa aking gawi at tumayo.
He smiled.
"H-Hey..." I said. Maliit kong kinaway ang aking kamay sa kanya. Sinalubong ang kaniyang tingin. Every time I look into his eyes I feel like I could stare in them for a lifetime forever.
The way he looks at me, deep yet calm and relaxing.
"Hi, beautiful...flowers for my lady." Nilahad niya sa'kin ang bulaklak na kaagad kong tinanggap. Ngumiti ako at pinagkatitigan siya.
He's wearing a black button-down long sleeve. The sleeves are folded until his elbows. A necktie, pants, and shoes. May bag din ako na nakita nakalagay sa sofa na inupuan niya.
"Thank you."
Pumasok na naman sa isipan ko ang gabi kung saan nag-video call kami. Wala akong masabi sa sinabi niya tungkol sa pagkagat ko sa labi ko. On-call pa rin kami na nagtitigan lang sa screen, minsan ako ang umiiwas ng tingin dahil sa kakaibang tingin na binibigay niya.
Keen but passionate.
Umupo ako sa isang sofa na katabi niya lang. "Upo ka." sambit ko. Nang maupo siya ay nilapag ko ang bulaklak sa mga hita ko at tiningnan siya.
BINABASA MO ANG
Found Myself In You ✔
Romance[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true meaning of art. She put her half-life on it, but when it comes to romance stuff she doesn't even care...